[25] Good night Jagiya

482 27 0
                                    

Yoongi's POV


"Yah Yoongi!" nagulat ako ng nagsalita siya ng hindi pormal saakin kaya napatingin agad ako sa kanya.

"What did you say?" kumunot ang noo ko at nagtataka. What the heck?

"Naiinis na ako ah! Ang bipolar mo! Kanina lang ang tino mo kausap tapos ngayon di ka man lang makausap. May problema ka ba saakin? O may topak ka lang talaga? Naiinis na ako ah! Walang emosyon na Gluta!" napanganga pang ako sa mahabang saad niya. Walang emosyon na Gluta? What? Gluta?!

Mas nagulat ako ng bigla siyang ngumuso at nagkibit balikat. What now?

"Hmmmmm. Janella is Mad at Yoongi!" I usually don't give a shit to something like this but my heart pounded. Nabigla ako kaya hindi ako nakapagsalita. Deep inside, i know. Deep inside I'm happy. I'm happy dahil ginagawa lang niya ito sa harap ko ngayon. She hate doing aegyo for Pete's sake.

"And he's not even talking to me! Jea's Heart is hurt!" Dagdag niya at mas ngumuso. Napatingin ako sa labi niya. Napapikit ako at marahang napangiti bago tumalikod.

"Yah! Hindi mo talaga ako papansinin? Ikaw yata kelangang nandito sa pwesto ko ngayon. May sakit ka yata sa uta--uhm"

Kinuha ko agad yung black bean noodles at madaliang isinubo sa kanya para mapatahimik siya. Nagulat siya sa ginawa ko at magrarant nanaman yata kaya inunahan ko na siyang magsalita.

"So noisy. Reserve that aegyo when we got married soon. Bababa lang ako. Bibili ng inumin mo. Kumain ka jan. Babalik ako agad." saad ko at nagmadaling lumabas dahil sa kahihiyan. Pumasok ako sa elevator at pinindot yung ground floor dahil nasa ground floor pa yung canteen. Napangiti ako ng malawak ng maalala ko ang nangyari kanina. At yung mga sinabi ko. Hinawakan ko yung noo ko. Wow. Nasabi ko yun. Nasabi ko yun? Shit. Nasabi ko nga yun. Bumukas yung elevator at dumeretso na alo sa canteen.

"Two packs of Strawberry Milk and One liter ng tubig" saad ko at inilabas yung wallet ko. Pero may naramdaman akong kakaiba. Inabot ko yung bayad ko at kinuha na yung binili ko. Dahan dahan akong naglakad. May nararamdaman talaga ako eh. Tumingin ako sa likod ko pero wala. Pumasok na ako sa elevator at pinindot yung floor ng kwarto ni Jea. Tumakbo ako papunta sa kwarto niya kaya hinihingal akong pumasok.

"Anong ginawa mo? Para kang hinabol ng kabayo" saad nito habang kumakain.

"Hindi ako hahabulin ni Hoseok." saad ko at inilapag sa bedside table niya ang binili ko.

"Waaaah. San ka nakabili neto? Antagal ko ding hindi nakainom neto ah" inaabot niya yung strawberry milk kaso di niya maabot kaya tumayo ako at binuksan iyon para sa kanya. Agad niya itong ininom at tumigil din kinalaunan. Inabot niya ito saakin kaya kinuha ko. May laman pa.

"Hindi pa ubos" saad ko. Kinuha niya ito at itinapat sa bibig ko.

"Ayaw mo?" saad nito. Napangiti ako at uminom doon.

"Uyy kinikilig" maikling saad nito at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ako? Kikiligin? Kanino? Sayo? Jea--" bigla niya akong sinubuan kaya wala akong nagawa kundi kainin yun.

"Yah" saad ko pagkalunok.

"Edi alam mo yung feeling. Gaga" saad nito.

"Wag ka ngang magmura." saad ko at pinunasan yung sauce ng noodles sa gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki ko at isinubo iyon. Sayang. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Uyy kinikilig" mahinang sambit ko. Hinampas niya ako.

"Aray. Nagpapakasadista ka nanaman" saad ko at kinuha pa yung isang bowl ng black bean noodles at umakyat sa kama niya.

"Yaaaah. What are you doing?" tanong nito at umusog. Nakishare din ako ng kumot kaya nagkadikit ang legs namin at sumandal sa unan. Kinuha ko yung chopsticks na ginamit niya kanina at ginamit din iyon sa pagkain.

"Aba talaga naman Min Yoongi" ang sama ng tingin niya saakin kaya napatawa ako at itinapat sa kanya yung noodles. Kinain niya. Ganun ang naging set up namin ng isang oras. Kumakain kami ng jajjangmyeon at sinusubuan ko siya habang magkatabi kami sa kama.

"I'm full. I'll want to sleep now" humikab siya. Inayos ko yung buhok niya at aalis na sana sa kama ng pigilan niya ako.

"You'll be uncomfortable when you sleep sa sofa" imaantok na saad niya. Napangiti ako ng kaunti.

"It's fine. As long as you're not uncomfortable" saad ko at pupunta na sana sa sofa ng hawakan niya ang braso ko.

"I'm comfortable with you" my heart just pounded for the nth time. Shit.

"Please stay" saad nito. Bumabaksak na ang mga mata niya. Inayos ko yung unan at naunang humiga.

"Napagaling mo nga naman talaga Min Yoongi" saad nito pero hinila ko lang siya pahiga at lumanding siya sa balikat ko. Umayos siya ng higa.

"Umamin ka. Crush mo ko noh?" inabot ko yung buhok niya gamit ang kamay ko. I stroked her her. Yup. Crush kita. Noon pa.

"Mga galawan mo Yoongi ah" mahinang sambit nito.

"Call me Oppa" bulong ko at naghu-hum para makatulog ng ng tuluyan itong katabi ko.

"Oppa.. Good night" bulong nito. Patuloy ako sa pag-hum hanggang sa makatulog siya. Nakaharap siya saakin. Gamit ang isang daliri ko, i traced her brows, down to her nose, and to her lips. Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya. Yung mahaba niyang pilik mata. Yung matangos niyang ilong. Yung mapula niyang pisngi at labi. Ang ganda niya.

Inaantok na rin ako kaya dahandahan akong bumangon para matulog sa sofa ngunit hinatak ni Janella ang tshirt ko at niyakap ako. Naamoy lo yung buhok niya. Amoy strawberry. Ilang araw ba tong hindi naligo? Tinanggal ko ang sumbrero ko at inilapag sa bedside table at inayos ko ang pagkahiga niya sa balikat ko. Tumagilid siya kaya napayakap din ako sa kanya. I kissed her forehead as a tear escaped my eye.

"Good night.."

.

.

.

.

.


".. Jagiya"

----

she's my manager || m.ygWhere stories live. Discover now