Chapter 1

87 24 15
                                    

Eliana's Point of View

"Eliana saan ka na naman galing?" Tanong sa akin ni auntie pagpasok ko sa bahay.

"Nag lakwatsa ka na naman noh? Wala ka na talagang magawang matino! May plano ka pa ba sa buhay mo?" Dagdag pa ni Auntie.

"I'm tired Auntie. Please not now." Saad ko sa pagod na boses at naglakad patungo sa kwarto ko.

"Napagod siguro yan mama dahil sa dami ng lalaking nagpasasa sa katawan nyan. What a whore!" Saad ni Chasity mula sa kusina.

Look who's talking. Psh!

"Not now Chase. I'm tired from work." Saad ko at pumunta na sa kwarto ko.

"Bitch!" Narinig ko pang sabi nya bago ako makapasok sa kwarto ko.

Ang babaeng yun talaga. Psh!

I am living under the roof of aunt Cynthia and her family. Sila na ang itinuturing kong pamilya magmula ng mamatay sina mama at papa. Hindi ko na naaalala kung ano ang ikinamatay nila dahil maliit pa lamang ako ng maulila ako. Ayon kay auntie ay lumubog daw ang sinasakyan nilang barko at wala ni isang naka ligtas.

Magmula noon ay kinupkop na ako ni auntie at pinatira sa bahay nila. Mabait naman sila dahil pinapakain nila ako at pinapatira sa bahay nila. Yun nga lang ay hindi gaanong kaganda ang turing nila sa akin lalo na si Chasity, ang nag-iisa nilang anak ni Tito Greg. Sa ibang bansa nagta trabaho si tito Greg so kaming tatlo lang ang naka tira dito sa bahay.

Agad akong nahiga sa malambot na kama habang naka tingin sa ceiling ng kwarto ko.

I'm so tired from work. Don't get me wrong, I'm not into prostitution like what Chasity said. I'm working as a waitress sa isang first class restaurant. Hindi pa ako nakakapagtapos dahil walang sumusustento sa akin. Pa hinto hinto ako dahil kailangan kong pag-ipunan ang matrikula at mga gastusin sa school.

Pagkain lang at bahay ang kayang ibigay sa akin ni auntie. Hindi kasama dun ang pag-aaral ko kaya since then ay nag-aaral ako ng mabuti para maka kuha ng scholarship from grade school up to now. Third year college na ako taking up culinary arts. As of now naka hinto muna ako dahil alam nyo na nag-iipon na naman ako.

Agad akong bumangon at naligo.
Nagbihis na ako para pumasok sa isa ko pang trabaho. I work as a cashier sa isang convenience store. From 9 pm to 5 am 'yun bale 8 hours yun. Tapos bukas naman ay sa isang Italian restaurant ako from 8 am to 6 pm 'yun bale 10 hours yun. So tag 3 hours lang ang pahinga ko from Monday to Friday. Saturday and Sunday ang day off ko at buong araw akong tulog nyan.

Auntie and Chasity don't know about my works. Hindi kami close tsaka halos sa labas na ako kumakain kaya minsan ko lang silang nakikita sa buong maghapon.

Agad akong lumabas ng bahay dahil baka ma-late ako. Strict pa naman yung manager dun.

Sa isang subdivision ang bahay nina auntie kaya kailangan ko pang maglakad palabas saka ako makakasakay ng jeep.

Agad akong nagpalit ng uniform nang dumating ako sa convenience store at pinalitan ang katulad ko na nagpa part time din.

"Sige bye Eliana. Pagod na rin ako."

"Bye. Ingat sa daan!"

Umupo ako sa inuupuan kanina ni Aika at nagsimula nang magtrabaho.
Hindi masyadong madami ang customers kaya isa lang ang cashier dito.

I was startled nang pumasok ang isang babae. Nang makuha nya ang gustong bilhin ay dumiretso na sa counter.

"279.75 ma'am." Saad ko.

Binigyan nya naman ako ng 500 bill.

"Keep the change." Saad nya sa malamig na boses at bago pa ako maka angal ay kinuha na nya ang binili nya at lumabas na sa pinto.

Under The HorizonWhere stories live. Discover now