CHAPTER TWO

31.4K 510 6
                                    


"IGNORE it, honey."

"Kanina pa 'yan nagri-ring."

Bumuntong-hininga si Franco at saka tumayo upang kunin ang cell phone niyang naka-charge. Kausap niya sa webcam ang kanyang nobyang si Frida. Fiancée, pagtatama ng isip niya. Nag-propose na siya rito via webcam, bagaman ang singsing ay nasa kanya pa at ito ay nasa Bahrain. He was ready to settle down and Frida was the perfect woman for him. Hindi man miyembro ng alta-sosyedad ang babae—sa katunayan ay namamasukan ito sa ibang bansa bilang ordinaryong tauhan ng hotel—ay perpekto ito para sa kanya. She was superwoman. Mapagmahal ito sa pamilya, uliran, at responsable. Noon pa niya ito pinatitigil sa trabaho ngunit ibig daw nitong ito ang kumayod para sa pamilya nito at hindi nito maatim na sa kanya hingin ang pampaaral at pangkain ng pamilya nito. Kababata niya ito at nagkita silang muli nang magawi siya sa Bahrain apat na taon na ang nakararaan.

Dinampot niya ang cell phone at lalong nainis nang mabasa ang pangalan ni Penelope sa screen. She was the big boss' daughter. Wala sana siyang problema rito kung hindi lamang ito nagsimulang mag-akusa sa kanya ng kung anu-ano—na sipsip siya, na wala siyang alam paluguran kundi ang ama nito, na kahit na ano ang gawin niya ay mananatili lamang siyang extra sa mga mata ng ama nito, at kung anu-ano pa. Sayang. There was a point in his life when he thought she was... Lovely.

"Hello?"

"What took you so long?!"

Ganoon ito, parating iritado ang bungad sa kanya kahit wala siyang ginagawang masama rito. Natural na ang loyalty niya ay nasa ama nito at natural lang din na makadama siya ng inis dito sapagkat wala itong ginagawang matino para sa ama nito. Parang nabubuhay lamang ito sa mundo upang maging isang malaking suliranin sa ama nitong ubod ng bait.

The woman had the face of an angel, but the tongue of the damned. She was tactless and superficial. Wala itong ibang alam gawin kundi gumastos ng perang hindi nito pinaghirapan. Sobrang spoiled ito kaya lumaking paurong. At ilang ulit nang sinabi sa kanya ng amo niya ang problema nito sa dalaga. Nag-aalala ang matanda para sa anak nito kapag nawala na raw ito sa mundo. Hindi raw mabubuhay ang anak nito. At alam niyang totoo iyon.

Ang suhestiyon niya sa matanda, habang maaga pa ay turuan na ng leksiyon ang dalaga. "She has to learn the hard way, Sir, otherwise the world is going to eat her alive," payo niya rito. At tila noon lang nito naisip ang option na iyon at naging desidido itong turuan ang anak nito sa pamamaraang epektibo—ang unti-unting pag-aalis ng karangyaan sa buhay ng dalaga.

Siya ang lihim na tagasubaybay sa aktibidades ni Penelope. Alam niyang ang mansiyon nito sa Scout area ay halos wala nang tauhan. Ang tanging naroon na lamang ay ang professional chef nito, isang professional masseuse, at dalawang maids. Ang driver nito, balita niya ay pinaalis na rin nito.

"I was busy," tugon niya, kahit ibig niyang ipaalala ritong wala itong karapatang obligahin siyang sagutin ang lahat ng tawag nito kahit dis-oras na ng gabi.

"I'm in a jam."

"I know." Hindi iyon ang unang pagkakataon na napasok ito sa gulo. Tuwing tumatawag ito nang ganoong oras sa kanya ay may kailangan na naman siyang aregluhin dito.

"Don't sound so smug, you ungrateful—"

Tinapos niya ang tawag. Sa munting paraan niya ay tinuturuan din niya itong rumespeto sa ibang tao.

Tumawag uli ito. "Don't you dare hang up on me again!"

Ngunit pinagbabaan uli niya ito.

Sa ikatlong pagtawag nito ay bahagya nang malumanay ang tinig nito. "Pick me up. I'm in jail."

Natutop na lang niya ang noo, bagaman bahag-yang kinabahan. Ngayon lang niya ito pupuntahan sa presinto. Nagpaalam siya sa nobya niya sa webcam, saka pinuntahan si Penelope. Gaya ng sinabi nito ay nasa presinto nga ito. Mula sa mga pulis ay nalaman niya kung ano ang nangyari. hindi pa man ay nakikinita na niya ang pagkadismaya ng ama nito sapagkat mayroong kailangan ang matanda sa senador na inaway nito.

Tinawagan niya ang senador at humingi ng paumanhin dito. Kinausap nito ang mga pulis at nang matapos ang tawag ay sinabi ng hepe na maaari na raw niyang iuwi si Penelope. Noon lamang siya tumuloy sa opisina kung saan ito nakadeteni.

Nakataas ang isang kilay nito. She possessed a sweet face. She looked like the actress Kristen Bell.

Isinukbit agad nito ang bag nito at hinarap siya na animo siya ay isang utusan nito.

"What took you so long?"

"Speak to me that way again and you'll regret it."

Umirap ito at lumabas nang silid. Sinulyapan nito mula ulo hanggang paa ang hepe ng pulisya at bago pa ito makainsulto ay hinila na niya ito palabas ng presinto. Man, he needed a drink. Parati siyang napapagod tuwing nakakasagupa niya ang babaeng ito na kung tutuusin ay napakaliit lang naman. Lagpas lang yata ito ng dalawang pulgada sa limang talampakan pero ang horsepower nito, kayang gawing generator ng buong siyudad.

"I know you'll tell my dad, so I won't bother asking you to keep this between us."

"I have to tell him because he was going to ask the senator a big favor before you created this mess."

"It isn't my fault his grandson is a thief!"

"Yeah, I heard that's what you accused him of, and in front of the good senator, too. When are you going to learn about respect, huh?"

Nanlisik ang mga mata nito. "Damn you, Franco! He stole my money!"

"And how in the world was he able to do that?"

"You don't believe me, do you? And you won't ever believe me, will you?"

He felt a little bad, he had to admit. Minsan ay naiisip niyang kulang ito sa pansin dahil parating abala ang ama nito sa negosyo. Ngunit nasa edad na ito para maunawaan na ang ama nito ay maraming responsibilidad sa buhay.

"Where's your driver?"

"I had to let him go."

"Really, Penelope. five million, in ten months?" Napailing siya. Ano pa ba ang ipinagtataka niya? Noong minsan nga ay treinta milyones ang nagastos nito sa loob lang ng isang araw nang bumili ito ng yate at isang bagong luxury car.

"I was scammed, all right? Don't make it seem like I threw the money in the garbage. Bakit sa tingin mo magwawala ako kanina? Dahil na-scam ako!"

Napabuntong-hininga siya. "All right, tell me what happened."

�4��FD<

For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon