MWT 28

6.2K 200 3
                                    

28

Zac pov 

Kinabukasan maaga ako umalis ng hospital gusto ko makausap si Cyrus. Tinawagan ko na din si Jad. Si manang muna pinabantay ko kay Mitch.

Binuksan ko ang gilid sa kotse ko at pumasok si Jad. Gusto ko rin malaman niya kung anung pinag usapan namin ni Cyrus. Naawa na ako kay Lynin. Hangga't may magagawa kami ni Jad tulungan namin siya. Total para din naman ito sa kanya.

"Seryoso ka Zac"? Tumango ako sa tanung niya.

"Ikaw bahala. By the way musta na siya.?" Pinaandar ko na ang kotse.

"Okay naman yun nga lang dilikado parin ang pagbubuntis niya"  sagut ko.

Siguro ilang minutes lang dumating na kami sa pinag usapan naming lugar bumaba si Jad sumunod ako pagkatapos ko pinatay ang makina sa kotse ko. "Yun siya" agad siya nakita ni Jad kaya nilapitan na namin ito.

"Sorry kung late kami" hingi ni Jad ng paumanhin sa kanya. At umupo na kami sa harapan niya.

"Sorry kung inabala ka namin Pre gusto lang kasi namin malaman anu si Dona sa inyo bakit ganun siya kagalit kay Lynin. "? Tiningnan ko si Jad tahimik lang nakikinig.

"When i was in Elementary yung andito pa ako sa Pilinas. Nasa isang school kaming tatlo. Unang dumating si Dona sa bahay baby pa siya that time i think nasa 10 months siya. Si dad at mom humingi ng permission sakin kung papayag ba ako na mag adop na baby. Pumayag ako kasi gusto ko ng kapatid. But sad to say si mom hindi na pwede magkaanak." Palihim ko tiningnan si Jad tahimik parin nakikinig sa pinag usapan namin.

"Sige ituloy mo ang kwento" dagdag ni Jad.

"Naging mabait si Dona, hanggang sa dumating si Lynin.  6 months palang siya galing sa orphanage at dahil baby pa at naawa si mommy sa bata ginawa niya itong legal at yun nga nadagdagan kami sa bahay. Habang lumaki kami bigla nagbabago ang ugali ni Dona. Hanggang sa pina enrol kaming tatlo sa isang school. Inaaway ni Dona dati si Lynin sa school kala naming lahat okay lang yun dahil nga part yun sa pagkabata natin. Nagulat nalang isang araw nagsusumbong si Dona kay mommy inaway daw siya nito at muntik na daw tinusok ni Lynin ang mata ni Dona. Sa umpisa hindi naniniwala si mommy dahil nga bata lang kami. Hanggang sa naabutan sila mommy ni mommy nag aaway at dahil siguro sa galit ni Lynin muntik na niya masaktan si Dona. At simula nun galit na si mommy sa kanya. The rest hindi ko na alam dahil umalis na ako dito sa bansa. "   natahimik kami sa sinabi ni Cyrus.

"May tanung lang ako, Pre hindi ba talaga kayo magkapatid ni Lynin sa labas.? Sorry sa tanung ko"  ininom ni Cyrus ang kape niya.

"Nope simula pagkabata kami na close ni Lynin sa bahay dahil may sariling mundo si Dona" so hindi talaga sila magkapatid.

"Meaning since pagkabata niyo inggit lang ang nararAmdaman niya kay Lynin." Tumango naman si Cyrus sa sinabi ni Jad.

"Precisely, iba kasi si Dona once pag siya ang may ayaw dahil magiging masaya lang siya pag nakikita niya sa isang kabaong ang taong pinakahate niya."   Medyo nagulat ako doon ah.

"Meaning nanganganib ang buhay ni Lynin sa kanya"? Tumango ulit si Cyrus sa sinabi ni Jad.

"I'm sorry Zac kung hindi ako nakapunta sa kasal niyo. Hindi ko rin kasi alam. Late ko ng nalaman nung namatay na si mom"  sabi niya.

"It's okay i understand" sagut ko sa kanya.

"Sa tingin mo Pre may kinalaman ba si Dona sa pagkamatay ni mommy niyo"? Tanung ni Jad.

"Sa ngayun hindi ko pa alam Jad, kasi si mommy ko pa inayus pagkatapos ang office naman" tumango kami.

Bigla nagvibrate ang phone ko si Rusty. Himala.

From Rusty:

"Pre, tingnan mo ang cctv sa hospital. Nagtanung na ako sa hospital kung may pumasok ba sa kwarto sa mommy ni Lynin"  pinutol niya walang karugtung. Hilig niya ng ganito.

Agad ako tumayo "let's go puntahan natin ang hospital nagtext si Rusty " agad kami umalis sa coffee shop.

"Anung sinabi niya"? Tanung ni Jad.

"Susunod nalang ako sa inyo" biglang sabi ni Cyrus.

"Sige Pre"  pumasok na kami sa kotse ko at pinaandar ko na ang makina.

"Anung sinabi ni Rusty"? Umiling ako.

"Ang sabi lang niya puntahan daw natin ang hospital"  sagut ko sa kanya. Agad naman kami nakarating sa hospital. 

Sumunod rin si Cyrus dumating. Lumabas na kami sa kotse sumunod rin lumabas si Cyrus sa kotse niya saka sinara ang pinto at nilock.

"Let's go" aya ko sa kanilang dalawa. Agad kami tumungo sa isang kwarto kung saan  doon nakalagay ang mga cctv.

May lalaki lumabas galing sa isang kwarto si Rusty. Anung ginawa niya dito? Nakita niya kami. Nilapitan niya kami.

"Pre mabuti dumating na kayo, kayo nalang papasok sa kwarto may pupuntahan pa ako sinabihan ko na ang mga staff sa loob" tumango ako.

"Sige Pre salamat" tinapik niya balikat ko saka umalis na siya. Pumasok na kami sa loob ng kwarto.

"Sir, dito po tayo " sinundan namin ang staff sa isang camera.

"Pakibalik doon sa kwarto 406 ang number" utos niya sa nakabantay sa camera. Agad naman niya ginawa hinanap niya at nakita niya.

"Sir ito na po yung kwarto" palihim ko tiningnan si Cyrus nakatitig sa camera.

"Pwede paki zoom" sabi niya sa nakabantay.

Tiningnan namin ang sinabi ni Cyrus sa staff may napansin ako sa kilos ng isang babae pumasok sa kwarto.

"Si Dona? Ang pumatay kay Mommy? Pero bakit?" Nagulat kami sa sinabi ni Cyrus .

"Anu? Paano"? Tanung ni Jad sa kanya.

"Sir tingnan niyo sa dextrose niya dinaan ang inject" dali dali lumabas si Cyrus sa kwarto kaya agad namin siya sinundan.

"Pre sandali lang" pigil ko sa kanya ng maabutan ko hinawakan ko ang braso niya.

"Hindi mo pwede sugurin si Dona dahil kung malalaman niya na nalaman na natin ang totoo posible mapahamak si Lynin. At baka mawala pa si Lynin sa atin kaya please. Tsaka nakaburol pa si mommy niyo"  pigil ko sa kanya alam ko kasi kumpruntahin niya si Dona sa nalaman namin ngayun.

"Tama si Zac Pre, wag kang magpadalus dalos dahil kung magpakain ka sa galit mo si Lynin ang delikado. Dahil kay Lynin binuhos niya lahat ng galit" dagdag ni Jad.

"Hihingi tayo ng tulong alam natin matutulungan tayo sa problema ngayun" dagdag pa ni Jad.






















A//N: Yan lang muna sa ngayun ang update.

Maraming salamat sa pagbabasa at pagvote sa story ko.

Don't forget your vote and comment guys.

Dahil sa inyong pagsupport sa story na ito nasa  #28 Highest Rank sa Humor siya. Itong araw na ito. Hindi ko inasahan yun kaya maraming salamat sa pagsupporta niyo at sana support niyo rin ang next story ko.

"Saranghae, I love you sa inyong lahat"

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon