Chapter 14 (The gift)

Start from the beginning
                                    

       Binuksan nila yung soda can.

      "Hindi pa ba ubos yang flyers mo? Tanong nito sa dalaga. Umiling muna siya bago sumagot.

      "Hindi pa, medyo marami pa kasi."

      “Ilan pa ba yan? Patingin nga!” Aktong kukunin sana nito yung mga flyers ng iniilag ito ng dalaga.

      “Ako nalang nakakahiya naman s’yo. Mauubos din naman 'to.” Sambit nito kaagad.

      “I just want to help you. Matatapos mo yan kung hahayaan mo 'ko na tulungan ka.”

      Si Nathaniel Vergara tutulungan daw siyang mamigay ng flyers. Totoo ba 'to? Agad namang kinuha ng binata yung karamihan sa mga papel.

     “Manuod ka, ganito lang mag-promote!”

      Luminga-linga sa paligid yung binata upang maghanap ng magiging prospects. Nakakita naman ito ng grupo ng mga kababaihan roon kaya agad s'yang tumayo upang lapitan ang mga ito.

     “Hey, beautiful young ladies puwede ko ba kayong maabala?” Sambit ni Nathaniel, sabay nginitian pa ang mga ito.

      Namangha naman sa kaguwapuhan niya yung mga dalaga very charming kasi ang dating nito. Yes! Ang naisagot ng ilan sa kanila, hindi na yata maputol yung pagtitig nila sa kakisigan ng binata.

      “Kain po kayo sa Happy chicken restaurant!” Sabay abot niya sa isang flyers, muli s'yang tumayo upang mag-alok.

        Natuwa naman si Kassandra ng makitang nasa sampu nalang yung ipamimigay niya. Nabigla na lamang siya ng makaharap muli si Nathaniel at nalaman niyang wala na itong hawak na papel. Nakakapagtaka wala pa yatang limang minuto ng naubos nito yung mga flyers.

       “I’m done. Ikaw, hindi ka pa ba tapos?”

        Umiling si Kassandra halatang nahihiwagaan sa ginawa ni Nathaniel.

       “Naubos mo agad yon ngunit papaano mo nagawa?”

      "Bye, Nathaniel! Kakain kami mamaya sa restaurant n'yo ha!" Sabi ng isang babae habang hawak nito ang ilan sa mga papel.

      "Thanks! Make sure you visit us, okay?" Sagot nito sa kanya.

      "Sure, see you around."

       Mukhang ginamitan nito ng charm ang mga babaeng iyon.

         Sinulyapan niya yung binata, ano pa nga ba ang aasahan niya. Guwapo, malinis at edukado pa ang binatang ito talagang hindi na siya magtataka kung maakit man sila.

        “Mukhang meron ka pa? Akin na nga.” Kinuha nito yung mga natitirang flyers ni Kassandra at isinilid sa loob ng basurahan.

       “Nathaniel bakit mo itinapon?”

        “Don’t worry... Kapag pinagalitan ka ni Nicholas, isumbong mo agad sa akin.”

        Hinawakan nito yung kamay niya.

       “Siguro naman sasamahan mo na 'kong mag-lunch?”

       "Lunch?" Gulat na nasabi niya.

       "Oo, 'di ba ililibre mo 'ko? "

       "Ililibre kita? K-kailan ko naman sinabi yon?"

       "May utang ka sa akin 'di ba?" Nakakatuwa ang ngiti nito.

       "Ha?" Natahimik si Kassandra ng maalalala yung nangyari nuong nakaraan at parang pinanghinaan tuloy siya. "Sige, kukunin ko lang yung bag ko."

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now