Falling for Mr. Bad Boy Chapter 21: Intrams 2

Start from the beginning
                                    

Maika's POV

Ehto ako linalaba yung shirt ni Spiderman sa CR, gamit ko lang hand soap alangan namang may dala-dala akong panglaba sa school? Kahit pawisan ang bango pa rin ng shirt niya, saan ba gawa pawis niya? sa pabango. Chos, sosyal naman ng pawis niya.

"Tss, saan kaya napunta yun? Ano ba yan nawala ko agad, alam kong suot-suot ko lang yun kanina eh" Nawawala yung rubber band na binigay ni Vince. Sus, madami na kaming rubber band sa bahay binigyan pa niya ako pero kahit na. . . bigay pa rin niya yun sa akin. 


Nakatingin sa akin yung mga ibang babae sa CR. Mukhang mga taga-ibang school sila, paano naman kasi naglalaba ako tapos kinakausap sarili ko. 


"Bakit ko kausap sarili ko? este ayan nanaman"
napatawa ako  ng hindi sinasadya.

"Miss, ok lang po ba kayo?" mukhang concerned sa akin yung babae. 

"Ahahahahahha ok lang pabayaan niyo lang ako" sabi ko.  


Pabalik na ako sa ginagawa ko nang biglang nagbukas yung pintuan nagulat kami. 

"Uy may away daw sa soccer field, Dali! dun tayo pati yung audience nagsusuntukan na"  

"Anong school?" tanong nung babaeng kumausap sa akin kanina. 


[・ヘ・?]
 Ano daw? 


"Yung Witherford daw at Austin, hindi naman ito yung first time na nangyari ito"
Oo nga noh,  nung grade school palang ako may nabalitaan kaming nangyaring ganito.


Biglang nagsilabasan na lahat ng babae pati yung mga nasa loob ng toilet lumabas na. Mga shunga hindi man lang nag-flush. Basta labas agad? Pagkalabas nila pumasok sina Georgina at Kim na hinihingal. Diba nanood sila nung game? Nakipag-rambulan rin kaya sila? 
 

Hinihila ako ni Kim palabas "Maika! Maya ka na maglaba nakakaloka ka anong ginagawa mo diyan? Andito ka lang pala"


"Oo nga kanina ka pa namin hinahanap"
sabi ni Georgina. 

"Anong nangyayari?" tanong ko. 


"HELLO GURL BINGE KA BA? MAY RAMBULAN NGA DAW SA FIELD. SINO PA BA ANG NAKIKIPAGRAMBULAN EDE YUNG VINCE MO!"
sigaw ni Kim. 


L(・o・)」
Nabitawan ko yung shirt ni Vince, kaya naman tumalsik yung bula at tubig sa amin nang naglanding sa sahig. YANG LOKONG YUN KASALI PALA SIYA SA SOCCER TEAM PARA LANG MAKIPAGRAMBULAN!  

 
Tumakbo na kami papuntang field pero wala na yung away maraming naka-upo sa field o nakahiga, yung iba ginagamutan ng first aid. Yung mga naka-red nakikipag-usap sa mga naka-blue, either nagmumurahan o nagbabatian yung iba. 

"Natapos na agad?" sabi ni Kim. Echosera naman si amazona, gustong panoorin? 

Nakita namin na palakad si Josh sa amin "Babes! Aiist" Napahawak siya sa labi niya dumudugo kasi pati dun sa may kilay niya. 

Dali-dali namang tumakbo si Kim sakanya "Anong nangyari sayo?"

"Wala lang toh dumudugo lang hahaha" 

Tinulak ni Kim si Josh "Wala lang pala eh ibig sabihin ok ka lang, Balik ka na sa Amerika" 

Biglang napilayan si Josh "Ouch array ang sakit hindi ako makatayo, aahh ang sakit"

"Dun nga tayo sa clinic"
sabi ni Kim. Nagwink sa akin si Georgina kaya napatawa ako sa kilig. 

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]On viuen les histories. Descobreix ara