CHAPTER SEVEN

24.8K 417 5
                                    


"DADDY, I told you I would hire him back."

Kanina pa paulit-ulit na sinasabi iyon ni Penelope sa kanyang ama. Ipinasundo siya nito at kanina pa siya sinesermunan. Ang pinag-uusapan nila ay si Manong Bustre na kanyang panandaliang pinagbakasyon. Para bang iyon ang "main attraction" sa sermon ng kanyang ama. Alam na nito ang nangyari nang nagdaang gabi, na na-detain siya sa presinto, courtesy of course, of Franco. No surprise there.

"You shouldn't have fired him in the first place! Ang tagal-tagal na niya sa atin, pinaalis mo nang wala man lang binibigay sa kanya na kahit na ano! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo, Penelope! Oh, Peñafrancia, what am I going to do with your daughter?"

Kapag nagsimula na ang kanyang ama na tawagin ang pangalan ng kanyang namayapang ina ay alam niyang mahabang sesyon ng sermon talaga ang kailangan niyang asahan. Magmumula ang sermon noong bata pa siya, hanggang sa hindi niya pagtatapos ng pag-aaral, hanggang sa mabanggit na lahat ang nagawa niyang kasalanan sa mundo.

Nakayuko lang siya habang tahimik na nakikinig. Alam niyang lalo itong maiinis kapag sumagot pa siya. Aminado rin siya sa kanyang kasalanan. Hindi siya dapat na nawalan ng kontrol sa kanyang galit sa harap ng senador.

"Daddy, I'm really sorry," aniya kapagdaka.

"You should be! You disrespected the good senator! Just pray that Franco can change the senator's mind about his planned projects."

Nagpatuloy ito sa sermon. Ang sabi nito ay malaki ang maitutulong ng senador sa kanilang negosyo sapagkat ito ang namumuno sa pagtataguyod ng probinsiya nila sa gayon ay mas bumaba ang port fees, lumawak ang kalsada, at kung anu-ano pa.

"I'm sorry, Daddy."

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo, hija. Malaki ang pagkakamali kong pinagbigyan ko ang lahat ng gusto mo. Paano ka kapag nawala na ako? I'm not getting any younger. You are not getting any younger."

Napangiwi siya. Aminado siyang hindi na siya bumabata pero ayaw na ayaw niyang marinig iyon. Malaki rin ang frustration niyang hindi pa niya nakikita ang lalaking nababagay sa kanya hanggang ngayon. May nobyo siya, si Alfred, ang ex niya na nobyo na niya uli ngayon. Pero alam niyang walang pag-asang mahalin niya ito.

"Pinipilit mo akong hanapan ka ng mag-aalaga sa 'yo."

"Oh, please no, Daddy!" Hindi pa man ay hysterical na agad siya. Ang nakakairitang mukha ni Ho Chan Lee ay parang nanunuksong dumaan sa isip niya. "No, please, Daddy, give me another chance. Besides, I already have a boyfriend."

"Alfred? That wimp? Isa pa siyang walang ginawa sa buhay kundi magpasarap. I miss the good old days when every man was responsible and women were tame and poised and sweet..."

Nakinig uli siya. Balik na naman sa dati ang kanyang ama hanggang sa dumating na si Franco. Their eyes locked. Pinagtaasan niya ito ng isang kilay, iyong pinakamataas na kayang abutin ng kanang kilay niya. He snickered. Ang kabilang kilay naman niya ang itinaas niya.

"Give me good news, boy," anang kanyang ama, inihilamos sa mukha ang kamay.

"The Senator was upset about the incident."

Kulang na lang ay pandilatan niya ito. Ang kapal ng mukha nito, harap-harapan pang sinabi iyon! Humalukipkip siya.

"I understand that. What did he say?"

"He laid down a few things he wants to settle."

Binalingan siya ng kanyang ama. "Penelope, why don't you go home? Nandiyan na sa ibaba si Bustre. ipinatawag ko na siya, magpahatid ka na." Naglabas ito ng tseke at iniabot iyon sa kanya. "Here. Stay in your house for now. But don't think you've gotten away with your antics, young woman. I will deal with you later."

Napabuntong-hininga na lang siya. Papalabas na siya ng silid nang sulyapan niya si Franco. He was looking at her. Inilabas niya ang dila habang nakataas ang tseke, saka nakakalokong ngumisi. siguro ay nagpuputok na ang butse nito, iniisip na undeserving siya roon. Puwes, manigas ito.

She went straight home and had a mani-pedi.

�� Salamat at mo5�hF;

For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now