Falling for Mr. Bad Boy Chapter 22: The Offer

1.2K 49 6
  • Αφιερωμένο στον/ην ivyjrsh
                                    

------------

Multimedia: 

Photo: Maika & Vince [Myungzy] Gif

Youtube Video: Royal Pirates - On my mind [English subs + Romanization + Hangul] HD

-----------

A/N: Dahil pati ako nabitin sa update ko kaya. . .  TA-DA! Bagong dalawang chapter. MAGSAWA KAYO KAY VINCE AT MAIKA BWUHAHAHAH [joke lng pls. wag kayong magsawa]  

======

Maika's POV 

Pagkatapos kong magbihis ng appropriate attire, talagang nag-ala Maria Clara na ako sa suot ko dumiretso na ulit ako sa sala. Akala ko naman pag tinagalan ko aalis na si Thunder pero andun pa rin siya kasama ni papa. Umupo ako sa pinaka malayong sofa kay Thunder.

"Don't worry, andito lang ako para malaman kung nakabalik na kuya mo" sabi ni Thunder. 

Ano naman ang kinalaman niya kay kuya?

"Bakit, Close kayo?" biro ko. 

Ngumiti siya, bakit parang ang warm ng dating ng ngiti niya hindi katulad nung isang araw?

"Hindi pero soon magiging close na kami as brother-in-laws. You see, concerned lang pamilya ko" 

Teka.... KAPATID NIYA SI ELIZABETH? 

Nga-nga maika, mouth open open. 

"Ah princess, siya pala yung kapatid ng mapapangasawa ng kuya mo" sabi ni papa.

Inulit pa talaga ni papa, gets ko na eh. 

Hindi ko talaga maintindihan si papa nung nakaraan lang ang sabi niya na masama yung naging desisyon nila ngayong ayaw iforfeit yung kasal pinupush na nila. Naiinis ako kapag sinasabi nilang si Elizabeth na yun yung mapapangasawa ni kuya. Pati nga sa TV binalita na run-away groom daw si kuya. Bago yun ah. Hindi ata mapasok sa kokote ni ate Liz na ayaw ni kuya sa kanya. 

"Dad, hindi naman kasi siya ang mapapangasawa ni kuya eh si ate gandz nga" sabi ko. 

"MAIKA! Wag kang makulit" Nagulat ako kay papa, nataasan niya ako ng boses. Kahit anumang kalokohan ang ginagawa ko never pa niya ako napapagalitan ng ganiyan kasi mahaba ang pasensya niya. 

Yumuko ako "Sorry po" 

Tumayo si papa.

∑(  ;°Д° )

HEEH? WAG MONG SABIHIN IIWANAN MO AKONG MAG-ISA SA STRANGER DANGER NA ITO? Tinitigan ko ng bonggang bongga si papa para makarating yung message ko na wag kaming iwanan pero ni lingon hindi niya ginawa.

Tumingin siya sa akin at umiling "iwanan ko muna kayong mag-usap" 

~ Woosh, Woosh. Katahimikan. Ang awkward ~

Ewan ko lang pero biglang kumukulo yung dugo ko sa lalaking ito. Baka akala niya puwede niya akong laruan para makaganti kay Vince. Nagdasal na ako kay Lord sa isip ko, sana hindi ko pagsisihin ang sasabihin ko. 

"Sa totoo lang, ano ba talaga ang pinunta mo dito?" Nag-cross arms ako at tinarayan siya. 

Ngumiti siya, pero yung ngiti niya kanina nung kaharap niya si papa iba sa ngiti niya ngayon. Yung ngiti niya nung linigtas niya ako.  

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα