Chapter 5

4.8K 172 10
                                    

BADASS LOVER
Chapter 5

"PLEASE Nekkus... Just please wait for me!" Gigil na dasal ko habang minamaniubra ang sasakyan na kinalulunan palabas sa nagsusumigaw na traffic.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahagilap ang cellphone sa nakabuyangyang kong bag na nasa hita ko. Wala akong pakialam kung tila binagyo man ang loob ng sasakyan ko. I need my goddamn phone!

"Shit. Asan ka na ba?" Gigil na bigkas ko habang pabalingbaling ang tingin sa kalsada at sa aking bag.

Kailangan kong matawagan ulit si Nekkus.

It's 7:42 in the evening at magsisimula na ang engagement party niya ngayong alas otso. At hindi ko papayagang mangyari 'yun. Not ever! Mahal ako ni Nekkus, alam ko iyon.

Nekkus had called me to give an ultimatum na kung hindi ako darating sa tamang oras ay talagang ma-e-engage sila ni Amanda at pakakasalan niya talaga ang babaeng 'yon.

No! Please don't, Nek!

Pero dahil nga sa rush hour heto at naiipit ang sinasakyan kong KIA sa gitna ng traffic. Nang may makita akong maliit na eskinita ay kumambiyo ako at gumawi doon para mag-shortcut. Sobrang traffic talaga sa main road at duda ako kung aabot ako sa destinasyon ko sa takdang oras.

Medyo masikip at makipot ang daan na aking pinasukan pero sakto na. Maliit lang rin naman ang aking sasakyan.

"There you are!" I sighed in relief nang umilaw at tumonog ang cellphone ko na nasa aking paanan. Nahulog pala ito.

Wala namang mga tao sa daan kaya patuloy lang ang takbo ko habang hinahagilap ng aking kanang kamay ang cellphone ko na patuloy pa rin ang pag-riring.

Subalit hindi ko talaga ito maabot-abot.

Isang mabilis na silip sa paanan ko at sa makipot na daan ang aking ginawa sabay yuko at abutin ang umiilaw kong cellphone.

"Gotcha!"

I managed to smile kahit pa gatambol ang kaba sa aking dibdib nang mahawakan ko ang cellphone ko. Tumigil na ito sa pagtunog at may nakarehistrong missed calls mula kay Cheska. Siya pala ang tumatawag kanina.

"Sorry, Ches," ani ko.

Alam ni Cheska ang plano kong manggulo na ito pero wala akong pake at hindi ko siya inintindi. I had already lost Nekkus once and God knows how it breaks my heart so much. Wala akong pakialam kung tawagin man akong gate crasher, party crasher o kung ano paman. Si Nekkus lang ang importante sa akin, tanging si Nikkus lang.

Panay ang dial ko sa numero ni Nekkus na naging laman ng aking utak buong maghapon pero walang sumasagot sa kanyang cellphone. Puro ring lang naririnig ko na siyang kinaiirita ko pang lalo.

"Please, answer the goddamn phone, Nek!" Mariin kong sabi. Humigpit rin ang hawak ko sa manibela.

Talagang nanggigil na ako to the point na gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. It's useless kung iiyak ako. I still have time. I'll get Nekkus back and I'll will never leave him again. I love him very much. He's my all and leaving him without explanations before was my biggest mistake.

Halos madurog ko na ang screen ng cellphone sa sobrang riin ng pagkapindot ko rito habang idina-dial ulit ang numero ni Nekkus.

Sa kadahilanang ukupado ng samo't saring bagay ang lumilipad kong utak ko ay hindi ko napansin ang biglang pagtawid ng isang padiyak na punom-puno at nagsisiksikang mga gulay.

Mabilis kong kinabig ang manebela pakaliwa para hindi ko iyon masagasaan pero sad'yang  nakadikit sa akin ang kamalasan dahil isang nananahimik na nakaparadang kulay dilaw na motorsiklo naman ang aking napurohan. 

Badass LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon