C#12 (Jason)

75 6 0
                                    

#BIT!
Chapter 12
(Jason)

Si Jason....

Habang naglalakad ako sa kung saan bigla ko siyang naalala. Ang dahilan ng pagkabuo at pagkadurog ng puso ko. Ang dahilan kung bakit hiniling kong maibalik ko ang oras... Nung mga panahong kapwa pa kami masaya sa piling ng isa't-isa-- HAH! Ang oa. Akala mo naman naging kami talaga. Walang ganon, oo walang ganon. Magkaibigan lang talaga kami. Ayy mali, kaibigan lang pala ang turing niya sakin noon, magpahanggang ngayon. Ako lang naman kasi talaga ang umiibig. MU naman kami aa? Pero akala ko noon, MU na Mutual Understanding. Yun pala ako lang ang MU, Mag-isang Umiibig. Hindi naman MU na Mukhang Unggoy kasi ABA! Ang ganda-ganda ko naman para maging isang dakilang Unggoy! Diyosa nga kasi ako diba? Ang kokontra ilulubog ko sa kumukulong mantika. O aangal?

"Haay...." Nakakaisang linggo na ako dito sa nakaraan, pero ni anino ni Jason hindi ko naaninag. Sinubukan ko nga siyang siyang ipagtanong kina Yumi at sa mga barkada niyang sina Deanne pero olats ako. Wala raw silang ideya. Wala naman kaming iwasan dati aa? Pero bakit parang iniiwasan niya na ako ngayon? Ni reply sa mga texts ko at ni sagot sa mga calls ko wala akong natatanggap. May problema kaya siya sakin? O baka naman....



Kailangan ko nang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't-isa?

"Eyira-chan!" Biglang tawag sakin ng kung sino na siyang nagpagising sakin mula sa lalim ng pag-iisip sa sakit na nararamdaman ko.

"O Michiyo? Anong atin?" Tanong ko nalang na biglang pinasigla ang boses para hindi niya mahalatang nasasaktan ako sa mga oras na 'to. I'm not weak. Ako si Eyira, isang Trinidad na hindi nagpapakita ng kahinaan. Masayahin at walang kaproble-problema. Kuno.

"Hmm... May pinagbago ka talaga, alam mo yun?" Napakunot ang noo ko, ano namang nagbago sakin? I'm still Eyira.

"Sigurado ka? Ako parin to huyy!" Pabiro ko pa siyang hinampas at malamang sa malamang napa-aray siya sa sakit ng pagkapalo ko. Malamang! Malakas kaya ako mamalo! Kahit maliit pa ang mga kamay ko. Haha!

"Lakas mo talaga mamalo! Baka makapatay ka na niyan ha!" Hinimas-himas niya pa ang braso niya na as if matatanggal ang sakit sa pagganun-ganon niya. Engot talaga.

"Sorry naman. Ikaw kasi! Ano namang pinagbago ko? Ee mukha parin nama akong diyosa ha?

"Parang hindi ikaw si Eyira..." Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Pano kung-- hinde. Imposible! "Sino ka ba talaga?"

"A-ano ka ba naman Michiyo! Ako to si Eyira uyy!"

"No! Sino ka? Sino ka ba talaga!"

Uh-oh... I'm in trouble.

HELP!

Back In Time! (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon