MWT - 40 💗 Date 💗

7.7K 194 18
                                    

40

Aria pov

Finally nakauwi na rin ako sa bahay ang sarap sa pakiramdam nasa bahay na ako. Medyo matagal din pala ako nasa hospital. At si Zac lahat gumastos sakin.

Pero syempre dito muna ako sa bahay ni ate Carol. Gusto nga ni Zac sa bahay na daw niya ako titira para sa safety ko. Sabi ko naman sa bahay lang muna ni ate Carol dahil hindi pa ako nakapagpaalam sa kanya alangan dire diretso lang ako umalis pagkatapos ng pag ampon, pinakain at pinatuloy sa bahay niya. Malaki ang tulong nagawa niya sakin kaya hindi ko muna siya basta basta iwan.

"Ang lalim ng iniisip mo"? Si ate Carol pala sakin at umupo sa tabi ko.

"Wag mong sabihin na namimiss mo na siya"?  Tumingala muna ako sa kalangitan. Ang ganda kasi madaming bituin.

"Iniisip ko lang ate Carol, kung bakit gusto ni Ate Dona ipapatay ako? Anung dahilan niya?"  Tumingaka din si Ate Carol.

"Anung ibig mong sabihin Ly? Alam mo sino ang gumawa sayo nun"? Tumango ako.

"Alam ko ate, dahil nung una umuwi ako sa dating bahay. Kagaya din sa ginawa niya sinundan niya ako at hinnabol. May nakita akong tatoo sa kamay niya at number. Nagulat nga din yung tao na nakita ko ang tatoo niya kaya sinaksak niya ako" sagut ko kay ate Carol.

"Anu? Bakit hindi mo isumbung sa police kung sino yun?" Sagut ni Ate Carol.

"Para magiging maayus ang buhay mo na Ly at magiging masaya ka." Dagdag niya.

"Paano ko masabi ate nakamask siya ng itim at naka itim ng damit. Mata lang ang nakikita ko sa kanya"  sagut ko.

"Di ba pag may ganyan na mangyayari may sketch gagawin ang mga police nun"? Tumango ako.

"Kung magiging okay na ako ate ako na mismo kumausap kay Ate Dona" napalingun siya sakin.

"Di ba delikado ang gagawin mo?" Ngumiti ako.

"Delikado, pero alam ko paano siya ihandle" sagut ko sa kanya.

"Paano kung nalalaman niya na buhay ka pa,? Baka balikan ka niya? Magiging delikado tuloy ang buhay mo ulit niyan Ly? Ako ang natatakot sayo"  niyakap ko si Ate.

"Hindi ako pwede magtago baka kasi sabihin niya, naduduwag ako sa kanya" sagut ko.

"Sa bagay. Pero Aria mag ingat ka talaga ha?" Tumango ako.

"Ah ate pwede magtanung anung ginawa ni Zac ng tulog ako"?  Gusto ko lang malalaman.

"Hmmn, mahal ka niya. Araw araw siya nandito? Minsan dito na siya natutulog naawa na nga ako sa kanya. Sinisisi niya kasi ang sarili niya sa nangyayari sayo. Kung may mangyayari daw sayo hindi daw niya mapatawad ang sarili niya. Totoo na pinakita niya sayo" ... sabi ni ate.

"Maraming salamat sa pag alaga sakin ate"  sinuklay niya ng kamay niya ang buhok ko.

"Sige na matulog na tayo. Para makapaghinga ka na". Inaantok natin kasi ako.

Kinabukasan.

"Aria girl gising na may naghanap sayo. Uy!."

Napamulat ako sa sinabi ni Jia sakin.

"Sino naghanap sakin?" Tanung ko sa kanya.

"Secreat? sige na maghilamos ka na 'don para maharap mo na siya uy!".

Bumangun nalang ako para maghilamos. 

Pagkatapos ko naghilamos pinuntahan ko na ang sinabi ni Jia sakin sino kaya yun.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon