Chapter 7

31 21 0
                                    

Trinity's POV

It's been three days since Eliana was poisoned and she has been asleep for the past three days. And it's been three days since we started looking for a cure.

Bumalik kami sa sapa dahil sa nangyari kay Eliana. Tuwing umaga ay naghahanap sina Thunder ng makakain at lunas samantalang binabantayan naman namin si Eliana dito sa itaas ng puno.

Nakakapagtaka na wala na ang mga kulay asul na isda sa sapa kaya tanging mga bungangkahoy na lamang ang nakakain namin.

"Nagugutom na ako." Hinaing ni Kianna.

Tiningnan ko sya. She looks like a mess. Magulo ang buhok, madungis, at punit punit ang damit in short 'haggard'.

"Look at yourself Kianna, ang dungis dungis mo na." Komento ko.

"At nagsalita ang hindi!" Sabi nito sabay irap.

Kung nakikita ko lang din siguro ang sarili ko ay mas malala ang hitsura ko. Wala kasi kaming sapat na tulog dahil sa nangyari kay Eliana.

"Oh nandito na ata sila." Napalingon naman ako sa tinitingnan ni Kianna.

Dumating na pala sila. It's still 12:45 pm. Kadalasan kasi ay 2 to 3 pm sila dumadating. Napaaga ata ngayon.

Nauuna si Thunder na may dalang usa at ang kambal naman ay may dala dalang mga pinutol na kahoy. Naka sunod naman sina Rain at Zeke na may dalang mga prutas.

"Napaaga kayo?" Tanong ko.

Ibinaba nila ang mga dala nila at naunang umakyat si Thunder saka naman sumunod ang iba.

"How is she?" Tanong ni Thunder.

"Namumutla parin." Sagot ko.

"May nakita na kayong lunas?" I asked.

"As of now wala pa." Saad nya sa malungkot na boses.

Lumapit sya kay Eliana na ngayon ay nakahiga sa malapad na sanga ng puno. Pinunasan nya ang tumutulong pawis nito habang matamang nakatitig dito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko nang makita ko syang inaangat ang katawan ni Eliana.

"I'll bring her to the water."

Sinundan ko na lamang sya at tinulungang maibaba siEliana mula sa puno.

Sinundan namin si Thunder patungo sa sapa habang bitbit ang mga dala nila kanina.

Dahan dahan nyang ibinaba si Eliana sa malapad na bato at seninyasan ako para lumapit na agad ko namang sinunod.

"Undress her." Utos nya.

"Why?" Tanong ko habang naka kunot ang nuo.

"I'll soak her body in the water."

"Hindi ba 'yon makakasama sa lagay nya?"

"We need to take the risk."

"Okay." I reply and started undressing her.

Tanging undies lang nya ang itinira ko. Agad naman syang dinala ni Thunder sa sapa at dahan dahan syang lumusong sa tubig habang nasa mga bisig nya si Eliana.

I watch them as Eliana's body immerse in the water. Her pale complexion was visible and then slowly it became pinkish na tila nabubuhay na uli ang katawan nya, hindi naman sa patay na ito pero ang putla nya kasi na animo patay. Iyon siguro ang epekto ng lason.

Inilubog ni Thunder ang buong katawan ni Eliana sa tubig kaya kitang kita ang reaksyon ng kanyang katawan. Tila payapang payapa sya sa ilalim ng tubig.

Under The HorizonWhere stories live. Discover now