Chapter 2

6.5K 225 72
                                    

BADASS LOVER
Chapter 2

"WHAT?" Pinanlakihan ng mata ni Yovanna ang kanina pa tawa ng tawa na si Cheska.

Kinwento niya kasi rito ang pagkaligaw niya ng kwarto bago nakarating sa tamang inuukupa nito.

"Can't help it." Cheska muttered then chuckled again.

"For all we know, it's your fault, Ches!" paninisi niya rito.

"And why is that?" Cheska rose a brow.

"Kung hindi ka ba naman adik, bakit sa dinami-raming lugar ay dito mo pa ako pinapunta?" Totoo rin naman kasi 'yon. Marami na mang mga coffee shop dyan, bakit dito pa sa bar?

"Well..." Cheska grabbed another shot of her wine. "Sabihin na nating it's my way also para makapasyal ka ulit dito sa teretoryo ko."

Tinaasan lang ito ng kilay ng dalaga.

Ito kasi ang may-ari ng Chillax bar kung saan sila nagbabangayan ngayon. Pangarap ni Cheska ang maging isang dakilang guro noon kaya palaisipan talaga sa kanya kung bakit sa ganitong klasing negosyo napunta ang kaibigan.

"Kung hindi lang talaga trabaho ang sinabi mo sakin kanina sa telepono ay hindi talaga ako pupunta rito. You know how busy person I am."

"Kaya nga eh, miss kana namin kaya dito kita pinapunta." Tumabi ito sa kanya. "At tsaka, worth it naman diba? Naka-eskor ka eh."

"W-what?!" Yovanna stammered.

Anong naka-eskor?

As far as she remembered, hindi niya sinabing may nangyari kanina, nagkamali lang siya ng pinasukang kwarto, 'yun lang ang tanging sinabi niya rito. Tinapunan niya ang kaibigan ng nakakamatay na tingin.

Hinuhuli ba ako ng bruhang 'to?

"Ops, don't you dare try to lie my dear." Cheska insisted then positioned to her ear shell. "Hickeys don't lie, dear. A bloody red hickeys." Cheska whispered. Yovanna's normal temperature got high in an instant.

Napahawak siya sa sariling leeg kung saan nakatingin si Cheska.

What a holy molly creep!

My hickeys siya?! Mapapatay niya talaga ang lalaking 'yon!

Sure na sure si Yovanna na kasing pula na siya ng letson ngayon.

"Shit!" she voiceout.

"So?" Napabaling ang tingin niya sa nanunuksong kaibigan. "What's this lucky man look like? Mala-Jamie Dornan ba? Macho? Masarap?" Pangungulit nito na lalo pang ikinapula niya.

Nagpi-playback kasi sa kukuti niya ang eksena kanina.

Shit talaga!

"Shut it, Ches!" She warned throwing death glared to Cheska.

"Oy, ang lola, pulang-pula." Tumatawang panunukso nito lalo sa kanya.

"Gusto mo ba maiwang mag-isa rito o titigilan mo ako?" Banta niya ulit. Hindi pa kasi dumarating ang tatlo pa nilang kaibigan at ang taong ka-meeting umano nito na siyang magbibigay sa kanya ng sideline na trabaho.

Badass LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon