C#21 Something's not right.

53 5 0
                                    

Chapter 21

(Something's not right.)

The breeze was cold blowing on my fragile skin.

I wish i was happy, pero yun yung keyword ee. I WISH.

Bakit hindi ako masaya?

Bakit hindi ko magawang maging masaya?

"Nagulat ka ba sa sinabi ko kanina?" Napalingon ako sa katabi ko na kanina pa pala may sinasabi sakin pero hindi ko napansin. Wala pa kasi akong lakas ng loob na magsalita after that revelation. I'm still in shock of what i heard. Hindi parin ako makapaniwala. "Naiintindihan naman kita. Hindi mo siguro inakalang magkakagusto ako sayo kasi magbestfriends tayo, ganun rin naman ako. Hindi ko inaasahan to, basta nagising nalang ako isang araw at narealise ko nalang na gusto na kita." Napatawa pa siya ng mahina at kahit gusto kong tumawa kasama niya hindi ko magawa. Ano na bang nangyayari sakin? Hindi ba dapat napapatalon ako sa sobrang kaligayahan ngayon? Bakit Eyira?

"I'm sorry. I didn't know how to react after you said that, t-those words." Sabi ko matter of factly.

"Almost sounded like i'm busted." Sabi niya na medyo nahihiya pang napakamot ng ulo.

"No. T-that's not what i meant." Napabuntong hininga muna ako bago muling nagsalita. "Siguro, kailangan lang natin ng panahon para pag-isipan ang mga bagay-bagay." Yeah. Maybe that's what i need. Time. (Time to think or time to run away?)

"Okay sige." Pinagpag niya ang pantalon niya na mukhang nadapuan ng dust bago muling tumingin sakin ng may ngiti sa labi. "Simula ngayon liligawan na kita ha?" Ano daw? Ako? Liligawan niya? Seryoso ba siya?

"L-ligaw? A-ako? Liligawan mo ako?" Nauutal ko pang tanong na waring hindi makapaniwala sa mga nagaganap. Totoo ba to? O baka naman nananaginip na naman ako? *kurot pisngi* "ARAY!" Totoo nga. Totoong-totoo nga!

"A-ayos ka lang ba?"

"O-oo naman." Natahimik na kami ng ilang minuto. Damn! This is just-- so awkward!

"Hindi ko nga alam na may gusto pala yung tropa naming yun sakaniya--- Oy Love birds!" Nahiya naman ako sa sinabing yun ni Daniel. Love birds daw?

"Hatid mo nalang sa bahay si Eyira ha? Sasabay na kame sakanila." Tinignan ako ni Yumi na parang tinatanong kung okay lang bang maiwan ako kasama ni Jason kaya Tumango ako. Okay lang. Okay na okay. Pero bakit ang tamlay ko? Pagod lang to. Tsaka baka masyado lang akong nagulat sa mga pangyayari. Tama! Yun nga!

"Sige Yumi. Ako nang bahala kay Eyira." Eyira... Bakit iba? Walang chill nung sabihin niya yung pangalan ko. "Tara." Inaya niya ako papunta sa kotse niya at pinaupo sa front seat katabi niya. "Uhmmm... Gusto mo bang magdinner na muna bago umuwi? Alam ko hindi ka masyadong nakakain kanina." Gusto kong huminde kasi busog pa naman ako at medyo pagod na rin pero um-oo nalang ako para hindi na siya mapahiya. Pinahiya ko na nga siya sa reaksyon ko kanina, pati ba naman ito? Diba?

"Sige." Matipid kong sagot.

Tahimik lang ang byahe namin, hindi ako kumportable. Pano ba naman ako magiging kumportabla ee nasa tabi ko lang ang lalaking minahal ko ng ilang taon diba?

Pero kasi-- iba talaga pakiramdam ko. Feeling ko ang tamlay ko. Feeling ko nawala lahat ng excitement ko.

Gusto niya ko kaya dapat nagsasaya ako.

Kaso di ko magawa.

Paulit-ulit na ba?

"We're here." Hindi ko namalayang nakarating na pala kame sa destinasyon namin. Masyado na ata akong nagiisip.

Back In Time! (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon