ONE NIGHT 26: Confused or Confirmed?

Start from the beginning
                                    

"Nagyaya ba naman ng sine. Parang bata" natatawa nyang sabi.

"Parang bata pero kung makangiti ka jan parang tatagal ng two weeks yung ngiti mo" diretsong nakangiting sabi ni Zar.

"Parang ganun ba? Di ko mapigilan eh." nangingiti parin nyang sabi.

Ilang minutong katahimikan muna ang dumaan sa pagitan nilang dalawa ng magtanong si Zar.

"Insan.." marahang tawag ni Zar kay Lemuel.

"Hmm?" saglit syang tumingin sa kanyang pinsan bago sumubo ng cookies na dala nya galing kusina.

"Pano ko ba malalaman kung inlove na ko?"

Nabulun saglit si Lemuel sa narinig nyang tanong ni Zar na yon.

"Pakiulit nga yung tanong mo." saad nya na parang hindi makapaniwala sa narinig nya.

Medyo napakamot ng ulo si Zar. Tila ba nahihiya.

"Ang sabi ko, paano ko ba malalaman kung inlove na ako." mabagal na pag uulit nya sa tanong nya kanina.

"Woah Insan! Sakin ka pa ba nagtatanong? Ng ganyang klase ng tanong?" medyo exaggerated pa nyang tanong dahil napatayo pa sya kinauupuan nya.

"Oo eh." nasabi na lamang ni Zar habang napapahawak sa kanyang batok at medyo napapangiti.

"Insan ikaklaro ko lang ha." saad ni Lemuel habang paupo sa kinauupuan nya at may hindi pa rin maipaliwanag na excitement. "Ikaw? Isang habulin ng babae. Nagkaron ng ilang girlfriend na hindi ko na mabilang sa paa't kamay ko ay nagtatanong sakin kung pano mo malalaman kung inlove ka na? Ikaw? Ikaw talaga?"

"Oo nga. Nagtatanong nga ako."

"Woah! Bakit ka sakin nagtatanong insan eh ang alam ko, mas expert ka sakin pagdating jan"

Bumuntong hininga si Zar.

"It's been almost four years. Almost four years na rin ng huli kong seryosong relasyon. Sa tagal ng panahon, nakalimutan ko na yung feelings. Sa totoo lang, ngayon ngang iniisip ko, na inlove ba talaga ako kay Louis? Love bang matatawag yun? Hindi ko talaga alam ang sagot. Naguguluhan tuloy ako." napailing pa sya ng nakangiti pero napapaisip.

"Oh ngayon? Ibig ba sabihin nun, mas expert na ko sayo porket naguguluhan ka?"

Ngumiti si Zar.

"Hindi. Pero tuwing tinitingnan kita na kausap o pinag uusapan si Sophie, kahit masama man o magandang katangian nya, nakikita ko yung tinatawag na love. Hindi ko alam kung pano pero dahil na rin isa ako sa mga nakatingin sa inyo, mas nakikita ko ang estado ng relasyon ninyo."

Napangiti si Lemuel sa narinig nya. Napaisip. Hindi makapaniwala na mula sa isang taong nasa labas ng relasyon nila ni Sophie, ganun pala ang nakikita sa pagitan nila.

"Tama ka naman jan Insan." napailing bago napangiti si Lemuel. "Alam mo, ang mahalin si Sophie ay parang isang bisyo."

"Bisyo? Bakit naman bisyo?" natatawang tanong ni Zar.

"Bisyo sya kasi, isa syang pangyayari sa buhay ko na alam kong umpisa palang, dapat tinigilan ko na. Pero, dahil tinuloy ko parin, adik na adik tuloy ako" saad nya na tila ba kumukutitap na parang bituin ang kanyang mga mata. "Masama man ang isang bisyo at nakamamatay man ang pag aadik, masasabi kong handa akong mamatay kung sya naman ang kaadikan at ikamamatay ko."

"Lemuel, mangilabot ka nga jan sa sinasabi mo." saad ni Zar habang pinapahid ang kanyang braso dahil sa nagtayuang mga balahibo nya.

Humagalakpak ng tawa si Lemuel.

"Grabe Insan, muntik na ko mapautot sa sinabi kong yun. Ayy! Grabe! Kinilabutan din ako."

"Oo talaga, tsaka wala dito yung girlfriend mong amasona kaya wag kang pumick up jan" natatawa ring saad ni Zar.

"Kahit nandito pa sya, hinding hindi ko sasabihin yun. Haha!"

"Talaga lang ha."

"Oo naman!"

At nagtawanan pa ng mas malakas ang mag pinsan.

"Oh ano, matutulungan mo ba ako?" pag iiba ni Zar ng usapan.

"Oo naman! Pero maghanda ka, mahaba haba ang listahan" saad ni Lemuel suot ang maloloko nyang ngiti.

**

Ayan, sorry kung natagalan. 

Nakapag update na ako! Yehey!!

Sinong excited sa mga pwedeng mangyari?

Ano nga sa tingin nyo ang mangyayari?

Please VOTE kung nagustuhan nyo.

Please COMMENT for any feedback.

THank You!!

//MsRedMonster//

A One Night LoveWhere stories live. Discover now