Kabanata 6

2.6K 126 12
                                    


Kabanata 6

Peter

***

Hinawi ni Celestine ang pagkakahawak ni Sea sa kanyang balikat at naguguluhan itong tinignan. Hindi naman ito pinansin ni Sea at sinamaan lamang ng tingin ang aninong ngayon ay tila umaatras dahil sa aura'ng inilalabas ni Sea.

"A-anong pinagsasabi mo?"

Napabaling si Sea sa dalaga at muling napatingin sa bulaklak.

"Hindi ba galing sa manliligaw mo ang bulaklak?" nakangising wika ni Sea tila iniiba ang daloy ng usapan.

Napakunot ang noo ni Celestine at napatingin sa bulaklak saka dahan-dahang umiling.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang 'to sa locker ko," aniya at nagtatakang pinagmamasdan ang bulaklak.

"Edi may manliligaw ka nga," ani Sea dahilan upang mapaangat ang tingin sa kanya ni Celestine.

"Sinong matinong manliligaw ang magbibigay ng itim na bulaklak? Hindi ba nakakakilabot 'yon?" nakataas ang kilay na wika ni Celestine.

Nagkibit-balikat na lamang si Sea. Nagpaalam na si Celestine dito at nilagpasan na niya si Sea na naiwang nakatayo roon. Nawala nang parang bula ang anino na kanina lang ay kasama nila rito sa loob. Nilingon ni Sea si Celestine na ngayon ay binabagtas na ang daan patungo sa silid nito.

"Itim na bulaklak dahil isang itim na engkanto ang manliligaw mo," sambit ni Sea habang tinatanaw ang dalagang ngayon ay may nakasunod nang anino.

"Isusumbong kita kay Ate Dia, Negring!" ani Sea saka humalukipkip habang nakanguso.

BUMALIK na sa kanilang silid si Sea at hindi pa rin mawala ang iritasyon sa kanyang mukha. Hindi niya alam paanong nakalabas na naman ng kagubatan si Negring at kailangan niyang mapigilan ito sa kung ano mang binabalak nito. Tandang-tanda niya kasi ang kwento sa kanya ng mga duwende noong minsang nakawala rin si Negring sa kagubatan at nanligaw ng isang dalaga rito sa eskwelahan nila na siyang ka-eskwela pa ng Ate Dia niya at gaya ng ginawang aksyon ni Dia at Dentrix, nais niyang iligtas ang kanya namang ka-eskwela na bagong bibiktimahin ni Negring.

"Napakalandi talaga ng engkantong 'yon!" bulong niya bago makapasok sa kanilang silid.

Sinalubong naman siya nina Misha at Mellie saka tinabihan siya sa kanyang upuan.

"Paano kayo nagkita ni Peter?" bungad sa kanya ng dalawa nang makaupo na sila.

Sasagot na sana si Sea nang biglang tumayo si Eton sa harapan at kinuha ang atensyon ng lahat ng kaklase.

"Wala si Ma'am Liza, may meeting ang faculty ngayon kaya ang klase natin sa kanya ay bukas na raw magsisimula. Gawin daw ang kahit na anong gustong gawin basta huwag mag-iingay," striktong anunsyo ni Eton at bumalik na rin sa kanyang upuan.

Agad na nagsigawan ang mga estudyante at kabilang na roon sina Misha at Mellie kaya naman halos mabingi na si Sea at natawa na lamang. Nilingon naman ni Eton ang kanyang mga klase na siyang mabilis na nagsitahimik.

"KJ talaga," bulong ni Misha at sinamaan ng tingin si Eton na ngayon ay nagbabasa ng libro tungkol sa Pisika.

"Balik tayo! Paano nga?" tanong ni Mellie at nilingon si Sea.

Napaisip naman si Sea at naalala niya no'ng nilibot siya ni Eton.

"Ah! Nung nasa garden kami ni Eton. Pinsan niya pala si Peter?" sagot ni Sea.

AstraeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon