13th Bite (edited version)

Start from the beginning
                                    

 

“Ce-celina, pa-Arrrrggg!” namilipit na ako sa hirap at sakit ng nararamdaman ko.

 

“A-ano b-ba-bang n-nangyayari?! Natatakot na ako Rom! Please! Let me help you!” nagmamakaawa siya habang ako, pilit na lumalayo kapag humahakbang siya papalapit. Ayoko. Ayokong maging malapit sa kanya kapag ganito ako. 

 

 

 

Ayoko siyang masaktan, kaya kahit masakit itinataboy ko siya. Sana pala nakinig na lang ako kina Kael at Carlos. Tama sila. Dapat noon pa ay tinapos ko na ang relasyon namin ni Celina. Napakahina ko kasi! Itinataboy ko siya pero lalong lumalim ang pagmamahal namin sa isa’t isa.

 

At dahil sa pesteng serum na yan, nagkakaganito ako sa harap niya. Ang pagkalimot ko ng ilang araw ay naging resulta ng matindoing gutom. Kasalanan ko. Kasalanan ko kasi.

 

 

Gusto kong aminin ang lahat sa kanya. Para maintindihan niya kung bakit hindi kami pwede kahit alam kong mayroon na siyang hinala. Matalino kasi siya. 

 

“Ba-basta Celina! Layuan mo na ako! Parang awa mo na!” 

 

 

Napaluhod na ako sa sakit. Hawak hawak ko ang sarili ko at nilalaban ang uhaw. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Nagiging pula ang paningin ko.

 

 

Ramdam na ramdam ko din ang pawis na tumutulo sa leeg ko.

 

 

“Sabihin mo muna sa akin kung bakit, lalayuan kita. Pangako Romanov, lalayuan kita. linawin mo lamang sa akin lahat, naguguluhan na ako!"  Napakaseryoso niyang sabi habang lumuluha.

 

 

Dahil sa kagustuhan kong layuan niya ako, inamin ko sa kanya, inamin ko kung ano ako, kung bakit hindi pwede. Alam kong gusto niya lamang marinig mula sakin ang bgay iyon. alam ko.

 

 

Tahimik lang siya, nakatitig sa akin. Hindi ko na kaya Celina, pakiusap maglakad ka na papalayo, tumakbo ka na. kamuhian mo ako. 

 

 Kung marunong lang sana ako sa hypnotismo na matagal nang itinuturo sa amin ni Madonna, sana…sana kanina ko pa siya pinalayo. Pero bakit ganito?! Ngayon ako nagsisi sa mga panahon na hindi ako nagbibigay ng importansya na akala kong balewala lamang.

 

 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at lalo akong natakot ng humapdi ito. Lumalabas na ang pangil ko.

 

“TUMAKBO KA NA!” dahil baka hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.

 

 

Pero imbis na tumakbo, niyakap niya ako. Mahigpit na mahigpit.

 

 

Everything I see went blurr

 

 

Ang tanging narinig ko na lang ay ang…”it’s okay Romanov, mahal na mahal kita and I can’t let you suffer like this. I love you romanov, always remember that”

Nang magising ako, laking gulat ko ng makitang puro dugo ang labi at damit ko. Pero mas nagulat ako at parang dinurog ang puso ko ng makita ko ang babaeng pinakamamahal ko na duguan at walang buhay sa tabi ko. Hindi naman nakamamatay ang pangil, ang pagkuha at pagsipsip ng dugo ang dahilan. I drained her. She bleed too much at wala man lang akong nagawa! I created a monster within me! 

Pero may kakaiba sa akin nang lumipas ang panahon. Lumakas ako ng sandaling iyon. Nagbago ako. At naging makasarili. Namuo lahat ng sakit at pagtitiis ko. Ang pagsisisi. Lahat lahat. Naging masama ko.

Pakiramdam ko naging imortal ako

Ipinagkaloob ni Celina ang buhay niya para sa akin. Ibinigay niya ang matagal nang dapat ay naranasan naming mga bampira. 

Dahil kay Celina, nalaman ko kung paano uusbong muli ang grupo. Paanong makakaangat muli. At hindi ko sasayangin ang pagkamatay niya.

Dahil sa pesteng kalokohan ng serum na yan. Namatay ang babaeng mahal na mahal ko. 

Ang serum kung bakit mahina kaming mga bampira. Kung bakit nagiging normal kami. Kungbakit hindi kami nauuhaw……sa sandaling panahon.

Kalokohan.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now