C# 36 (Grounded for life?)

39 3 0
                                    

Chapter 36
(Grounded for life?)

"You are grounded! Hindi mo na pwedeng makita ang lalakeng yun! I will never allow that to happen ever again!" Kanina pa ako walang humpay na sinisigaw-sigawan ni daddy at kanina pa ako rinding-rindi sa boses niya! Grounded daw ako? I won't allow that! I'm not a 12 year old girl anymore! I'm a hot and beautiful 23 year old lady for pete's sake-- not that they know of.

"Dad! You can't do that! I need to---" Mali! Hindi nga pala nila pwedeng malaman yung napagkasunduan namin ni spirit! Isipin niya pang baka nagiimbento lang ako where in fact hindi naman ako inventor! Okay nagjoke na ako sa lagay na yun. Korni na ako, okay na kayo? Hambalusin ko kayo jan! Highblood ako! 'Wag ako ha! Don't me please! "I- i just need to see him!" As in kailangang-kailangan!

"No! You can never see him! Hindi na ako makapapayag!" Galit na asik ni daddy at aba, dinuro-duro pa si ako! Daddy never did that to me before! (Ngayon lang.) At saakin pa na ever loyal law abiding goddess like beautiful daughter niya! How can he be this cruel? This is so unfair!

"Daddy naman! You don't understand! This is very important! I NEED to talk to him! Please!" Lumuhod na ko't niyakap ang mga binti niya pero tinabing niya lang ito at tinulak ako palayo sakaniya. How more rude could he be? Paano niya naaatim na gawin 'to sa'kin?

"Hindi naiintindihan? Ako na naman? So now it's on me and this is all my fault? Is that what you're trying to say to me Ayra?" Mabilis akong umiling pero hindi na nagawang sumagot kasi sumabat na agad si daddy. So ayaw mo na akong pasalitain daddy? Ganun? "Nakalimutan mo na ba kung ano ang nangyari sa'yo nang dahil sa kagagawan ng magpamilya na yun? You we're almost killed Ayra!" Alam ko. Pero as of the moment i really, badly, terribly need to see Jadee!

"Dad, i can get what you want to let me know. I really do." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na pinisil. "But it's already in the past. We have to open our mind and our heart for forgiveness. 'Di ba?" At kailan ka pa naging madamdaming tagapayo Ayra? Natututo na siguro ako sa mga dramang dumadating sa buhay ko ngayon. Nung akala ko kumalma na si daddy at papayagan niya na akong makita si Jadee ay nagkamali lang pala ako ng malaki. Matigas ang loob ni daddy kapag galit na galit siya at gaya ko rin naman siya na medyo may pagkapasaway kung kaya't hindi nakikinig sa mga sinasabi ng iba. Isang trait na nakuha ko raw sakaniya and i can see that now. Mana-mana nga naman ika ni mommy. Teka-teka-teka, nasaan na nga pala si mommy? Saang lupalop na naman kaya yun nasuot? Where the h*ck is she when you needed her the most? Pambihira naman o! (Sorry mommy. Nadala lang. Labyu!)

"No. It's not. Unless you overcome that trauma of yours, i will never forgive them. Especially that kid!"

"But---" Ayaw talaga akong patapusin magsalita ganun? Bastusan na ba tayo ngayon? Dios mio! (Marimar?)

"YOU. ARE. NOT. LEAVING. END OF DISCUSSION!" Saka siya umalis at pabagsak na sinara ang pinto ng kwarto ko. What. The. Freaking. H*ll. Feeling ko nagsihulugan ang mga painting at ilang mga picture frames mula sa dingding ng kwarto ko. Putek! Minsanan na nga lang umuwi nanggulo pa ng kwarto ng may kwarto! Si daddy talaga o! Pero hindi ito ang problema ko. Spell G. R. O. U. N. D. E. D?

"Urggghhhh!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok sa sobrang frustration sa mga nangyayari sa buhay ko. Kung kailan naman desididong-desidido na akong umalis sa lintek na nakaraan na 'to saka naman nagkandaleche-leche ang mga pangyayari dito! At ang nakapagtataka, bakit hindi ko agad nakilala si Jadee? Bakit hindi ko agad nalaman na siya pala ang matabang bata na nanakot sa'kin noon that caused my huge trauma. Siguro dahil sa mataba siya noon pero hunk na ngayon? 'Ayy ang landi Ayra ha!' Pero totoo nga ba? I just can't seem to believe dad's accussation. Bakit sa lahat si Jadee pa? Bakit kailangang siya pa ang nakilala ko dito? Bakit siya pa ang nagustuhan ko gayong hindi pwede dahil siya ang dahilan kung bakit nangyari sa'kin ang aksidenteng yun? "Ano nang gagawin ko?" Nginat-ngat ko ang kuko ng hintuturo ko, senyales na napapaisip ako. Ano na? Ano nang mangyayari sa'kin dito? Mat-trap na ba ako sa lugar na 'to? Hindi na ba talaga ako makakaalis dito?

"So he's your boyfriend huh?" Napalingon ako bigla sa nagsalita at napag-alaman kong si kuya Deither pala yun na kakapasok palang sa pintuan ng kwarto ko. "Kailan pa naging kayo?" Tila hindi naniniwalang sabi niya. Bakit ko naman kailangang sabihin sakaniya aber? Kupal nitong kapatid kong 'to minsan.

"Just... R-recently. Very recently." Kuya naman, 'wag ka nang dumagdag sa mga pinuproblema ko! Por pabor!

"Recently huh?" Lumakad pa siya ng konti at naupo sa upuan na nasa ilalim ng powder table ko. So mags-stay talaga siya at mukhang may balak pang makipagchikahan sa'kin ha? Good. That's what i really needed. Note the sarcasm! The least i wanted to do is to talk to him! "I distinctly remember you hate him big time. Pa'nong naging kayo? Ano yun instant?" Instant nga. Panandalian lang masaya, pagkatapos wala na ulit. Nga-nga. "Tell me honestly. What's the real score between the two of you? And why are you so weird?" Ako weird? "You talk to some spirit na imposible naman." Wait what? Alam niya?

"Ano? Y-you saw me? H-how---?"

"I just heard you. And unfortunately--- i'm thinking you need mental help." Wow. So iniisip niya ngang nababaliw na ako? Just wow kuya!

"I'm not crazy. Hindi ako nababaliw kuya kaya i don't need any help." Umikot ako mula sa kinatatayuan at naupo sa malambot na kama ko. Ang sarap sanang matulog kung wala lang akong matinding problema na iniisip ngayon. "But since you mentioned this, then sasabihin ko na sa'yo. I don't know if you can take what i'm about to tell you, but whether you will believe me or not that depends on you." Titinitigan ko siya ng taimtim at nang makita ko ang pagkainteresado niya sa sasabihin ko ay nagpatuloy na ako sa pagsasalita. "Galing ako sa---"

"Future?"

"What?"

"Pumunta ka dito para mapasa'yo si Jason, and boy am i shocked to find out he's your long time crush." Sabi niya na hinawakan pa ang ballpen na nakalatag sa table saka ako tinapunan ng tingin. "Is that about right my dear sister from the future?" Hindi ako kaagad nakapagsalita. Akala ko magugulat ko siya sa mga sasabihin ko dapat sakaniya pero kabaligtaran ang nangyayari. Ako pa ngayon ang sobrang gulat na gulat sa mga nalaman ko.

"Alam mo na pala kuya. I don't see why i have to lie to you and to answer your question, yes. Totoo nga ang mga narinig mo. I'm from the future at nabigyan ako ng pangalawang pagkakatao para makatuluyan si Jason. Pero now, i just realized i didn't love him that much." Malungkot ko siyang tinignan. Gusto ko pa sana sabihing may nararamdaman na pala ako para kay Jadee pero hindi na ako nagsalita pa. Hindi niya naman na kailangan pang malaman yung bagay na yun. "Please kuya. Help me see Jadee today. The only way para mabalik ang lahat sa dati is para makapagusap kaming dalawa at masabi ko sakaniya lahat." Yun ang napagkasunduan namin ni spirit, kung hindi ko yun magagawa hindi na ako makakabalik pa sa hinaharap na pinanggalingan ko.

"I don't know Ayra---"

"Please kuya! Please! Ikaw lang ang makakatulong sa'kin! I really need your help!" Para namang lumambot si kuya sa pagsusumamo ko sakaniya kaya wala na siyang nagawa kun'di ang umayon sa plano ko.

"I'll see what i can do about it." Mabilis ko siyang niyakap. "For now magpahinga ka na muna. It's been a long day." Tinanguhan ko lang siya at nang makaalis na siya ay naupo na akong muli.

Hindi ko pa sana gustong umalis pero mukhang kailangan ko nang gawin 'to para bumalik na sa dati ang lahat. Makakalimutan namin ang mga nangyari at mawawala na sa utak ni Jadee na may nakilala siyang isang Ayra Karla Trinidad.

"Mamimiss ko siya..." Unti-unti nang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. Hindi na kinaya ee. Ang sakit. Dito na nga ito matatapos.

*Ding dong* *Ding dong*

Sino yun?

--------

Itutuloy...

Sorry kung medyo lame. Konting kembot nalang mage-ending na. Huhuhu!

Memyselfandipoo

Back In Time! (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon