Sinabi ko kay Ate Suzzane na sa friend ko nalang ako matutulog pero ang totoo kala Madge nga. 

(PAULIT ULIT.) 

"Gusto ko kasi talaga magkabalikan sila eh!" sinabi ko sa tatlong kaibigan ni Ate Suzzane (oo magsle-sleep over din sila) 

"Psh,ikaw ang dahilan ng paghihiwalay tapos ikaw din ang dahilan ng pagbabalikan. Nanloloko ka  ba?" sinabi ni Madge habang nililipat yung channel ng TV . 

"EXACTLY! Dahil nga napaisip ako na hindi naman talaga para kami ni Jarren sa isa't isa." sinabi ko pero nanood lang si Madge. 

"Tsss buti alam mo." 

Ngumiti nalang ako at yung tatlong kaibigan naman ni Suzzane pumayag. 

"Eh paano yan?" tinanog ni Ate Noreen. 

"Edi icheerup natin si Jarren! Sabihin natin manligaw ulit" then napatingin naman sakin si Madge pagkatapos kong magsalita. 

"Alam mo Coleen. Ang gulo mo. Napakagulo mo." sinabi niya at humiga at pinatay yung TV. 

"Huyy Madge! Kami pabor kami. Ikaw ba?" tanong ni Faye. 

"Oo na sige na." 

Then sabay sabay kaming sumigaw ng "Yes" at nagsalita naman si Khyla . 

"Oh pakisabihan si Ralph ah. Basta bukas kita nalang tayo sa MS Manila" at ayun humiga na kami at natulog. 

Eto na naman,naguumpisa na naman sila sa umpisa. (OH ANO DAW?) 

***********************************

"OO! basta dito sa office! Nandito na kasi yung magazine!" sinabi ni Rose kay Suzzane sa phone. 

Oo nga pala,may pasok na ngayon,pero dahil nga idedeliver na lang nila yung mga magazines sa iba't ibang book stores,pumasok sila (sumama na rin ako) ng maaga para ilagay ang mga magazines sa boxes .

Kasi dito namin sisimulan yung plano namin. Ikukulong namin sila sa cubicle ni Suzzane hanggang bukas. Bwahahaha. 

And may CCTV din dun na high tech na talagang maririnig namin ang pinaguusapan nila. 

Oo nga pala. Pagkarating kasi nila Suzzane aakitin nitong si Rose si Suzzane papuntang cubicle niya na parang may importanteng sasabihin,at pagkatapos nun biglang lalabas si Rose at tatawagin si Jarren para sabihin na pinatatawag siya ni Suzzane. 

Oo nga pala sinabi lang namin sa mga workers ni Suzzane ito,sila Madge kasi nasa trabaho din. Kaya kami ni Rose at ang mga workers ang nagtulung tulong sa plano. 

Maya-maya dumating na si Suzzane,at si Jarren wala pa rin,ako tawag ako ng tawag. At ang mabuti pa nga ay pagpasok ni Suzzane,iba aura niya.. Hindi na siya mataray at nginitian pa niya isa isa ang mga bumati sa kanya. At yung iba nagpapanggap na nagpapack ng boxes pero ang totoo niyan.. PAPALAPIT NA SI ROSE SA KANYA. 

"Mam Suzzane meron nga po palang nagsubmit sakin ng documents and.." pumasok na sila sa cubicle at di ko na narinig yung pinagusapan nila. 

Then ayun dumating na rin si Jarren at medyo matagal tagal din si Rose lumabas sa cubicle. 

Pinagpapawisan na ko,excited na ko! 

At ayun! LUMABAS NA SI ROSE. Inabot ko na ng patago ang posas na ilalagay niya sa mga kamay ni Jarren at Suzzane . BWAHAHAHA. (Ako ang may plano nun.) 

"Good luck" sinabi ko sa kanya at ayun pumasok na siya and then.... 

"WAAAHHH!" narinig kong may sumigaw at ako naman hawak ko kasi ang susi ng cubicle at bigla kong sinara ang pinto pero pagkasara ko bigla ulit may sumigaw. 

"ARRRAAAYY!" narinig ko ang sigaw ni Rose at nakita ko ang kamay niya na naipit. 

Binukas ko ang pinto at hinila si Rose at sinara ko agad ang pinto at si Ate Suzzane sumigaw naman . 

"HOY BUKSAN NIYO YUNG PINTO!" 

Then ako nagsorry naman ako kay Rose. 

"Langya ka!" sinabi ni Rose at ako naman hindi ko alam ang gagawin ko kung matatawa ba ko oh hindi.. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PERO ANG MAHALAGA? NAKULONG NAMIN SILA BWAHAHAHHA. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now