MWT - 16

8.5K 185 1
                                    

16

Aria pov

Papunta kami sa canteen kasama ang isang classmate ko ng mapahinto ako sa nakita ko. Kinabahan ako bigla ng papalapit na siya sa amin. Tiningnan niya ako ng masama.

"Buhay ka pa? Kala ko patay kana Lynin"? Pinanlakihan niya ako ng mata niya.

"Ate a-anung ginagawa mo dito"? Kinabahan ako baka ipatigil naman niya ako sa pag aaral ko. Tiningnan niya ako ng pataas pababa. "Wala ka na doon" sagut niya.

Binangga niya ako sa balikat ko. "Oh by the way wag mo na akong tawaging ate dahil hindi naman kita kaano ano o kamag anak" saka umalis na siya. Hanggang ngayun ganun parin siya magsalita sa akin.

"Aria okay ka lang sino yun"? Tumango ako sa tanung niya. "Tara na punta na tayo sa canteen" aya ko kay Jessica.

Pagdating namin sa canteen umorder na kami at pagkatapos naghanap ng mauupuan. "Aria sino yun? Bakit ganun siya magsalita sayo"? Kibit balikat nalang sagut ko kay Jessica dahil kung magsalita ako baka lalabas naman ang luha ko kanina ko pa pinigil.

Hanggang dito? Paano siya napunta dito? Natatakot ako baka anung gawin niya naman sa akin. Pagkatapos sa klase umuwi narin kami kasabay kami ni Jessica palabas ng gate. "Girl Prince Charming mo andito na sinundo ka ulit oh, sige mauna na ako bye" saka umalis na siya. 

Nakita ko si Jad nakasandal sa kotse niya. "Hey" tinanggal niya ang sunglasses niya.

Nilapitan ko na rin siya. "Hi kanina ka pa"? Tanung ko sa kanya.minsan kasi maaga pa siya sa bell.

"Hindi naman let's go" saka binuksan niya ang pinto sa kotse para sa akin. Pumasok narin ako. At sumunod na rin siya.

"Musta ang school?" Tanung niya.

Kibit balikat lang ako. "Bakit naman"? Tanung niya ulit habang nagdrive.

Mas mabuti siguro hindi ko na sabihin kay Jad nakita ko si Ate Dona kanina sa school. Ayoko pati siya nadadamay sa mga problema ko.

Pagkarating namin sa bahay. "Thanks sa paghatid sa akin" saka binuksan ko ang pinto. "Pasok ka muna"? Aya ko sa kanya. Ngumiti siya saka pinisil ang ilong ko. "Wag na thanks nalang may lakad pa kasi ako"  lumabas narin ako sa kotse.

"Okay ingat sa date mo" sagut ko sa kanya.

"Tss, hindi naman date pupuntahan ko tungkol lang ito sa business. Bye ingat " saka nagw*nk siya at umalis na. Pumasok narin ako sa bahay pagkaalis niya.

"Aria dito ka na pala" pinuntahan ko sa kusina sa kusina si Ate busy sa pagluluto.

"Oh bakit ganyan hitsura mo may problema ba"? Uminom muna ako ng tubig saka ko siya sinagut.

"Si Ate Dona nakita ko kanina sa school" sagut ko kay Ate Coring.

Tinigil muna niya ang pagluluto at humarap sa akin. "May sinabi ba siya sayo?" Tanung ni ate sakin.

"Aria siguro panahon na para labanan mo ang Ate Dona mo total hindi naman kayo tunay na magkapatid" napalingun ako sa biglang pagsalita ni Jia.

"Hindi naman kasi ganun kadali na kalabanin si Ate Dona, kung kukuntra ka sa kanya mas pahihirapan niya ang buhay mo. Ako kasi ayoko ng gulo Ate, Jia. Tama na yung nangyayari sa akin hanggang ngayun andito pa sakin ang sakit" sagut ko sa kanila.

Tiningnan ni Ate Coring si Jia. "Iwan ko sayo Aria mabait ka kasi masyado. Kahit ikaw na nasasaktan hindi mo parin naiisip ang maghiganti. Alam mo kung ako lang sa sarili mo matagal ko na inaway yan"  napangiti ako sa sinabi ni Jia.

"Oh siya utusan ko kayong dalawa pupunta kayo sa lungsod may ipabili ako sa inyo"  agad nagbihis si Jia sa sinabi ni Ate Coring.

Nagbihis narin ako napatingin ako sa salamin. Malaki na pinagbago ng katawan ko. "Bilisan mo Aria! Matagal ka pa!?" Grabe naman makasigaw si Jia. Kaya lumabas na ako sa kwarto.

"Hoy grabe mo makasigaw bakit ka excited"?  Mukha kasing excited siya.

"Hehe wala naman basta lanh, Ate Carol alis na kami" paalam ko kay Ate saka lumabas na kami sa bahay at nag abang ng masasakyan. Tricycle lang naman kasi malapit lang.

"Yung totooo Jia, may crush ka sa lungsod no kaya excited ka"  ngumisi lang siya ng malaki.

"Secreat" napailing iling nalang ako sa kanya.

Ng makarating kami sa departmenstore. May nakabangga ako. "Sorry sir" hingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi ko  siya tiningnan pero nung dumaan siya sa harapan ko parang familiar sa akin ang perfume niya. Ng nilingun ko siya kausap niya ang manager ng  departmenstore parang familiar  siya eh.

"Aria sino yan tiningnan mo"?  Hindi ko pinansin ang tanung ni Jia sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit ganun? Ang lakas ng kaba ko. Tiningnan ko siya habang kausap ang manager ng lumingun siya sa pwesto namin ni Jia at binalik ulit niya ang tingin niya sa manager.

Nang maalala ko kung sino siya? Dumating na pala siya sa Pilipinas kasama na niya ata asawa niya.

"Lynin"? Napalingun ako sa tumawag sa akin. Laking gulat ko ng makita. "Russel"? Agad niya akong niyakap. "Musta ka na"? Kumalas rin siya.

Tiningnan ko ulit siya wala na siya. "Sino tiningnan mo"? Umiling ako sa tanung ni Russel.

"Ehemmn"  oo nga pala nakalimutan ko hehe.

"Ah Russel si Jia, Jia si Russel friend ko" pakilala ko sa dalawa.

"Hi Jia" bati sa kanya ni Russel at nagshake hands sila.

Pumili na si Jia sa inutus ni Ate Carol. Kami ni Russel nag ikot ikot sa mga stall. "Musta kana Ly, sorry kung hindi kita natulungan hindi ko din kasi alam saan ka"  binigyan ko siya ng ngiti.

"Okay lang wag mo na yun intindihin" sagut ko sa kanya.

"By the way bakit ka andito"? Tanung ko sa kanya.

"Meron kaming event ginawa dito" tumango ako sa sagut niya.

"Aria tara na" aya sa akin ni Jia.

"Kain muna tayo Ly"  nagpuppy eyes naman si Jia. Tss

"Sige" sagut ko sa kanya. Dinala kami ni Russel sa isang dine in. Habang nasa counter si Russel. "Aria hindi mo sinabi sa akin ha, may kaibigan  ka na gwapo ha" sabay sundot niya sa gilid ko.

Napaisip ako anu ang ginawa niya dito? Baka may business lang siya dito.







 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon