CHAPTER 18

24.9K 400 3
                                    

"I DON'T want to marry him, Daddy. I don't. Please? Please?"

Animo tinarakan ang puso ni Franco habang pinapanood niya ang pagsusumamo ni Penelope sa ama nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagmamakaawa. It was strange that he was still standing there, yet he felt like he had already died.

Ganoon ba siya kasuklam-suklam sa paningin nito na halos maglumuhod ito sa harap ng ama nito para lang huwag niya itong pakasalan? He loved her. Natuklasan niya iyon nito lamang huli. Matagal na niya itong mahal, hindi lang niya inaamin sa sarili niya dahil bawal niya itong mahalin.

Tinanong siya ni Frida kung mahal niya si Penelope. Ang tagal niyang sumagot sapagkat nalula siya sa sagot na hindi simple—na mahal na mahal niya ito noon pang bagong sibol pa lamang ito, na sa labis na pagmamahal niya rito ay hindi siya nag-asawa agad, at higit na masakit malaman na hindi rin matutuloy ang kasal nila ni Frida kahit umuwi pa ito sapagkat hindi pala niya kayang magpatali sa iba, tanging kay Penelope lang.

Nakakapanlaki ng ulo ang ganoong kaalaman, na sa loob ng maraming taon ay tiniis niya ang lahat, pilit inisip na hindi iyon totoo. Ang tanging dahilan kaya siya nag-propose kay Frida ay dahil nasa edad na siya at ibig na niyang magkapamilya at ito ang babaeng malayung-malayo. sa katunayan ay opposite ni Penelope.

Humanap siya ng isang babaeng hindi kailanman makakapagpaalala sa kanya sa babaeng totoong minamahal niya. He guessed that subconsciously he was aware that if he did not find someone like Frida, he would suffer forever—that was if he would actually marry Frida at all.

Kung kilala pa niya ang sarili ay masasabi niyang maiisip din niya ang kalalagyan ni Frida kung sakaling ikasal sila nito. At labis ang guilt niya nang matuklasan na dahil sa mga personal niyang issues na nagsisimula at nagtatapos sa pagmamahal niya sa isang babaeng bawal niyang taluhin ay nakapanakit siya ng maraming tao—si Frida at ang mga mahal nito sa buhay na nagmamahal na rin sa kanya.

"Please, Daddy, don't make me marry him."

Dumilim ang mukha ng ama nito at sinabi sa kanyang maghintay lang daw siya sa ibaba. Alam niyang galit din sa kanya ang matanda.

Hinarap niya ito, sinabi rito ang nangyari sa farm kaya alam niyang kakausapin din siya nito. At baka hindi lamang iyon ang gagawin nito. malaki ang posibilidad na tanggalin na siya nito sa trabaho. Natural lang ito, mauunawaan niya ito, sapagkat alam niyang mahal na mahal nito si Penelope at ngayon ay komplikado na ang lahat sa pagitan nila ng babae.

Lumabas siya ng silid pagkatapos muling tapunan ng tingin si Penelope. anong sama ng loob niya sa reaksiyon nitong tila ba namatayan ito. Naghintay lang siya sa sala, hindi mapakali. Hindi niya iniisip ang kompanya. si Penelope lang. Marahil isa siyang hangal na sa kabila ng nasaksihan niya at sa lahat ng kanyang natuklasan ay ibig pa rin niyang makasama ang babae.

Naniniwala siyang makakaya niyang ibalik ang kanilang magandang samahan. They were great together. Alam niyang nakikita at nararamdaman nito iyon. Isa pa, sa tagal nitong nobyo ang Alfred na iyon ay hindi nito ibinigay ang sarili sa lalaking iyon kailanman, sa kanya lang.

Mahigit isang oras siyang naghintay hanggang sa ipatawag siya ng ama nito. Pumasok uli siya sa silid. Wala na roon si Penelope.

"Sit down," utos ng ama ni Penelope sa kanya.

Tumalima agad siya, naghintay ng sasabihin nito.

"Do you love my daughter?"

"Yes, Sir."

"Are you in love with her?"

"Yes, Sir."

Pinagmasdan siya nito. Halos gadali na lang ang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

"Since when?"

"Since forever, I guess."

Nagkibit ito ng mga balikat. "I know. I've seen it in your eyes. Matagal na kitang hinihintay na magtapat sa akin kaya tuwing may bagong nobya ka ay nabibigla ako. Ipinadala ko kayo sa farm para magkaayos na kayo pero mukhang may kaunting aberya. She thinks you want to marry her because you have to."

"What, Sir?"

"You heard me. Narinig ka daw niya at nakitang kausap sa webcam ang nobya mo. Tinanong ka raw ng nobya mo kung mahal mo siya at hindi ka nakasagot."

"I did answer. I told Frida I was in love with Penelope. Kung nakinig siya, dapat pong nalaman niya ang sagot ko." Nanghina siya. Malinaw na iniba ni Penelope ang kuwento nito sa ama nang sa gayon ay makakuha ito ng simpatya. "I guess she doesn't love me, Sir. Bakit kailangan niyang palitan ang kuwento?"

"She said she left and didn't wait for your answer. Apparently, it took you a long time to answer. You know how dramatic women can get."

Nabuhayan siya ng loob. "Does she love me?"

Tumango ito. "Since forever. Trust me."

"What about Alfred?"

"Oh, please, child."

Bigla siyang napangiti, animo ipinaghele sa langit.

'>Nilingon niya^4�X|G;

For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon