MWT 22

7.8K 173 5
                                    

22

Aria pov

Habang naghihintay ako ng tricycle "Lynin"? Kunot noo ko tiningnan si Jad nakangisi kasi papunta sakin anu kaya meron.

"Ly papunta kana sa school hatid na kita" tsaka ngumisi pa.

"Teka lang Jad, anung meron bakit ka nakangisi"? Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya.

Pumasok narin siya sa driver seat hindi parin natanggal ang ngisi niya. Pinaandar na niya ang makina sa kotse. "Sabihin nalang natin masaya ako" inirapan ko siya sa sagut niya.

"Iwan ko sayo. Tsaka bakit ngayun ka lang nagpakita sakin? Saan ka na universe galing ha"? Hindi man lang nagtext o tumawag halos mag isang buwan siya nawala.

Pinisil ko ang ilong niya bigla, "aray bakit mo pinisil ang ilong ko sige ka masira yan. Yan talaga sayo ipapalit ko" sabay tawa niya.

"Iwan ko sayo" inirapan ko siya. Pagkarating namin sa school. Madami ng student.

"Sunduin kita mamaya ha"? Sabay pagbukas niya sa pintuan ng kotse. Tsaka nagwink.

"Bahala ka" sagut ko sa kanya.

"Hi Jad" si Jessica kumaway pa kay Jad.

"Hello Jes, pasok na kayo alis narin ako" saka umikot na sa driver seat pero hindi pa pumasok.

"Halika na Lynin kasi hindi yan aalis paghindi tatayo pumapasok sa loob" hila ni Jessica sa kamay ko.

"Bye Ly" kumaway pa siya saka pumasok na sa kotse.

"Aria matanung kita bakit Lynin tawag nila sayo?" Oo nga pala hindi alam ni Jessica nangyayari sa buhay ko.

"May bagay lang kasi ako na dapat kung kinalimutan kaya" tumango tango rin siya.

"Okay kuha ko na ang point mo" saka ngumiti siya.

"Pero si Jad, bakit hindi mo sagutin? Nako swerte mo nga sa kanya. Mabait pa, imagine hatid sundo ka dito sa school natin. Bihira lang ang may ganyan" napangiti ako sa sinabi niya kasi kung paano siya magsalita tungkol kay Jad.

"Wait" lumingun siya sakin. "Yung totoo Jessica crush mo si Jad no.?.. uy!" Sinundot ko yung gilid niya.

"Halata ba"? Kunot noo ko sa tanung niya.

"Hmmn" pinutol ko ang sagut ko sa kanya saka tinulak ko siya sa middle finger ko. "Hindi naman halata pero wag kang umasa" iniwan ko siya nakatayo sa hallway.

"But y Aria? May girlfriend na siya?" Hinintay ko siya kasi hinabol niya ako sa paglakad. "Iwan" sagut ko.

Tiningnan ko siya palihim. "Oo nga nakalimutan ko sabihin sayo Ly, last 2 weeks ago nakita ko siya sa mall may kasama na babae, tss sweet nga nila eh" napailing iling ako sa kanya.

Pagkarating namin sa room pumasok narin kami. Maya maya dumating narin si Prof.

"Good morning" bati niya sa aming mga student.

Maya maya dumating si Dean may kasama. Binalik ko ang tingin ko sa notebook ko ng maalala ko sino ang kasama ni Dean. Inspection nila ang room. Pag angat ko ng tingin laking gulat ko. Anung ginawa niya dito sa school namin? Bakit siya nandito? Nilagay ko sa gilid ko ang notebook ko para hindi niya ako makita. Kinalabit naman ni Jessica gilid ko.

"Girl tingnan mo oh! Dali kasama ni Dean ang gwapo niya." Hindi ko pinansin ang bulong ni Jessica sakin. Nagvibrate ang phone ko. May message sino kaya nagtext. Pagbasa ko sa text.

From Zac :

"Anung ginawa mo diyan sa gilid?"
Kinagat ko ang labi ko saka dahan dahan ko humarap sa harapan. Nasa harapan pa sila kausap si Prof. Hawak niya ang phone niya.


Reply:

"Tse, wala kang paki" sent ko sa kanya.

Lumapit sila banda sa gilid namin. Papansin ata ito ah. Hindi ko siya pinansin inignore ko ang presence niya. "Ly ang gwapo niya omg,! Palapit sila dito satin. " bulong ni Jessica. Pati narin ibang classmate namin na girl.

At yun nga tumayo siya sa gilid ko. Tumalikod ako sa kanya. Mukhang magdonate ata siya ng aircon dito sa school namin. Okay naman naisip niya.

Pagkatapos sa inspection nila umalis na din sa room kaya napahinga ako ng maluwag. Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko pagtingin ko sa text sa kanya naman galing. "Dito ka pala nag aaral? I thought tapos ka na sa studies mo"? Hindi ko nalang siya nireplayan.

"Aria, ang gwapo niya no sana may alam tayo sa name niya kahit name lang at kung may girlfriend siya" kunot noo ko siya tiningnan habang naglakad kami sa hallway.

"Akala ko si Jad crush mo? Bakit nag iba"? Tanung ko sa kanya.

"Kyaaa Aria hindi naman para sakin. Para sayo no" aray hindi ko namalayan may bato pala kaya natapilok ako.

"Tse, hindi ako type nun" sagut ko sa kanya. Habang papunta kami sa labas para umuwi na.

"Ly" napalingun ako sino tumawag sakin. Si Russel?

"Bakit ka nandito sa school anung ginawa mo dito"? Tanung ko sa kanya habang papunta siya samin ni Jessica.

"Wow, yan talaga tanung mo sakin ha"? Sinampal ko siya sa braso.

"Sino siya"? Tanung niya kay Jessica.

"Ah friend ko si Jessica, Jess si Russel" pakilala ko sa dalawa.

"Wait, teka lang saan nga kita nakita"? Nag isip isip pa si Jessica.

"Tama, di ba ikaw yung model sa mga damit sa isa sa mga clothing line?" Ngumiti si Russel.

"Di ba siya yun Aria"? Kibit balikat lang ako sa sagut ko kay Jessica.

"Ly"? Napalingun ako sa tumawag sa pangalan ko. Paglingun ko hindi pa siya umuwi?

"H-hi" balik bati ko sa kanya.

"Hatid na kita" natahimik ako bigla.

"Ah wag Zac, may daanan pa kasi ako" sagut ko sa kanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jessica.

"Ly, hatid na kita" dagdag ni Russel.

"Wag na Russel, may dadaanan pa kasi ako" sagut ko sa kanya.

"Lynin"? Yung mokong dumating. Hanggang ngayun nakangisi pa? Haist.

"Hatid na kita" ito dagdag naman ito kaya reaction ni Jessica palingun lingun saming apat.

"Wag na Jad may dadaanan pa kasi ako" sabay hila ko sa kamay ni Jessica.

Huminto siya sa paglakad. "Hindi kita kaya Aria, grabe subrang haba ng hair mo te"! Reklamo niya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na magkakilala kayo nung lalaki kasama ni Dean kanina. Kainis ka" hinila ko muna siya palabas sa school.













 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon