Special Chapter: Kurt Shaun Raven Montreal Arellano

Start from the beginning
                                    

"Alam mo, tatapusin ko na muna ang pinapagawa ni mommy." Pag-iiba ko ng usapan.

"No!" Mataray na saad nito saka ako binitawan. "Sabihin mo na kasi, meron ka na bang nagugustuhan?"

Napabuntong-hininga naman ako at napatingin sa kanya ng seryoso. "Yes, may babaeng mahal na ako." Napanganga ito at halatang nagulat sa tinuran ko. Gusto ko man kasing dugtungan na siya ang mahal ko kaso hindi nga lang pwedeng mangyari yun.

Natigilan ito at natahimik na lang ng ilang segundo habang nakatingin sakin. May kung anong lumabas na emosyon sa mga mata nito pero kaagad ding nawala ng ngumiti siya.

"Ah, that's good to hear. Pano bess? Alis na ako ah." Paalam nito saka lumabas na sa opisina ko na hindi man lang ako pinasalita. Hay, ang gulo niya talaga!

Bumalik na lamang ako sa pagbabasa ng mga proposals at ng matapos ko na ito ay kaagad na akong umalis doon.

Kinuha ko ang aking sasakyan sa parking lot at nagdrive na pauwi. Habang nagmamaneho ay napatigil ako bigla malapit sa isang park, lumabas ako sa kotse dahil parang may nag-uudyok sakin gawin yun.

Maraming bata ang naglalaro sa paligid at kitang-kita rin ang palubog na araw mula sa kalangitan.

Naupo ako sa isang bench dito at nakatingin lamang dun ng bigla akong makarinig ng isang hikbi.

Napakunot ako ng noo at hinanap ang pinanggagalingan nun. Hay, ayoko pa namang makarinig ng ganun kasi natatandaan ko bigla si mommy eh.

Nang mahanap ko na kung saan ay ako naman ang nagulat. It was France, alam na alam ko kasi ganitong damit din ang suot niya kanina. Blue floral dress with white sandals. Nakaupo ito sa isa pang bench na hindi kalayuan sa inupuan ko kanina.

Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako makita. Hindi ko alam kong lalapitan ko ba o hindi but I still choose to follow what my heart wants.

Nilapitan ko ito habang kinukuha ang panyo ko sa bulsa. Kaagad ko itong iniabot sa kanya. Nang makita ang panyo ay unti-unti siyang tumingala at nanlaki ang mata bigla.

"W-what a-are you doing here?" Medyo utal na tanong niya sakin.

"Napadaan lang ako." Sagot ko dito saka kinuha ang kamay niya para ipatong ang panyo doon. "Ikaw, bakit ka umiiyak?" Mahinahong tanong ko.

"Wala ito, huwag mo ng intindihin." Sagot nito at umiwas ng tingin habang pinupunasan ang kanyang mga luha gamit ang panyong binigay ko.

"Huwag mo nga akong lokohin. Pati ba naman ako na kaibigan mo?" Umupo ako sa tabi nito saka napatingin sa langit. Nang mabaling ang atensyon ko sa kanya ay nakita ko itong titig na titig sakin. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Napangiti ito ng mapait. "Yun na nga eh, kaibigan. Kaibigan lang ang kaya mong ibigay. Manhid ka ba o talagang tanga ka lang?" Nagulat naman ako sa sinabi nito. Magsasalita sana ako ng may sinabi pa siya na mas nakakagulat sakin. "Mahal kita, Kurt. Kahit tamad ka, gago ka. Kahit lagi kang napapagalitan ni Liam dahil sa pagiging pasaway mo. I still love you pero ng malaman kong may mahal ka na at alam kong hindi ako yun. Kilala kita eh, sweet ka sa lahat. Pinilit ko namang hindi mahulog per--" Hindi ko na siya pinatapos. I claimed his lips as if I already have my greatest gift from God.

Nung una ay nagulat pa ito at hindi nakareact pero kalaunan ay tumugon na rin siya sa halik. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nito kaya medyo nagulat siya at bumuka bigla ang kanyang mga labi just to give me an access to enter my tongue on his mouth. His lips was so sweet and tempting, I feel so happy right now.

Nang kumalas kami sa halik ay pareho kaming naghahabol ng hininga habang nakatingin sa mata ng isa't-isa.

"What is the meaning of that?" Emosyonal na tanong nito. Inilapit ko ang noo nito sa noo ko.

I smiled to her before I speak. "I love you more, France Kysler Monteverde Buenavilla." Madamdaming saad ko nito.

Nakita kong napangiti ito at niyakap ako bigla. Alam kong saksi ang langit at ang park kung nasaan kami na ngayon, ang babaeng mahal ko ay mahal rin ako.

Kumalas ito at masaya akong tiningnan. "So, it means. Tayo na?" Tanong ko.

Ngumisi ito sakin. "Manligaw ka muna." Natawa naman ako sa naging tugon nito.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Araw-araw kitang liligawan. I love you so much."

"I love you too."

And with that, I sealed it with another kiss.

-----------

Hintayin ang last Chapter, guys. Si Liam naman ang nandun.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now