"Stop that Lucy! Mas okay ng malaman niya habang maaga pa! Na mahal natin ang----" Hindi ko na sila pinakinggan at umalis na lang sa pwestong kinatatayuan ko. Wow. Ang sakit... Ang sakit sakit... Hindi ko akalaing hahantong ang lahat sa ganito.
"Miss, panyo oh." Napalingon ako sa babaeng nag-abot sa akin ng panyo tsaka nagpasalamat at lumakad. Rude ba? Hindi ko na kasi alam gagawin at irereact eh. Tsaka nagpasalamat naman ako. Ang sakit na kasi eh, ang sakit sakit na. Pero bago ako tuluyang umalis napalingon ulit ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at half smile pa, pero parang may kakaiba sa mga ngiti niya, hindi ko lang malaman kung ano.
Days, weeks, moths had passed. And still masakit pa din. Handa naman akong patawarin sana sila sa ginawa nila, ganun ako ka martyr at katanga. Kaso... kaso pinahirapan nila ako. Pilit kong iniisip kung anong nagawa kong kasalanan sa kanila, bakit ba nila ako ginaganito?
"Oh hey! Ex girlfriend of my boyfriend, and oh hey ex best friend. How are you? Did you missed us?" Nakangising sabi ni Lucy sakin.
Kada makakasalubong ko sila ng magkasama para akong sinasampal ng libong tao. Pero mas masakit tong ginagawa nila sa akin ngayon ang ipamukha na wala lang ako sa kanila... na pinaglaruan lang pala nila ako. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!!!
Iniwasan ko lang silang dalawa, mahina ako, ayoko din ng gulo.
"Ohh, why so sad? Gusto mo bang sumabay muna sa amin? Mukhang wala kang kasama eh."
"A-ayoko ng gulo. Please... leave me alone."
"Awwww paiyak ka na ba?"
Nakita kong dumadami na ang nanonood sa amin, mom, dad, bessy. Ayoko na, asan kayo? Wala akong pakealam kung tawanan nila ako ngayon dahil sobra na ang hagulgol ko, hindi ko na halos maaninag yung mga taong nakatingin sa amin sa sobrang daming luha na namumuo sa mga mata ko.
"Tss, weak." Sabi ni Jake atsaka hinawakan ang kamay ni Lucy at umalis.
Pagkauwi ko ng bahay nakita ko doon sila mama at papa. Seryoso silang nag-uusap bakit nanaman kaya? Nakakatrauma naman ang seryosong pag-uusap naninikip yung dibdib ko sa kaba. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila para sana ikiss sila at makadiretso na ako sa kwarto.
"Venice." Mahinahon pero seryosong tawag sakin ni papa.
"P-po?"
"Umupo ka, may pag-uusapan tayo." Sabi naman ni mama kaya umupo ako.
"A-ano po--- " Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal ni mama, shit. Ano nanamang kasalanan ko?
"Bakit hindi mo sinabi sa amin!? Ikaw pala ang huling kasama ni Beatrice nung mawala siya! Aminin mo nga!? Sinadya mo bang iligaw ang kapatid mo ha!? Sinadya mo ba yon!? Sinadya mo ba ang pagkawala ng kapatid mo!?" H-ha? Bakit ko naman yun gagawin!?
"Bakit ko naman gagawin yon!? Mahal ko po ang kapatid ko! Kahit hindi ko siya kapatid sa ina! Mahal ko siya!" Humahagulgol kong sabi, ang sakit.. bakit kailangang magkaganito? Sila na lang sana ang malalapitan ko, sila na lang sana ang tutulong sa akin. Sila na lang sana.
Umakyat na ako sa kwarto at hindi pinakinggan ang kung ano-anong masasakit na salitang binitawan nila sa akin, my mom she's not my real mother. Step-mom ko siya and mom siya ni Beatrice. Mabait naman siya sa akin nung umpisa pero unti unti nagbabago siya. My real mom died kasabay ng pagkabuhay ko sabi ni dad, sayang at di ko man lang siya nakita o nahawakan. Siguro kung nandyan siya may karamay ako ngayon.
"Mom, please kunin mo na lang din ako. Isama mo na a-ako."
Halos gabi-gabi akong umiiyak, paulit ulit lang yung mga nangyayari sa akin, nagsasawa na ako. Sawang-sawa na ako. Simula ngayong araw magbabago na ako, dina ako magiging mahina, di na ako mag-papaapi kahit kanino man, hindi na ako magpapakabait.
End of Flash back.
"What the fvck!?" Reaction ni Maxine sa mga kinwento ko. "Eh impakta naman pala talaga 'tong si Lucy eh! Walanyang babaeng yon! Kaibigan natin siya tapos gagawin niya to sayo? Asdfghjkl makakalbo ko yung walangyang yon!"
"Hey bessy! Calm down!" Sabi ko habang pilit siyang pinapaupo, napatayo ba naman ang loka. Warfreak pa naman 'tong si Maxine JuthQ.
"Eh kung sapakin kaya kita!? Kalma!? Sa tingin mo kakalma pa ako matapos kong marinig lahat ng kwento mo!?" Sigaw niya kaya napabitiw ako sa kanya susko po, nakakatakot si bessy. Shets
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan at baka masapak kita ng tuluyan!" Sasapakin daw ako ni bessy huehue. Marunong kaya si bessy ng self defense juthQ kung bitch ako mas bitch siya sa akin. Mahirap mang aminin pero under ako nitong best friend ko huehue. Pero kung di ko mapalight ang mood nito baka magkaroon ng gyera. Isip Venice, isip ng pwedeng pampaganda ng mooood.
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 6
Start from the beginning
