Chapter 16

4K 156 22
                                    

BADASS LOVER
Chapter 16

"What happened?" Tanong ko kay Ringo nang bigla kaming tumigil mula sa parang lumilipad niyang Avio.

"Gas."

"What?" Di makapaniwala kong saad. Ang garagara nitong kotse niya tapos mauubusan lang pala ng Gasolina? Nauubusan rin pala ng Gasolina ang mga mayayaman.

"So, ano na gagawin natin ngayon?" tanong ko pagkakuwan.

Pero sa halip na sumagot ay bagkabitbalikat lang siya. Sumandig sa upuan niya at saka ipinikit ang kanyang mga mata. The fudge?

"Ringo." pukaw ko sa kanya pero isang nakakapang asar na ungol lang ang isinagot niya.

Don't tell me magpapaumaga kami rito? Umikot ako pakanan para i-check ang paligid kung nasaang lupalop na ba kami.

I let out a heavy sigh as I roamed the place outside. All I see is darkness. Goodness! We're in the middle of only God knows where!

Nilingon ko si Ringo na ngayon ay mariing nakapikit, anyong tulog na. Naman e! Bakit pa kasi ako sumakaysakay rito sa sasakyan niya?

Tiningnan ko ang relong pambisig ko. Mag-aalas kuwatro pa lang ng umaga. Mahigit isang oras rin pala kaming naghabulan bago namin naiwala si Draco kanina.

And speaking of Draco, Saan na kaya ang isang iyon?

Bigla na lang kasi itong nawala. Sobrang ginalingan ba naman kasi ng isang 'to ang magpasikut-sikot sa mga daan kanina.

"Yova," napaangat ang tingin ko sa nagsalitang si Ringo.

"O, ano? May tinawagan ka na bang rescue? Or isa man lang sa kaibigan mo para puntahan tayo dito?" sunod-sunod kong usisa.

"Drake is a good man."

"Huh?" is all I can say. Papanong napunta sa isang iyon ang usapan?

"Now out," aniya, pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

"Anong sinabi mo?"

"Lumabas ka ng kotse," aniya ulit.

"A-ano? T-teka, nagbibiro ka ba? Ang dilim sa labas at sure ako na malamig rin. Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa." nilangkapan ko ng kaseryosohan ang boses ko kahit pa dumadagundong na ang tibok ng puso ko sa kaba.

"I'm serious, Yovanna. Get out of my car."

"Ringo?"

"Baba na."

"P-pero..." pumiyok na ako. I can see seriousness in his voice. Hindi nga siya nagbibiro. Pinapababa nga niya ako. "Bakit? May nasabi ba ako? Huwag mo naman gawin sa akin 'to, Ringo. I'm sorry."

"No. It's not what you think. Pasensya ka na kung dinala kita sa sitwasyong ito."

"Kung ganoon bakit mo ako p-pinapalabas?" gumaralgal na ang boses ko. "Patawarin mo ako kung may nasabi man ako. Hindi ko alam. Please... " pagmamakaawa ko.

Napatingin na ako sa labas. Ang dilim pa rin. Wala man lang poste ng kuryente na may ilaw  o kung ano pa mang liwanag maliban sa kinang ng bilog na buwan.

"Know what? It's the first time," ani Ringo pagkakuwan na bahagyang natawa.

Napakagat ako sa pang-ibabang-labi ko para pigilin ang aking pag-iyak.

Natatakot akong bumaba. Natatakot ako sa labas.

"Ringo please... Dito lang ako. Na... na... natatakot ako sa labas." nagmamakaawa na ako at pinagsalikop ang dalawa kong kamay. "Please, huwag mo gawin sa akin to. Magkaibigan tayo. Please..."

Badass LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon