“Nalatigo. Isa ako dun sa nalatigo e. Ang sakit,” sagot pa ng kaklase namin.

Nagtawanan ulit kami.

“Wala pa ang ibang guro rito,” basag sa tawanan namin ni Ma’am Victoria. “Mago-orient lang muna kami habang hinihintay ang ibang guro.”

“Alam naming narinig na ninyo ang salitang representative,” ani Sir Varra.

Napaayos ako ng upo nang marinig ko iyon. Maging ang iba ko pang kaklase ay tila nagseryoso.

“Ang representative ay ang tawag sa mga papalit na commander. Ang representative ang sasalo sa posisyon kung sakali man ay magbitiw o mamatay na ang commander. Siya ang magiging tagapagmana ng posisyong iyon. Kayong sampu, kayo ang pinaka-top 10 sa division na ito. Sasanayin pa kayo ng husto dahil isa sa inyo ang magiging representative,” paliwanag ni sir.

Pumalakpak ang karamihan sa amin.

“Woah. Congrats sa inyo,” nakangiting sabi ng mga kaklase namin sa aming sampu.

“Pero, sir, kung ang representative ang magiging tagapagmana ng posisyong commander, eh di sana yung anak na lang ng commander ang magiging representative,” komento nang isa kong kaklase.

Umiling iling si ma’am. “Hindi yan maaari.”

“Eh? Bakit naman, ma’am?”

“Dahil hindi porket anak siya ng commander ay pwede na siyang maging representative. Baka hindi siya karapat dapat sa posisyong iyan. Paano kung mas may deserving pang iba? Ang hanap dito ay yung kayang pamunuan ang isang army group, hindi anak ng commander. Kaya hindi hierarchial ang pagiging commander,” sagot ni ma’am. “Tandaan: kahit saang pamilya ka galing at kahit hindi ka ano ano ng commander, as long as makitang deserve mo, kaya mong protektahan ang nasasakupan mo, at may malasakit ka sa mga kapwa mo army hindi imposible na maging representative at maging commander ka.”

Napatango-tango kami sa sinabi ni ma’am.

Biglang nagtaas ng kamay si Ryoran. “Tanong ko lang po. Uhm... Diba po may lieutenant naman? Bakit hindi sila ang magiging sunod na commander? Bakit nasa mga estudyante pa?”

“Hmm. Magandang tanong yan,” ani sir. “So ganito. Simulan ko muna sagutin yan sa pagpapakilala sa mga posisyon o ranks sa buong elemental army. Ang pinakamataas na rank ay ang ‘General’. Nag-iisa lang ang heneral sa buong Elemental Army. Namamalagi siya sa Elemental Army Main Campus.

Pangalawang pinakamataas na rank ay ang commander. May labing limang commander ngunit dahil kumalas na sa samahan ang Royal Army, labing-apat na lamang. Bawat army group ay may isang commander.

Sunod sa commander ay ang lieutenant. Bawat isang army group ay may isang lieutenant. Sila ang kanang kamay at tagapamahala sa kanilang army group kung wala ang commander nila.

At ang panghuli ay ang captian. Dahil may kalakihan din ang populasyon ng bawat army group, hindi ito basta-basta ma-accommodate ng lieutenant at commander lang. Kaya may tatlong captain bawat isang army.

Ngayon, ang pagiging commander ay dadaan muna sa pagiging representative. At ang magiging representative ay mga kasalukuyang estudyante. Ito ay para mas sanayin pa sila. Pinapaniwalaan din na mas makabubuti na estudyante ang magiging representative para mas maturuan pa siya ng commander. Mas madaling turuan ang mas bata pa.

Ngunit ang pagiging lieutenant ay nanggagaling sa kasalukuyang army na mismo. Dumadaan sila muna sa pagiging captains hanggang sa mapromote bilang lieutenant.

Kaya naging ganito ang sistema ay dahil kahit na mawala na ang commander at oras na ng representative na pumalit, nandiyan pa rin ang lieutenant na gagabay sa kaniya.”

Ah. Ibig sabihin, nagka-promote-promote si papa kaya siya naging lieutenant.

Nagtaas ng kamay si Agatha. “Every year or every batch po ba nagtatalaga ng representatives?”

Agad na umiling si Sir Varra. “Ang pinakahuling pagtatalaga ng representatives ay noong mga estudyante pa lang sila Commander Shin.”

“Luh. Mukhang matagal na pala,” komento ng ilan kong kaklase.

“Nagtatalaga lamang ng representatives kung nakakakitaan na ng katandaan ang mga commander o may inaasahang trahedya na maaaring ikabagsak ng commander,” pagpapatuloy ni sir.

Natahimik kami.

Kung sa edad titingnan, mukhang okay pa sila. Mukhang maliliksi pa nga sila sa pakikipaglaban e. At kung may inaasahang trahedya... wala naman sana.

“Kaya itong mga pagkakataong ito ay paminsan-minsan lang. Maswerte ang batch ninyo dahil ngayon gagawin ang pagtatalaga.”

Sunod naman na nagtaas ng kamay ang isa sa aming sampu. “Paano nga po pala mapipili sa aming sampu ang representative? Base po ba sa magiging performance namin sa training?”

“Hmm... Basta ang maibibigay ko lang na hint ay magkakakompitensiya kayo sa isang event. Hindi ko na sasabihin kung anong klaseng event at kompitensiya,” sagot ni Ma’am Victoria.

Ah.

“Basta magseryoso sana kayo sa training niyo. Sa kung sino man ang magiging representative, sana magseryoso ka dahil ang pagiging commander ay itinalaga upang paglingkuran ang kanyang kanyang nasasakupan at hindi para siya ang pagkingkuran,” patuloy ni ma’am. “Kahit sa hindi kasama sa sampu. Nais ko na magseryoso kayong lahat sa training niyo.”

“Yes, ma’am,” sabay-sabay naming sagot.

“May tanong pa ba?” Tanong ni Sir Varra.

Naging tahimik lang kami at naghihintay sa kung sino pa ang magtatanong.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon