Chapter 14

4.1K 170 15
                                    

BADASS LOVER
Chapter 14


"Err... okay na ako. Puwede mo na siguro akong bitawan." Ani ko kay Ringo na siyang nakabunggoan ko. Para siyang estatuwa na nakapulupot ang kanang kamay sa aking baywang, hindi kasi gumalaw.

How awkward our position is. Para kaming naka-final pose mula sa pagsasayaw ng duo, ang kaibahan lang ay may hawak akong white gold na tray.

"Ikaw rin, bud. Baka masapak ka bigla ng iba d'yan." Ani Rocco. Ibinaling ko sa kanya ang aking atensyon at tiningnan siya ng may pagtatanong sa aking mukha. Sinong mananapak? At bakit mananapak?

"Yovanna, can I have dinner with you tomorrow night?" Seryosong saad ni Ringo pagkakuwan.

Napakurap ako sa sinabi. "Ha?"

Though I can see the seriousness plastered in his handsome face I still doubt it. Nakakakaba ang mga titig niya. It's deep.

"I'll wait for you outside later. I'll drive you home." Patuloy ni Ringo saka dahan-dahan akong ibinalik sa maayos na pagkakatayo.

"Thank you." Ani ko at bahagyang yumuko sa kanya.

Ringo smiled showing his perfect white teeth. "So, anong oras out mo mamaya? I mean, you're working here, right?" Hinawakan niya ang white scarf ko na nakatali sa aking kaliwang balikat na siyang motifs ng mga waitresses dito sa Chillax.

Napatawa ako. "Ah, oo. On duty nga ako, e." Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong tray.

His lips instantly formed an o shape at namulsa ng dalawang kamay. He's charming, yes, but, weird nga lang. Parang may nabago sa Ringo ngayon at sa Ringo na nakilala ko noon sa Car Show. He's so serious and pormal tonight.

Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang paglitaw ng isang napakapamilyar na imahe ng isang lalaki mula sa likuran ni Ringo. Patungo siya sa table kung saan ko nilagay ang alak kanina.

Hindi ako nagulat na nandito siya pero ang isiping nasa likod lang siya ni Ringo ay nakapagtataka. Kanina pa ba siya narito?

Naalala ko na naman ang kabastusang ginawa niya sa akin two months ago. Sumirko agad ang dugo ko.

Palihim kong kinalma ang sarili ko. At nagpaalam na ulit kina Rocco.

"Sige, maiwan ko na muna kayo. Pasensya na at nabunggo kita," ani ko kay Ringo.

Ringo smiled and nodded then open the one way mirrored door for me. I mouthed 'thank you' to him then I stepped out.

"See you later." Pahabol niya bago ko lumapat ang pinto pasara.

Anong mayroon sa kanya? Parang mas bagay sa kanya ang magpakapilyo kaysa sa magseryoso. Just saying. Iyon kasi ang nakarehistrong ugali niya sa utak ko.

Napa-iling-iling na lang ako habang inaantay ang paglapat ng sinasakyan kong elevator sa group floor mula sa VIP floor.

"Bathroom..." Paalam ko kay Maritoni na abala sa paghahalo ng mga likido pagkadating ko sa bar counter section.

Maritoni is also a waitress here. A working student sabi ni Cheska na bilib sa kasipagan niya. Mahirap nga ang buhay niya kumpara sa aking kinalakihan noon. Pero iyan talaga ang papel ng buhay, ang pahirapan ka. Life is useless, nonsense and lifeless if the fuckin' struggles are absent. Argh.

Maritoni smiled and mouthed. "Gora." Kaya agad akong tumalima pagkatapos kong mailapag ang hawak kong tray sa harapan niya. Kanina pa talaga ako nangangati sa strap ng suot kong brasserie na natanggal sa pagkakabit.

Pagkapasok ko sa isang cubicle ay agad kong inisa-isang tinanggal ang mga itim na butones ng aking unipormeng blusa saka sinunod ang aking bra. Nasa kalagitnaan ako ng pagkakabit ng strap nang magclick ang lock ng doorknob sa mismong pinto ng restroom.

Badass LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon