MWT 24

7K 169 5
                                    

24

Aria pov

Pagkatapos sa nangyayari sa school umuwi na ako ng diretso sa bahay. Madami pa ngang tinanung si Jessica sakin, hindi ko nalang sinagut kasi hindi pa ako handa para sagutin ang mga tanung niya.

"Aria kung hindi ka na busy diyan pwede ka ba bumili ng pagkain natin snack's? Medyo nagugutom na kasi ako" tumango ako. Pagkatapos ko sa ginawa ko lumabas ako sa tindahan para bumili sa labas. Nagvibrate yung phone ko habang naglalakad ako palabas sa palengke kaya kinuha ko ito at tiningnan sino nagtext.


"Good morning Ly" from Zac. Himala ngayun pa siya nagtext. Nako mali inisip niyo hindi ko naman hinintay ang text niya.

"Miss kung magpakamatay ka wag dito doon ka sa madaming sasakyan!!." Napatingin ako sa driver ng jeep. Muntik na pala akong nabangga. Disturbo kasi yung text niya kaya lang mas mabuti siguro hindi na ako magrereply dahil bigla naman bumabalik sa isip ko ang nangyayari sakin kahit matagal na. Hindi naman kasi ganun kadali kalimutan yun. Kuntento na ako makita ko siya, okay na ako doon. Dapat limitahan ko ang sarili ko para hindi na maulit yung nangyayari sakin lalo na yung pagbabanta ni Ate Dona sakin sa hospital.


Binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko. "Ate ito na yung pinabili mo" binigay ko sa kanya yung inutos niya sakin.

"Thanks Aria" umupo muna ako sa labas para mag abang sa mga customer.

Nagvibrate ulit ang phone ko. Kinuha ko ito kaagad. Kung siya naman ulit siguro mas mabuti off ko nalang phone ko. Pagkabas ko sa message.

"Hey busy ka? Hindi ka nagreply"? Napangiti ako ng bigla lumabas sa screen ng phone ko si Ellaine. Anung meron kaya bakit siya napatawag kaya sinagut ko na kaagad.

"Hello"? Sagut ko sa kanya.

"Ly, alam mo na ba ang balita:?" Kunit noo ko tiningnan ang screen sa phone ko.

"Lynin andiyan ka pa"? Nagising ako sa boses ni Ellaine.

"Teka lang, anung balita pinagsabi mo? Di ba sabi ko sayo hindi na ako nanunuod ng tv"? Sagut ko sa kanya.

"Okay sige Ly, siguro dapat mo rin malaman ito." Kinabahan ako sa sinabi ni Ellaine.

"Ly, si mommy mo wala na" nabitiwan ko ang hinawakan kung sugar. Kaya nabasag ito.

Napatingin ako sa tv sa kabilang tindahan.

"BREAKING NEWS- PUMANAW NA KANINANG 2:00 PM SI MRS. SOLARES. ANG LABI NIYA NGAYUN INASIKASO PA NG ANAK NIYA SI DONA" napatakip ako sa bibig ko.

"Hey Ly, your okay? Ly, Lynin"??!

"Andito pa ako" sagut ko kanya.

"Oh God thanks your okay" sabi niya sa kabilang linya.

"Pero paano Laine? Paano nangyari? Sa pagvisit namin ni Zac kay mommy okay pa naman siya"? Tanung ko kay Ellaine dahil simula ng bumalik na ako dito hindi na ako nakadalaw kay mommy.

"Naalala mo yung nakabangga si Ate Dona mo ng isang tao? Sa pagkaalam ko nabuhay yung tao nabangga niya pero ang pagkamatay ng mommy niyo hindi ko masagut Ly. By the way pupunta ka ba?" Napaisip ako sa tanung ni Ellaine.

"Sa ngayun hindi ko alam Laine dahil nung huli naming pagkikita galit siya sakin" sagut ko kay Ellaine sa kabilang linya.

"Kung pupunta ka sabihan mo kami o ako tumawag ka ha,! Para may escort ka mabuti ng maninigurado tayo para sa safety mo okay" napangiti ako dahil meron akong kaybigan kagaya sa kanya kahit malaki ang agwat namin sa buhay.

"Hey, hindi ka nagsalita." Pinahid ko muna ang mga luha ko.

"Okay. Laine thank you" hingi ng pasalamat sa kanya.

"Oh basta text ka lang sakin okay? Oh siya may meeting pa ako. Bye crying baby haha" loko talaga itong kaibigan ko.

"Aria okay ka lang? Kanina pa kita napapansin na parang umiyak"? Pumasok ako sa loob ng tindahan saka niyakap si Ate Carol.

"May problema ba"? Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya.

Tiningnan niya ako. "Namatay yung umapon sakin na babae" sagut ko sa kanya.

"Condolence Ly" pakikiramay ni Ate Carol sakin.




 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon