C#39 (The strangest dream ever.)

42 1 0
                                    

Chapter 39
(The strangest dream ever.)

"JADEE!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at pawis na pawis na hinahabol ang hininga. Nakarehistro sa utak ko ang pangalang naisambit ng bibig ko habang habol ang hininga na naikuyom pa ang palad sa bandang dibdib. Parang naninikip ito sa sobrang sakit na hindi ko maintindihan kung bakit. Si Jadee... 'Sino nga ba si Jadee? Bakit nasa panaginip ko siya?' Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko at nabigla nang mapansin kong may tumutulong luha mula roon. Sa panaginip ko'y namatay ang naturang lalake. Kaya ba 'ko umiiyak ngayon? Pa'no nangyari yun ee hindi ko naman kilala yun aa? But why did it feel so real? Bakit parang totoong-totoo ang lahat ng mga nangyaring yun? Na parang totoong nagmamahalan kami ni Jadee? Tsaka bakit ko ba siya napapanaginipan ee hindi ko naman siya nakilala o nakita man lang kahit isang beses sa tanang buhay ko? Ewan ko. Ang gulo.

*kriiiinnnngggg!*

Napalingon ako sa may powder table ko at napansing ang telepono ko ang tumutunog pero hindi ko sinagot yun. Hindi ko alam kung bakit basta't naisipan ko lang na 'wag sagutin. Siguro kasi tinatamad lang ako.

"Hi...." Isang mahabang katahimikan ang namayani bago siya muling nagsalita. Alam kong kasal niya ngayon at alam kong dapat nagluluksa ako kasi nga totoong may nararamdaman talaga ako sakaniya pero hindi ee. Wala talaga akong nararamdaman na kahit ano. Walang lungkot para sakaniya, lungkot lang para sa ibang bagay na hindi ko naiintindihan. Lungkot na para sa ibang tao, na ni sa hinagap hindi ko pa nakilala. "Uhh... It's me. Jason. I just called to say... Thank you for the friendship. Uhh... I hope you could come? So that... Uhh... You could... You know? Support me? I'm sort of nervous and i'd love it if you'll be there to.. You know, give me a boost? Ahh... I guess that's all... Hope to see you later. Bye." Natapos ang tawag nang wala akong ibang naramdaman kun'di suporta para sa bestfriend ko. Masaya ako ngayon na ikakasal siya samantalang kahapon lang ee halos isumpa ko na dumating ang araw na 'to. Ang gulo. Sobrang naguguluhan ako. Dahil lang ba 'to sa panaginip ko? Ewan. Makapagbihis na nga lang.

------------

Ikakasal na si Jason sa harapan ko mismo pero wala akong ginagawa. Wala naman talaga akong dapat gawin kun'di ang makinig at tignan silang ikasal pero sa mga oras na 'to dapat nagw-walk out na ako ee kaso hindi ko ginawa. Hindi ko ginagawa. So weird.

"Ayra, ayos ka lang?" Biglang tanong sa'kin ni Etsuko na halatang may pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Nilingon ko siya nang may ngiti at walang bahid ng lungkot sa mga mata.

"Oo naman. Kasal ng bestfriend ko ngayon kaya bakit naman magiging hindi okay?" Sambit ko na lubhang ikinataka ng babae. Ano namang nakakapagtaka? "Masaya ako na ikakasal na siya."

"Kahapon lang para ka nang sasakluban ng langit at lupa sa sama ng loob tapos ngayon sinasabi mong okay ka lang? Na masaya kang ikakasal si Jason? Si Jason na alam naman nating---" lumapit siya at binulong pa sa'kin ang huling salitang bumuo sa pangungusap niya. "Mahal mo!" Natawa ako sa sinabi niya. Kahit ako man naguguluhan sa nararamdaman ko. Hindi ko ba talaga gusto si Jason noon o sadyang nawala nalang bigla ang pagkagusto ko sakaniya kahit alam naman nating lahat na imposibleng mangyari yun?

"Hindi ko nga rin maintindihan ee. Basta nagising nalang ako na wala na akong naramdamang lungkot para sakaniya." Naisip ko yung nangyari kanina pero baka isipin niya lang na nababaliw na ako kaya napaatras ulit isip ko. "Kung may iki-kwento ba akong something weird, makikinig ka ba?" Nagtataka man dahan-dahan parin siyang tumango at pinaningkitan pa ako ng mata.

"Bakit pakiramdam ko nakakakilabot yan?" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi parin naman ako sigurado sa kaweirduhang nangyayari sa'kin kaya sa susunod ko na siya chi-chikahin.

"Hindi 'to kwento ng kababalaghan promise. Ako nga matatakutin rin ee. Wag ka nga!" Pabiro ko pa siyang naihampas sa balikat na medto sumobra ata kasi muntikan na siyang masubsob sa sahig. Oops!

"Ako ba gusto mong ipangscrub sa sahig ha?" Nagbow lang ako at iiling-iling na napangisi.

"Sorry naman. Napalakas lang ng konti." Biglang may isang imaheng naglaro sa utak ko dahilan para mahilo ako. Baka kasi sa nainom kong champagne lang 'to. Napakapit ako sa mesang inuupuan namin and I think i need to go home now. Bakit sa pagkakataong ito ko pa naisip ang lalakeng napanaginipan ko?

"Ayos ka lang Eyira? You don't look so good." Feeling ko nga rin Etsuko ee.

"Iba nga pakiramdam ko bigla ee. I guess i'll have to leave early." Hawak ko ang sentido ko habang dahan-dahang minamasahe iyon.

"Hatid na kita---" Umiling ako sa sinabi niya. Ayokong maabala ko pa pati siya. Nakakahiya naman. Tsaka mas kailangan siya dito sa kasal ni Jason.

"Hinde okay lang. I can manage." Kinuha ko na ang silver colored purse ko at sinuot ang long scarf na kulay pink na paborito kong kulay sa lahat.

"Sige. Ako nalang bahalang magexplain sakanila. Sigurado ka na jan ha?" Mahinang tumango ako sakaniya saka nagpatuloy nang maglakad palabas ng venue. Inuna kasi nila ang program bago ang actual wedding. Kung bakit? Who knows? Maging kame na malalapit nilang kaibigan ay hindi alam ang kasagutan sa tanong na yan. Maybe they just wanted a bit of a thrill? Siguro nga ganun yun.

"Ugh!" I groaned aloud. Bakit ba kasi biglang sumasakit 'tong ulo ko? Gusto ko pa naman sanang magstay sa simbahan para masaksihang ikasal ang bestfriend ko kaso ano bang magagawa ko? Sobrang sakit naman kasi ng ulo ko! I think i'm having a severe migraine!

"Kahit nangako ka! H-hindi mo pwedeng gawin 'to! Bakit ba lagi mo nalang akong inililigtas? Bakit ba lagi mo nalang isinasaalang-alang ang buhay mo para lang masagip ako?"

"Kasi m-mahal kita A-ayra.... Mahal na mahal.... Kita..."

Saan ba nanggagaling itong mga memoryang ito? Bakit ba nakikita ko ang lalakeng 'to sa panaginip at maging sa utak ko? Ano bang kalokohan 'tong nangyayari sa'kin? Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa'kin!

*BEEEPPPPPPPPP!*

ANAKNANGTOKWA!

*SCREEEECCCCH!*

Napapreno ako ng wala sa oras at kamuntik-muntikan pa 'kong mabangga sa isang malaking puno ng akasia. Pa'nong meron nito dito? Hindi ko alam. Malay ko ba sa mga DENR kung bakit may malaking puno ng akasia sa tabi ng daan? Umaabot na nga ata yung ugat nun dito sa kalsada ee. 'Naghanap pa talaga ng mabubuntungan ee masyado ka lang naman talagang nag-iisip kaya ka muntik nang mapahamak Ayra!'

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ng isang lalaki. Ano ba naman 'to kamuntikan na nga akong mamatay sinisigawan pa ako? FYI ang ganda-ganda ko naman para magpakamatay ano! "Hoy! Ano ba!" Sinipa-sipa niya yung kotse ko. Wala modo nito aa? "Hoy ano ba! Bumaba ka nga!" Hindi niya siguro makita kung sino ako kasi bullet proof yung salamin nitong kotse ko. It's also tinted in black. Naiirita na talaga ako! Sumasabay pa itong migraine ko! Anubeyen!

"Go away!" Inis kong bulong habang hinihilot na naman ang sentido ko.

"Hey ano ba--" hindi talaga nakakaintindi ha! Walang pasabi kong binuksan ang pinto at lumabas mula sa kotse. Feeling ko masusuka na ako. "Ugh... Ang sakit nun aa!" Walang emosyon ko siyang tinignan. Pakiramdam ko konting-konti nalang masusuka na ko. Nang madako ang tingin ko sa lalake ay nakita ko siyang nakahiga ngayon sa daan dahil sa impact ng pagbukas ko sa pinto ng kotse ko. Hindi ko kasalanan yan. Kung hindi lang masakit 'tong ulo ko siguro tinawanan ko pa siya.

"Pwede ba lubayan mo nga ako!" Tumayo siya at parang nagslow motion ang paligid. Siya? S-siya!

"Alam mo miss kung--- teka ba't parang pamilyar ka?" Bigla na namang nagsilabasan ang mga imahe ng napanaginipan ko mula nitong umaga. I think nagi-information overload na ako. I think---

"MISS!"

-------------------

A/N:

Keep catching up. :D

Memyselfandipoo

Back In Time! (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon