Napatango kami.

“Sinabi ko naman kahapon na hihingi tayo ng tulong sa ibang red army na may sandatang kapareho sa inyo para mas ma-guide pa kayo sa training at maging accurate ang skills niyo. So, kasama ko ang ilang red army na tutulong sa akin na ma-train kayo.” Ipinakilala ni ma’am ang mga kasama niya.

Igrinupo kami ni ma’am base sa kung ano ang sandata namin at sa magiging pansamantalang trainer namin. Since pareho naman kami ni Agatha ng napiling sandata, magkagrupo kami. Napunta kami sa isang lalaki na ang buhok ay aabot sa balikat. Itinali niya ang ilang hibla ng kaniyang buhok lalo na sa part na napupunta sa kaniyang mukha. Sa tindig niya pa lang, nararamdaman ko na talagang maalam siya sa paggamit ng katana.

Sa pagsisimula namin, binigyan muna kami ng tig-iisang patpat na halos kasing haba ng mga katana namin. Ito ang gagamitin namin sa ngayon.

Tinuruan niya kami sa kung paano ang proper na paghawak ng katana at sinimulan sa pinaka-basic na pagwasiwas nito.

Tuloy-tuloy ang pagtuturo sa amin. May mga short breaks din namin kami sa pagsasanay.

Sa gitna ng pagtuturo sa amin ng kasalukuyang trainer namin, bigla kaming tinawag lahat ni ma’am.

Agad kaming lahat nag-form ng 10 lines at pumunta sa harapan namin si ma’am.

“Alas dose na. Paniguradong nagugutom na rin kayo,” ani ma’am. “Kumusta ang pagtuturo ng inyong trainer sa sandata?”

“Okay po, ma’am.”

“Enjoy na enjoy.”

Halatang natutuwa ang karamihan.

Napalingon ako bigla sa isang pintuan palabas ng training field. May lalaking nakatayo roon at… uh. Ayokong isipin na siya iyon. Pero nakikilala ko kasi siya lalo na’t siya lang ang nandito ngayon sa kanilang triplets. Lucian. Nakatingin siya sa deriksyon namin.

Ibinalik ko ang tingin at atensiyon ko kay ma’am. Ngunit ilang segundo lang, lumingon ulit ako kay Lucian ngunit saktong tumalikod na siya at umalis. Mabuti naman.

Napangiti si ma’am. “That’s good to hear. Mamayang ala-una ay magpapatuloy kayo sa pagkatuto. Sa ngayon, bago kayo mag-lunch, huminto muna kayo sa hall. Mukhang may anunsiyo ang ating commander.”

Sinunod namin si ma’am. Pumunta kami sa hall---doon sa kung saan dumadaan papunta sa training field. Pagkapasok namin sa loob, nandoon na ang commander ng Royal Army at si Commander Shin sa stage. Mukhang hinihintay kami.

"Students, I have a quick announcement for you," ani Commander Shin. "Pero batiin muna natin si Commander Hideo sa kanyang pagbisita sa atin ngayong araw."

"Hello po, Commander Hideo," halos sabay-sabay naming bati. Ngumiti naman ang commander.

"So, my announcement is: you can go back to EGA tomorrow. Lahat ng estudyante mula sa iba't ibang army ay babalik bukas sa EGA. And yes, naayos na ang academy," deritsong anunsiyo ni Commander Shin.

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi ng commander.

Nagbunyi naman ang iba kong kaklase. Mukhang namiss nila ang iba pang kaibigan nila. Napangiti naman ako dahil magkikita ulit kami ni Eunice. Miss ko na siya.

"So? Ano naman ngayon?" Rinig kong komento ni Agatha sa tabi ko. Nag-cross arms pa siya.

Pansin ko lang sa mga nakaraang araw na parang tumataray siya. Baka dahil sa training namin na nakakapagod kaya naaapektuhan ang mood niya. Or… Nah. Ayokong mag-isip.

"Yes! Yoohoo!" Napalingon naman ako sa may kanan ko. Si Ryoran.

“Nireport sa akin ng Ma’am Aurora niyo kanina ang progress ng training niyo rito. Ako’y natutuwa sa inyo. Ipagpapatuloy mamayang ala-una ang training niyo hanggang alas-tres para kahit papaano ay maituro pa ang ilan pang pinaka-basic na paggamit ng sandata sa inyo. Siguro ay sapat na iyon para makapagpahinga kayo. At bukas ng umaga ay aalis na kayo pabalik sa EGA.”

Napapalakpak ang ilan kong kaklase habang nakangiti. Halatang natutuwa sila sa balita ngayong araw.

"Makakasama niyo si Lieutenant Lorenzo bukas pabalik sa EGA. Hindi ko kayo masasamahan dahil may pagpupulong kaming mga commander sa Elemental Army Main Campus," ani commander. “Oras na para sa tanghalian ninyo kaya sige na. Kumain na kayo para makapagsimula kayo agad mamayang ala-una sa training niyo.”

Agad naman kaming nagsi-alis sa hall.

Nang malapit na kami sa pinto, nakita ko si Lucian. Nakatayo sa may pinto at ang malala, nakatingin sa akin. Hindi ako lumingon sa kaniya nang dumaan ako sa harapan niya. Halos hindi pa nga ako huminga e. Bahala siya dun. Hindi kami close.

“Siya ba yung sinasabing isa pang kambal ni Lucas na nasa Royal Army?” Pabulong na tanong ni Agatha sa akin nang makalampas kami kay Lucian.

Tumango ako. “Oo. Si Lucian.”

“Ow. Magkamukhang-kamukha talaga sila. Pati na si Lucius. Magkakamukha talaga silang tatlo.”

Tumango lang ako. Ayokong pag-usapan namin sila.

Basta bukas, babalik na kami ng EGA---iyon ang mahalaga sa ngayon. Isa't kalahating buwan na ang huling pagkikita namin ni Eunice at dun yun sa EGA.

Excited na ako.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon