Biglang lumakas ang hangin kasabay ang isang pang boses na sinasabi ang pangalan kong 'Aliyah'.

"Magpakita ka sakin. Hindi yung tinatakot moko" sigaw ko pa sa paligid. Nakakataas ng balahibo ang hangin kanina. Sobrang lamig.

Lumingon ulit ako sa dagat at my napakalaking whirlpool na hinihigup ang mga tubig pailalim. Nakaka amaze pero nakakatakot dahil sa malaking butas na nasa gitna. Baka mamaya may monster na lumabas dyan, patay ako.

Pinagmamasdan ko pa rin ang dagat ng biglang naging kulay puti ang parte ng whirlpool. Biglang my isang babaeng nakaputi at my mga perlas ang buhok ang lumitaw sa dagat, napaatras ako ng kaunti. Ay mali, umatras na talaga ako

Isang malakas na creak ang narinig ko banda sa gubat kaya napalingon ako roon at kaagaw agaw pansin ang puting punong bumubukas ang gitna. My isang babaeng nakaputi at my ugat ang ulo na parang korona ang lumabas. Ang ganda niya. Mas lalo naman ang babaeng nasa dagat, sobrang ganda niya.

Eto nanaman ang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa mga balat ko. Lumingon ako sa isang lugar at nakita ang higanteng tornado papunta sa gitna ng dagat at gubat. Tumakbo ako palayo, Aba Malamang! Hindi ko pa balak mamatay.

Huminto ako saglit dahil hinihingal ako. Tumingin ulit ako sa tornado na unti unting nawawala. Nang mawala ng tuluyan. Isang babaeng mahaba ang buhok at nakaputi iniluwa ng hangin, na ngayon lumulutang pa rin sa ere.

Ang babaeng tubig ay naglakad papunta sa gitna. Ganoon din ang babaeng puno. Ang babaeng hangin naman ay pababa na. Sabay sabay silang napatingin sa pwesto ko at sabay sabay ding naglakad. Pupuntahan nila ako? Waa. Di pwede. Op ako! Maganda sila, pangit ako.

Tumakbo ulit ako at bumungad sakin ang napakalaking bulkan. Bigla naman itong sumabog kaya napaupo ako sa kinaroroonan ko. Inangay ko ang ulo ko at isang babaeng nakaputi ang nakangiti sakin.

Inangat niya ang mukha ko at itinayo. Lumayo layo naman ako sakanya ng kaunti. Naramdaman kong my nabangga ako at paglingon ko nakita ko ang babaeng puno, babaeng tubig at babaeng hangin. Waa.

"Teka po. Di pa ako ready mamatay. Di pa ako handa. Pwede sa susunod nalang kasi magagalit na talaga si Zoren neto!" napatigil ako sa pagsasalita ng sabihin ko ang pangalan ni Zoren. Tch! Kasalanan niya to e. Baka habang nakapikit ako, tinapon niya sa ibang mundo.

Pare-parehas naman silang nagtataka ang mukha at sabay sabay din ngumiti. Weird ha!

"Bakit po ako nandito? At nasaan po ako?" tanong ko pa sakanila.

"Nasa Heirasha ka Aliyah" sagot sakin ng babaeng hangin. Ano daw, nasaan daw ako? H-Heirasha? Saan namang sulok ng mundo yun.

"Ah eh Bakit po ako nandito?" tanong ko pa sakanila. Diyos ko! Bat mo ko tinapat sa mga babaeng ito. Nawawala ang self-esteem ko. Parang pag nakikita ko sila, sobrang pangit ko. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung nag eexist ba ganitong mukha. Hays

"Aba! Malay namin sayo. Ikaw pumunta punta dito e!" sagot naman ng babaeng puno. Aba din. Makasagot to. Tch! *pout*

"Ikaw talaga Danaya napakasuwail mo!" saway sakanya ng my apoy sa ulo. Di ba siya napapaso? Hindi ba nasasaktan yung anit niya sa init?

"Narito ka Aliyah dahil sa kagustuhan mong malaman ang kapangyarihan mo. Tama ba ako?" sagot sakin ng babaeng hangin. Buti pa siya maayos sumagot. Di tulad ng Danaya na yun. Napalingon ako sakanya at sinimangutan ako. Aba!

"Hm. O-opo pero bakit dito ako dinala? Paano? Atsaka wala ako matandaang pumasok ako sa Porte. Isa pang tanong sino kayo?" sabi ko pa sakanila. Bago nila sagutin ang mga tanong ko. Nagpakilala sila sakin.

"Ako si Pirena." sabi pa ng babaeng my apoy sa ulo.

"Ako naman si Elena" sabi ng madaming perlas sa buhok. Napaka hinhin ng boses niya. Ang sarap pakinggan.

"Ako si Danaya" cold na sabi ng taong puno na yan! Nakakainis na siya ah!

"Ako naman si Amihan, Aliyah. Kami ang mga diwata na nangangalaga ng dyamante noon At kinagagalak naming makita kang harap harapan" ngumiti silang tatlo sakin habang si Danaya ay nakatingin lang sakin na nakapoker face.

Mga diwata sila? Di naman kaduda duda dahil ang gaganda nila.

"Dito ka dinala ng iyong kaluluwa upanf malaman ang kapangyarihang meron" patuloy pa ni Amihan.

Bigla naman nila akong hinawakan at pagdilat ko nasa ibang lugar na naman ako pero kasama ko ang apat na diwata. Paano kami napunta dito?

"Alam ko madaming tanong ang nasa isip mo ngayon, at masasagot mo rin lahat ng yan. Sa ngayon, kailangan mong malaman ang kapangyarihan mo." sabi ni Pirena sakin. Inalalayan niya ako papunta sa isang batong yelo. Nakikita ko ang sarili ko sa batong iyon.

"Pagmasdan mo ang sarili mo, Aliyah. Tahimik at simple lang ang nakikita nila sayo" patuloy pa niya. Hindi ba niya pwedeng sabihin, sexy at maganda ang meron ka.

"Napaka special ng iyong kapangyarihan Aliyah at Napakalakas"

"Ngunit!!" matigas na sabi niya. Napalingon ako sakanya ng nagtataka.

"Isa din napakadelikado kapag hindi mo inayos ang pag gamit neto" nagulat na lamang ako na batuhin ni Pirena ang batong yelo ng apoy hanggang sa lamunin ng apoy ang yelo.

"At dahil sa takot na nandyan sa puso mo, lumakas ang pagliyab ng apoy. Kaya mong palakasin at patayin ang kapangyarihan ng isang tao" sabi niya.

"Ganyan mangyayari sa madrinadia kung nagamit ka ng mga masasamang tao. Sa ngayon, Ang kapangyarihan mo ay mananatiling sikreto" at bigla silang apat nawala. Ang paligid ay naging puti hanggang sa mahilo ako at mawalan ng malay.

Naramdaman kong my tumutusok sa pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata at nakita ko si Zoren. Inilibot ko ag mata ko at nasa kwarto na ako.

"Okay kalang ba?" alalang sabi ni Zoren dahil sa tono ng boses niya.

"Anong nangyari sayo? At ang tagal mong natulog simula kaninang umaga." sabi pa niya. Lumingon ako sa bintana at mag gagabi na pala. Ganon ako katagal natulog?

Panaginip lang ba ang nangyari sakin kanina? Parang hindi e. Parang totoo! Hindi ako pwedeng magkamali. Lahat ng nangyari sa lugar na yon ay totoo.

Napalingon ako kay Zoren na nag aalala ngayon, si hada at baby liyah naman ay nakapatong sa tyan ko.

"Okay lang ako Zoren" sabi ko pa sakanya. Ngumiti naman siya at umalis na ng kwarto.

Ang kapangyarihan mo ay mananatiling sikreto

Masusunod mga diwata.


---

A/N: Sa wakas! Natapos ko ang chapter na ito! Jusko ilang araw din ako di nakapa mag update tama ba? Sorry na guys! Inasikaso ko lang ang school ko. Peace tayo

Ito na ang update ko! Basahin nyo na :* .

* simplegorgss

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora