CHAPTER NINE

24.6K 437 7
                                    


GIGIL pa rin si Penelope nang puntahan niya si Franco sa sala. Nakita siya nito sa paraang ayaw niyang makita siya ng kahit na sinong lalaki. She looked disgusting, like a pig in its pen. Mud bath iyon para sa kanyang kutis. Mahusay rin daw iyon sa freckles. Kung may isang ayaw siya sa balat niya, iyon ang pagiging sensitibo niyon at kaunting araw lang ay may freckles na agad siya.

She was always in her signature clothes and special underwear that made her breasts look bigger. Kung may insecurity siya ay ang dibdib niya iyon. Gusto niyang magkaroon ng katawang tulad ng kay Heidi Klum ngunit ang katawan niya ay kinulang sa dibdib.

This man also saw the freckles on her breasts! How she hated those freckles. Pakiramdam niya ay mukhang hamburger buns ang dibdib niya na mayroong sesame seeds sa ibabaw.

"Hi there, pig," bungad niya rito.

"I'm sorry about that."

Umirap siya, saka pumuwesto sa tapat nito. "What do you want?"

"Pinapunta ako ng daddy mo para sabihin sa 'yong bukas ng umaga ang lakad natin papunta sa Naga."

"What?!"

"You heard me."

"Ano ang gagawin ko roon?" Nasa lugar na iyon ang kanilang farm. Isang bahagi ng kanilang group of companies ang mga produkto ng farm na iyon. Doon nagsimula ang kanilang yaman noon pang panahon ng kanyang mga ninuno. Ngunit matagal na siyang hindi nakakauwi sa farm dahil ang ancestral house nila roon ay luma na, bukod sa wala siyang magawa sa lugar na iyon.

Hindi rin siya interesado sa mga magagandang beach na nakapaligid sa lugar dahil iniingatan niyang dumami ang freckles niya. She would be bored to death in that place. Malamang, payo na naman ni Franco sa kanyang ama na dalhin siya roon.

"Was that your suggestion to my father? That I be exiled in that godforsaken place, huh? Is that your bright idea, bright boy?"

"Maniwala ka, hinding-hindi papasok sa isip kong magpunta sa kahit saang lugar kasama ka. Come on, your father is waiting for us in Lemure."

Kinuha niya ang kanyang bag at sumama na rito. Tututol siya sa gusto ng kanyang ama. Ayaw niya ng kahit ilang araw lang na bakasyon kung doon siya mananatili sa Naga. Mabuti sana kung sa Paris o kahit sa New Zealand. Ah, it was fall in New Zealand, it would be beautiful there. So no, she would not go to Naga.

Nang makarating sa restaurant ay naabutan na nila roon ang kanyang ama. Humalik agad siya rito. Alam niyang hindi na ito galit sa kanya. Kailanman ay hindi ito nagalit sa kanya nang matagal.

"Daddy, are you still mad at me?" Iniusli niya ang ibabang labi, nagpapa-cute. Alam niyang hindi natitiis ng kanyang ama ang ganoong expression niya.

"Of course not, but I need you to go to Naga, hija, first thing tomorrow morning."

"But why?"

"Because I want to give you a chance, another chance to prove to me that you are capable of living on your own."

"How long will I stay there? Naipagawa na ba ang ancestral house? Can I bring my staff?" Kakailanganin niyang dalhin ang kanyang mga tauhan kung magtatagal siya nang husto roon. Hindi puwedeng wala siyang mani-pedi at lalong hindi maaaring wala siyang masahe.

"'Wag mong painitin ang ulo ko, hija. You don't understand how serious I am this time. If you don't obey me, you will find yourself in front of the altar with Ho Chan Lee!"

Napasinghap siya sa pagkabigla. Seryosung-seryoso nga ang kanyang ama. Magkakasunod ang kanyang naging paglunok kasabay ng kanyang pagtango.

"Franco will teach you everything you need to know. He will grade you."

"But that's unfair!" Kulang na lang ay umiyak siya. "He would give me failing grades, Daddy, I'm sure of it! He hates my guts!"

"He does not. Kailangan mong matuto sa buhay. At lahat ay matututuhan mo kay Franco dahil sa farm na iyon siya lumaki. Franco?"

Tumango lang ang lalaki. napaiyak na siya. Sigurado siya, ibabagsak siya nito at baka maipakasal siya kay Ho Chan Lee. Ikamamatay niya!

ut-grid5(F;

For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon