"Huy!" Pinandilatan ko siya ng mata. "Sira ka! Crush ka riyan? Ayos ka lang?"

"Why?" Ngumuso siya. "Hindi ko naman siya liligawan, ah? Asa naman akong mapapansin niya ako, 'no. At saka if I know, straight siya. Pero kasi, ang ganda-ganda niya. Ang brown talaga ng eyes niya, parang natunaw na chocolate! Yung lips niya, ang nipis, ang sarap halikan. Oh, my gosh!" Parang nagniningning na ang mata niya sa kaharutan. "Tapos bihira siya ngumiti pero naman, makalaglag panty ang smile niya!"

"Ewan ko sa'yo." Napailing ako. Yung mga pinag-iisip niya sa tao, dyusko.

"Ella naman," Umungot siya. "Alam mo nang bi ako, 'di ba? Kaya okay lang 'yan. Tsaka crush lang naman, eh."

"Basta huwag lalalim, okay?" sabi ko sa kanya, "Baka sa susunod, iiyak-iyak ka na naman sa'kin."

"Hindi! Promise!" Yumakap pa siya sa braso ko. "Sus, si Ella, masyadong concern sa bespren niya."

"Siyempre," sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng matamis at kumopya na sa assignment ni West.

Napailing na lang ako at nagbasa. Well, magr-reread na lang ako habang wala pang update. Hay.

Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na bisexual si Valeen. Feeling ko nadala lang siya sa mga nababasa niya. Nag-start talaga siyang magkagano'n simula nang makapagbasa siya ng gxg, girlxgirl, or girltogirl story sa Wattpad. Iyon yung mga kwento na ang bida ay dalawang babae, sa kanila umiikot ang romance.

Simula no'n, na-confuse na siya. Hanggang sa ayan na, nag-out na siya na bi nga raw siya, nagkakagusto siya sa babae at lalaki.

Ayos lang naman sa akin kung bi talaga siya, ang ayoko lang yung nagpapadalus-dalos siya. Akalain ba namang nag-girlfriend bigla, tapos, ano, iiyak-iyak siya no'n kasi nakipaghiwalay yung girl sa kanya kasi na-realize daw no'n na straight siya at hindi kayang ipagpatuloy yung relasyon kay Valeen. Kasi nandidiri daw.

Nakakakulo ng dugo. Nakakainsulto kahit hindi para sa'kin. Ayoko lang na kapag may naging girlfriend ulit si Val ay gano'n lang ang magiging ending. Pang-experiment lang.

Kaibigan ko siya. Ayoko lang na nasasaktan siya.

Sana yung crush niyang 'yan kay West, hindi umabot sa point na gusto na niyang maging girlfriend yung tao. I don't think that Hansen girl is the relationship type anyway. Ayoko mag-judge, pero bata pa naman din kami kung tutuusin.

Kaya ako, loyal lang ako kay Nishi my love! At least iyon, lalaki. Hindi ko kailangan maranasan na mahusgahan ng ibang tao o masabihang nakakadiri.

Para sa'kin, wala namang masama kung ganoon ang gusto nila, na mas nahahanap nila yung pagmamahal sa kaparehong kasarian, pero para sa'kin, ang magkaroon ng gano'ng label...para lang 'yon sa matatapang at malalakas ang loob.

Hindi ako matapang, at lalong wala akong lakas ng loob.

Ayokong manghusga kasi hindi naman dapat, eh. At saka, ako, lumaki ako sa pamilya na dalawa ang nanay ko. Si Mama at si Mimi.

Anak ako ni Mama sa pagkadalaga. Yung totoong tatay ko kasi, magaling tumakbo. Biglang nawala nang nalaman na nabuo ako. Tapos nakilala ni Mama si Mimi no'ng ten years old na ako.

Siguro kasi bata pa ako no'n kaya maayos na nasabi sa akin ni Mama yung tungkol sa relasyon nila. Maaga niyang tinuro sa akin na may iba't ibang klase ng love. At isa na iyong sa kanila. Tinuruan niya akong huwag manghusga dahil lang sa naiiba ang ilan sa amin.

"Tapos na ako."

"Ha?" Napalingon ako kay Val nang masama nang halos isupalpal niya sa pagmumukha ko yung notebook ni West. "Ano ba 'yan!"

"Tulala ka kasi, 'te!" Sagot naman niya, "Saang galaxy na ba lumilipad 'yang utak mo? Kumopya ka na at mamaya may teacher na."

"Oo na."

Hay nako. May pagka-brutal din talaga, eh.

"Ikaw na rin magsauli ng notebook kay crush, ah."

Tumango na lang ako at hindi na siya pinansin. Binuklat ko na yung notebook ni West. Kakainggit naman yung penmanship ng babaeng 'to, ang ganda, eh. Yung sa akin kasi malaki ako magsulat kaya ubos papel.

Binilisan ko na lang yung pagkopya kasi anytime ay dadating na yung teacher.

Napaangat ako ng tingin at sakto namang si West ang nakita ko. Natigilan pa ako kasi nakatingin din siya sa akin. Bumaba pa yung tingin niya sa notebook niya na hawak ko kaya bigla akong nahiya. Nginitian ko na lang siya, tinanguhan naman niya ako pabalik.

Inalis na niya ang tingin sa akin nang sinimulan na siyang kausapin no'ng friend niya na si Jamaica.

Pansinin pala talaga yung chocolate eyes niya kahit sa malayo. Ang lalim tumitig. Lahat naman sila, nakakalunod tumitig.

_____

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon