MWT - 26

6.6K 168 4
                                    

26

Aria  pov

"Hindi ko inasahan gawin yun ni Dona sayo kanina Ly." Napailing iling si Jad habang nakadikwatro ang paa habang nasa malayo ang tingin.

"Sinabi ko naman sayo na hindi pwede pupunta si Lynin sa burol"  sagut ni Zac.

"Tama na yan, hija hindi ka naman nasaktan"? Umiling ako sa tanung ni daddy. Daddy siya ni Zac at Jad.

Pagkalabas namin kanina sa chapel nakasalubong namin sila ni mommy sa labas. Ng nalaman nila ang nangyayari sinamahan kami at ngayun andito kaming lahat sa isang coffee shop malapit lang din sa chapel.

"Sure ka ba hija hindi ka nasaktan"? Tanung ni mommy. Hindi pa nila alam kasi alam naghiwalay na kami ni Zac.

"Hindi naman ako nasaktan mom, i'm okay" sagut ko sa kanya.

"Good hija. Dahil kung nasaktan ka niya - **" naputol ang sinabi ni mommy.

"Dahil sa akin mananagut si Dona pag may mangyayari masama kay Lynin" napatingin kaming lahat sa sinabi ni Jad.

"Really son? Pero bakit ikaw Jad? Si Zac dapat gagawa ng ganyan dahil siya ang asawa ni Lynin.? Di ba hija?" Saka tumingin sakin si daddy. Napatingin ako kay Zac.

"Kahit kailan hindi talaga siya marunong makipaglaban tss"  dinig na dinig ko ang sinabi ni Zac sa sarili niya kahit mahina lang.

Hindi niyo lang alam na gustong gusto lumaban kay ate Dona pero paano kung pati ikaw Zac idadamay niya? Baka nakalimutan mo Zac balak ka niyang sirain pati si Mitch.

"Wala naman mangyayari sakin dad." Sagut ko sa kanya.

"Pero hija muntik ka ng nasaktan kanina ni Dona. " sagut ni mommy.

"Sa tingin niyo may kinalaman ba si  Dona sa pagkamatay ng mommy niyo"? Tanung ni mommy samin.

"Parang meron Bridget pero hindi pa natin masiguro yun hangga't wala tayong ebidensiya" sagut ni daddy.

"Lynin? Yung lalaki kanina na kausap mo sino yun"? Tanung ni Jad.

"Siya si Kuya Cyrus. Ang totoong anak nila daddy at mommy" sagut ko sa kanya habang nilalaro ang straw sa baso.

"So may totoong anak sila? Kung ganun bakit sila nag ampon i mean bakit gusto nila mag ampon? Swerte sila sayo Ly pero sa kapatid mo"* putol ni Mommy.

"Mom, step sister niya. Sa totoo lang hindi sila magkapatid dahil pareho naman sila ng sitwasyon"  sagut ni Zac.

"Sa pagkaalam ko sa america siya lumaki yun sabi ni Manang yung nagpalaki samin" sagut ko sa kanila.

"So lumaki kayo hindi niyo siya nakikita sa personal ?" Tanung ni Mommy.

"Nakausap ko naman siya sa video call minsan kung tatawag siya" sagut ko kay mommy.

Lumapit sakin si mommy at umupo sa gilid ko. "Hindi paminsan minsan lumaban ka naman para sa sarili mo. Pag hindi ka lalaban masasanay yang si Dona at matutuwa pa na nasasaktan ka. Alam namin hindi ka niya tigilan hanggang hindi ka niya makikita sa loob ng kabaong. Andito naman ako kami ni daddy mo si Zac at Jad na asawa mo " hinawi niya ang buhok ko sa gilid ng mukha ko.

"Sorry mom, kahit gusto ko lumaban hindi pwede dahil mapapahamak kayong lahat. Kaya nga nagpakalayo ako sainyo." Sagut ko sa kanya.

"Hija totoo ba nung nag aaral ka at nagtrabaho sa isang mall pinaalis ka nila ng walang dahilan"? Tumango ako kasi kahit hindi ko sabihin sa kanila malalaman din nila.

"Sakim ng nag ampon sayo Ly, napakabait mo sa kanila pagkatapos ito ang nangyayari" napalingun ako kay Jad.

"Pero ang sabi ni kuya Cyrus hinanap niya ako dahil hinanap daw ako ni mommy para makahingi ng tawad. Tinanung ni Kuya Cyrus si Ate Dona pagkarating niya pero ang sabi ni Dona namatay na ako"  sabi ko sa kanila.

"Talaga sinabi niya yan sa kuya niyo? Napakawalang hiya niya. Alam ba niya si Kuya Cyrus niyo ang totoong anak?" Umiling ako.

"Simula kasi pagkabata namin galit na sakin si Ate Dona maliit lang na dahilan nagagalit siya sakin. Minsan sakin pinapasa niya ang mali niya. Instead siya pagalitan ako ang napapagalitan ni Mommy. Minsan nung sinagut ko siya muntik na akong mamatay dahil natamaan ng lapis niya ang gilid ng kamay ko. At sinabi niya inaway ko siya. Hindi siya inawat ni manang siguro namatay na ako. May dahilan man o wala mainit ang dugo niya sakin" kwento ko sa kanila.

"Lahat ba yan alam sa nag ampon sa inyo?" Tanung ni mommy.

"Si mommy may alam, pero si daddy hindi ko alam kindergartten pa ako nun kaya simula nun sa public na ako nag aaral pinalipat ako ni daddy" dagdag ko sa kanila.

"Sama pala talaga ugali niya. Hindi makain ng aso"  biglang sabi ni Jad.

Pagkatapos namin sa pag uusap umalis na kami at bumalik sa probinsiya.




 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon