Chapter 43: All I ask

3.1K 86 24
                                    

Update again. Kahapon lang ako nag-update tapos heto na naman. Atat po akong matapos na ito para makapag focus na ako sa ibang stories. So, enjoy reading.

Rain's face and outfit on the multimedia.

RAIN'S POV:

Pagdating ng umaga ay kaagad akong nagbihis ng isang simpleng damit saka ako lumabas ng condo dala-dala ang bag ko. Nagpunta rin ako sa office para magpaalam kina Cheryl at Joyce.

Habang papunta doon ay nagmasid ako sa paligid at nakitang busy rin naman ang mga staff dito sa condo pero hindi ganun kaingay. Hindi ko na lamang pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa daan dahil malapit na ako sa pinto.

Pagbukas ay naabutan ko naman silang dalawa na busy sa kanilang mga ginagawa. I should be the one doing that pero hindi ko magawa-gawa dahil lang sa mga responsibidad ko sa buhay. Lalo na't may mga guso't pa akong kailangan tapusin.

"Guys?" Bungad ko sa kanila habang papasok ako. Nabaling naman ang tingin nila sakin saka ngumiti at napatigil sa kung ano mang ginagawa nila.

"Aalis ka na po ba, young lady?" Magalang na tanong ni Cheryl.

Ngumiti ako. "Kailangan dahil may klase pa ako at may kailangan pa akong gawin." Sagot ko dito. Lumapit naman sakin si Joyce at walang anu-ano'y niyakap ako nito at kumalas din maya-maya para makausap ako nito.

"Mag-iingat ka at sana maging maganda ang kalalabasan ng gagawin mo." Nakangiti siya habang sinasabi ito pero ramdam ko ang pangamba sa boses niya.

"I will, kayo din. Mag-iingat kayo, Joyce." Kumaway na lamang ako sa kanila saka naglakad na palabas.

Dali-dali naman akong umalis doon at pumunta sa airport. Sumakay ulit ako sa private airplane ko at mga ilang oras na naman ang haba ng byahe ko.

Sabi pala sakin ng doctor na bawal akong bumyahe pero kailangan eh. After all, hindi ko naman hahayaang masaktan ang anak ko. Siya nalang ngayon ang panghahawakan kong pag-asa.

Ilang weeks nalang at magkakaroon na rin pala ako ng maliit na baby bump. Kailangan ko nang magsuot palagi ng mga malalaking T-shirt nito para naman hindi masyadong mahalata. Hay, hindi kasi ngayon nakakatulong sakin ang sitwasyon ni Kyler. Ano na kaya nangyari dun? Sana naman okay lang siya.

Busy ako sa pag-iisip ng biglang magsalita ang stewardess na kasama ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. "Ma'am? Do you need anything?" Ngumiti pa ito sakin.

Napaisip naman ako at napagtantong mukha nga akong gutom. Bawal pa naman yun dahil may kasama na akong kumakain. "I want to have a pancakes with a gravy above it." Sagot ko sa walang ganang tono. Pagod po ako at buntis, paalala lang.

Medyo nag-iba ang timpla ng mukha nito. Na weirduhan siguro sakin pero hindi na lamang ito nagkomento pa na pinagpapasalamat ko dahil wala akong ganang magsalita ngayon. "Okay, ma'am." She replied at umalis na. Isinandal ko naman ang likod at ulo ko sa upuan para marelax ng kaunti habang hinihintay ang stewardess na bumalik.

Nang makabalik ito ay dala na niya ang pinapakuha ko, inilapag nito ang mga pagkain sa harapan ko at kaagad naman akong umayos ng upo saka ito kinain habang siya ay umalis na.

Pagkatapos kong kumain ay kaagad naman akong nagpahinga ng konti hanggang sa maglanding ang eroplano at kaagad akong bumaba saka pinuntahan ang kotse kong iniwan dito. Pumasok ako sa loob nun at tiningnan muna ang oras sa cellphone ko.

It was 6 o'clock in the morning at may oras pa ako para maghanda papunta sa school. Tamang-tama lang naman pala ang gising ko kanina.

Bumyahe na ako pabalik sa bahay saka ako bumaba para buksan ang gate at bumalik sa sasakyan ko para ipasok ito sa loob ng garahe.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now