C#2 (He's getting married part 2)

133 8 5
                                    

Chapter 2

(He's getting married part 2)

[A/N:]

Hindi ko na ilalagay kung kaninong POV's sa mga susunod na chapters dahil si Eyira lang ang magsasalita sa whole part ng story. Okay? Wag malito aa? (P.s# ginagawa ko to habang umiikot ang mga labada ko sa washing machine. Multi-tasking. Ayoko kasi mawala yung idea ee.)

- - - - - - - -

"Buti nalang at hindi traffic. Don't worry Michi-chan, I'm on my way na." Sagot ko sa telepono na kasalukuyang nakaloud speaker dahil nagmamaneho ako, mahirap na maaksidente.

"Ang tagal mo. Bagalan mo pa, baka kulang pa 'yan!" Inatake na naman ng sumpong 'to. Mana talaga sa'kin.

"Sige na't baka 'di na talaga ako makakarating niyan 'pag pinagpatuloy mo pa ang pagdakdak sa'kin, nagmamaneho ako if you didn't notice." Nakarinig ako ng mahinang "Hmp!" sa kabilang linya and silently laughed. Isip-bata talaga nito kahit kailan! Hahaha

"Basta bilisan mo!" Huling habilin n'ya bago tuluyang ibaba ang tawag. Wala talagang pasensiya ang isang 'to. Tsk, tsk!

Makalipas ang ilang segundo ay nakarating rin ako sa lugar na napag-usapan namin at hinagis ang susi ng kotse sa lalakeng Vale na nakatayo sa isang tabi wearing a sorta "Nut cracker" outfit. Hindi naman s'ya gayang-gaya, may kaunting pagkahawig lang.

"Not a scratch or---" sabi ko sabay hand gun gesture pa sakan'ya. Ibig-sabihin 'pag binaboy n'ya kotse ko magkakamatayan na.

"Y-yes Ma'am." Agad s'yang sumakay at pinaarangkada ang sasakyan papasok ng parking lot not even daring to look back at me. Convenient talaga na may Vale na dito kasi 'di na 'ko mahihirapan magmaneuver para lang mai-park ang sasakyan ko. Problema na ng Vale 'yon.

"Finally!" Rinig kong bulalas ni Yumi-chan ng makapasok na ako.

"30 minutes lang akong na-late Yumi-chan, 'wag kang dramatic queen d'yan." Sabi ko ng makalapit na sa table nila. "Kahit busangot mga mukha n'yo namiss ko kayo!" Bati ko sakanilang lahat nang may ngiti sa labi dahil totoo naman talagang namiss ko sila--- lalo na s'ya.

"Mas gumanda ka ata a?" Sabi ni Etsu-chan na ikinangisi ko. Sinuklian ko s'ya ng isang matamis na ngiti dahil sabi n'ya maganda ako. Kailan ba naman hindi?

"And taller. Congrats--- 'di ka na bansot!" Nakangising sabi ni--- Jason. Bakit may pause? Siyempre for extra effect. Gusto kong mapangiwi sa ka-awkward-an na nararamdaman ko pero mukhang balewala lang sakan'ya kaya hindi na din dapat ako nagpapaapekto. Bakit din naman kasi s'ya maaapektuhan kung ako lang naman ang nakakaramdam 'di ba? May lahing anestisya kasi 'yang si Jason e. Napakamanhid. Kapatid ni Doctora Beki Bello 'yan.

"Matutuwa na ba dapat ako sa papuri mo sa'kin, best friend?" Aray ha... Parang kustilyo ata 'yang salitang "best friend" na 'yan. Ang tulis, nasaksak tuloy ako!

"Siyempre naman, ganito ako kabait! Pasalamat ka nga pinuri pa kita, kahit feeling dyosa ka! Hahah---- aray!" Binatukan ko nga ng isa! Daming alam e! "Babe o! Binatukan ako ni Eyira!" Aray! Ayan na naman, sinasaksak na naman ako! Mad-double katay na ako nito a!

"E ang kulit mo kasi, ayan tuloy nabatok ka! Hipan ko nalang?" Hipan daw... May lumabas sanang malakas na hangin, 'yon bang sobrang lakas na maitatangay itong nagp-PDA sa presensiya ko! Aray ha! Ang sakit-sakit na! Namimihasa na kayo! "Masakit pa ba?"

Back In Time! (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon