Kabanata 13

2.1K 101 7
                                    


Kabanata 13

Rosas

***

Lutang si Sea nang pumasok siya sa kanilang paaralan. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang engkantong nakakawala at sigurado siya na malapit na rin itong maghasik ng lagim kaya naman doble-doble ang takot na kanyang nadarama 'pagkat siya ang tumatayong lider ng mga engkanto ngayong wala si Ceres at hindi alam kung saan naroroon.

Dahil sa pagkalutang nito habang naglalakad sa kanilang corridor, hindi na niya namalayan pa na masasalubong na niya ang grupo nina Peter na ngayon ay nangingiting nakatingin sa kanya ng diretso.

"Magandang umaga, Sea," bati ni Peter sa diwata habang nakangiti ngunit agad na nabura ito dahil nilagpasan lamang siya ng diwata na tila walang narinig at lutang na lutang pa rin. Dahil doon ay naghagikgikan ang mga kaibigan ni Peter dahilan upang balingan niya ito at aambahin ng suntok na siyang naiwan lamang sa era.

Habang si Sea ay nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa maabot niya ang kanilang sillid at tahimik na naupo rito. Nagsunuran naman ang dalawang dalaga sa kaniya nang makita siyang tahimik at saka dumaldal nang dumaldal. Tinitigan lamang sila ni Sea ngunit ang isipan nito ay lumilipad sa kung saan.

"Hoy, Sea," tawag ni Mellie sa diwata sa gitna ng kanilang pag-uusap nang mapansing 'di naman nakikinig sa kanila ang diwata. Nang hindi pa rin sila pansinin nito ay pinalo na ni Mellie ang lamesa nito. Napagitla naman ang diwata dahil sa gulat.

"Anong oras ka kako nakauwi?" pag-uulit ni Mellie sa kanyang tanong dito. Naghintay naman silang dalawa ni Misha sa isasagot nito. Tinuro pa muna ni Sea ang kanyang sarili bago sumagot at tinanguan naman siya agad ng dalawa.

"A-ano," aniya at nag-iisip pa ng sasabihin.

"Sabog ka ba?" nakakunot ang noong tanong ni Misha sa diwata. Napakurap-kurap naman si Sea habang nakaharap dito. Tila hindi naintindihan ang sinabi.

"Mukhang sabog ka nga. Sobrang hirap naman yata ng topic niyo para magkaganyan ka," ani Misha na siyang tinanguan na lamang ni Sea.

"Ah, oo. Mahirap," tipid niyang sagot. Napatango-tango na lamang ang dalawa at bumalik na sa sarili nilang upuan dahil dumating na ang kanilang guro.

Sa nagdaang oras at klase nina Sea, siya ang tinatanghal na nangunguna sa klase dahilan upang mapabaling ang atensyon niya kay Eton na nasa harap at diretso lamang na nakaupo habang nagbabasa ng aklat. Muli ay naalala niya ang nangyari kagabi kaya naman sumakit na ang kanyang ulo sa dami ng inaalala. Nang mag-breaktime ay hindi na namalayan ni Sea na nasa harap na niya si Ezri kung hindi pa ibaba ng binata ang kanyang lebel sa nakaupong diwata para lamang mapansin siya nito dahilan upang mapaatras si Sea dahil sa gulat.

"Ang lalim ng iniisip mo ah," nakangiting sambit ni Ezri kay Sea saka may kung anong inabot.

"Ano 'yan?" tanong ng diwata saka nilapitan ng tingin ang kung anong parihabang bagay.

"Chocolate, ang baba kasi ng energy mo e," ani Ezri. Napangiti naman si Sea dahil doon at saka inabot ang tsokolateng bigay ng binata.

"Tara na sa canteen, lunch na," pag-anyaya sa kanya nito. Nakangiti namang tumango si Sea saka tumayo.

"Tara na!" Tila nanumbalik ang sigla sa diwata at hindi na mabura-bura ang ngiti sa kanyang labi habang naglalakad silang dalawa ni Ezri palabas ng silid. May kung anong enerhiya talaga ang binata na siyang nakakapagpabalik sa sigla at ngiti ng diwata na siyang hindi nito maipaliwanag.

AstraeaWhere stories live. Discover now