Kabanata 9

2.5K 123 8
                                    


 Hi po! Sorry sa typos, hindi ko na nagawang basahin pa ulit. Para sa mga hindi pa po nakakabasa ng book 1 nito which is 'yung Adrasteia, maaari po kayong ma-spoil o maguluhan sa chapter na ito.

 ***  

Kabanata 9

Paalam

***

Tinatanaw lamang ni Ceres mula sa malayo ang mga nilalang na naliligo sa talon na kanyang nilikha. Kunot-noo niyang tinititigan ang masayang si Sea na nakikipaglaro sa mga ito. Hindi niya alam ang tungkol dito at hindi ito ipinagpaalam muna sa kanya. Ayaw niyang matunton ni Sea ang lugar nito dahil ito'y binuo lamang ng galit at pighati kaya naman mabilis niyang nilisan ang lugar at nagtungo sa nilalang na siyang may kagagawan nito.

"Adrasteia," tawag ni Ceres kay Dia nang matagpuan niya ito sa picnic table kasama si Dentrix. Nakaramdam ng kakaibang aura sa hilatsa ng mukha ni Ceres ang binata kaya naman tumayo ito at tumingin sa dalawa.

"Ah, sige, una na ako. May assignment pa kasi ako e," ani Dentrix saka ngumiti ng alanganin at umalis na.

Napairap na lamang si Dia nang marinig ang inirason ni Dentrix.

"Next week pa pasok mo, tanga," sa isip-isip niya at tinanaw na lamang ang papalabas na si Dentrix. Nang makalabas ang binata ay agad na nilingon ni Dia si Ceres na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.

"Naligo lang naman kasama ang mga kaibigan niya si Sea sa talon," diretsong wika ni Dia kahit na wala pa namang sinasabi si Ceres.

Nanliit ang mga mata ng engkanto dahil doon.

"Nahihibang ka na ba, Adrasteia? Bakit mo siya hinayaang pumunta ro'n?" 'di makapaniwalang sambit ni Ceres. Napairap naman si Dia saka umiwas ng tingin at humalukipkip.

"Ano bang gusto mong mangyari sa diwata? Ikulong na lang siya rito sa bahay namin? Diwata siya, engkanto siya tapos hindi niya man lang magawang malibot ang gubat na siyang magiging tirahan at aalagaan niya pagdating ng takdang panahon," inis na sambit ni Dia.

Hindi naman nakasagot doon si Ceres at nag-iwas lamang ng tingin.

"Bakit? Kasi ayaw mo ipakita kay Sea ang mga pinagdaanan mo? Ang resulta ng pagkakapabaya mo. Natatakot ka na maging ganoon din siya? Pwes, kahit na anong pagpipigil mo kay Sea, mangyayari ang kung anumang nararapat at nakatakdang mangyari," dagdag ng dalawa saka nilingon si Ceres at seryosong tinignan.

"Napapalapit siya sa mga tao. Hindi 'yon maganda," ani Ceres makalipas ang ilang segundo at sinuklian ang pagtitig sa kanya ni Dia.

Natawa naman ang dalaga, tila 'di makapaniwala sa binigay na rason ng engkanto. Napailing siya at muling tumingin dito.

"Hindi ba't mas maganda iyon? Kaya nga nakikisalamuha ang mga diwata sa mga tao pagdating nila ng labing anim na buwan," nakangising wika ni Dia ngunit hindi mo mababatid ang galak sa ngising 'yon. Punong-puno ito ng pang-uuyam.

Napairap si Ceres at tinalikuran na si Dia, tila sumuko na ang engkanto sa talas ng dila ng dalaga. Napataas na lang ang kilay ni Dia habang tinitignan ang engkanto na ngayo'y humahakbang na paalis.

"Wala talagang saysay na makipag-usap sa 'yo," ani Ceres bago muling humakbang.

"Wala na si Kuya Noli," sambit ni Dia na siyang nagpatigil sa mundo ni Ceres. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan maging ang buo niyang katawan. Hindi niya magawang lumingon kay Dia at nanatili lamang siyang dilat na dilat, tila pinoproseso pa sa sarili ang kanyang narinig na mga salita.

AstraeaWhere stories live. Discover now