Chapter Eighteen

23.4K 601 61
                                    

"IT WAS a love that never was," sabi ni Mirinda kina Lala at Faye. Lunch break nila at desk niya ang ginawa nilang dining table.

Natawa si Faye sa sinabi niya.

"Ganyan talaga kapag bigo, nagiging makata," sabi naman ni Lala. "'Tapos, feeling mo, lahat ng love songs ay ginawa para sa iyo."

"Amen," aniya. Mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula noong mangyari ang eksena sa silid ni Mack. Siyempre, kinaumagahan, pagkatapos niyon ay umasa siya na mag-uusap sila ng lalaki, na magkakalinawan sa lahat. Pero taliwas ang nangyari. Ang hudyo, nang magising siya ay wala na sa bahay.

At hindi na niya uli ito nakita. Ni hindi man lang nito naisipang kumustahin siya. Si Beka, madalas ngang tumawag at mag-text, pero wala naman siyang mapulot na ikakikilig man lang niya. Parang ayaw rin nito na mapag-usapan ang kapatid.

Talaga sigurong wala siyang pag-asa.

That was why it was a love that never was.

"At ang hirap tanggapin," dagdag pa ni Lala. "Ang hirap tanggapin na hindi ka mahal ng mahal mo. Ang sakit dito," anitong sinapo pa ang dibdib. "At ang sakit sa pride. Gusto mong magwala. Gusto mong gumanti, para maramdaman din niya ang sakit na idinulot niya sa 'yo."

"Amen," ulit niya.

"Sabagay," sabad naman ni Faye. "No'ng nag-break kami ni Tomas, pinadalhan ko siya ng patay na daga sa kanila sa galit ko." Ang tinutukoy nito ay ang first boyfriend nito back in high school na naikuwento na rin sa kanila.

Ewan ni Mirinda kung nananadya ang dalawa. Ang alam lang niya, talab na talab sa kanya ang mga sinasabi ng mga ito. May mga sandali na ngitngit na ngitngit siya kay Mack. Pakiramdam niya ay pinaasa siya nito. Inuto. Pinaamin siya na may gusto siya rito pagkatapos, ano? Malamang, pinagtatawanan na siya ngayon nito.

Akala niya, siya ang nakauto. Ngunit siya pala ang naisahan ng hudyo. Walanghiya talaga.

"Pero mahalaga ang anger para maka-recover sa broken heart," sabi pa ni all-knowing Lala. "Kasali 'yon sa healing process."

"Gano'n?" aniya.

"Oo."

"I see."


"SIR?"

Mula sa pinag-aaralang designs ng pillowcases ay nag-angat ng paningin si Mack. "O, Efren!" May dala-dala itong bouquet of red roses na nagpakaba na agad sa kanya.

"Para ho sa inyo ito." Ibinaba nito sa desk niya ang bouquet.

"Thanks."

Nagpaalam na ito. Ilang segundo ang lumipas pagkalabas nito ay saka siya nagkalakas ng loob na basahin ang nakasulat sa card na kasama ng bouquet.

Roses are red, violets are blue, when I flush the toilet, I think of you!

Mirinda

Napailing siya ngunit nakangiti. Inabot niya ang telepono habang nakatitig pa rin sa note. "Yes, pasuyo kay Beka," aniya sa sumagot. Hindi nagtagal ay kausap na niya ang kapatid at sinabi rito ang pakay niya.

"YES?" SAGOT ni Mirinda sa telepono. Nag-uumpisa na silang mag-pack up dahil quarter to five na. Ayaw na sana niyang sagutin ang telepono, kaso, hindi rin magkukusa ang mga kasama niya. Isa pa, kanya lang talaga ang linyang iyon. Ibig sabihin, siya talaga ang pakay ng caller.

"Must you insult me to get my attention?"

"M-Mack?" mahinang sabi niya.

"You are a very impatient lady. Almost childlike in your impatience."

"Puwede ba, tantanan mo ako ng mga linya mong ganyan?" pagtataray niya. After all, galit nga pala siya sa hudas na ito kaya pinadalhan niya ng roses na pang-asar.

"I was taking care of urgent matters because I'm taking a vacation," sabi nito.

"So what? Magbakasyon ka sa buwan kung gusto mo!" Lalong sumama ang loob niya. Talagang walang pakialam sa kanya ang walanghiya, nagbabalak pang magbakasyon. Magpasarap! Nasa tabi niya sina Lala at Faye, naghahagikgikan at nagbubulungan. "Sshh!" saway niya sa dalawa.

"Sad to say, I can't afford a trip to the moon. Yet. Any other ideas?"

"Bangag ka ba?" singhal ni Mirinda, samantalang hindi niya napigilan si Faye na pindutin ang speakerphone.

Mack chuckled at dinig iyon sa buong opisina, may echo pa. "I am hooked. I never really had a chance, you know?"

"Baliw! Luku-luko!" pagtutungayaw niya rito pero hindi naman niya magawang ibagsak ang telepono.

"Is that the way you show your love? In that case, I guess I should get used to it."

Tumili ang dalawang bruhilda sa paligid niya.

"Ano 'kamo?" Napatingin siya sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa si Mack, grinning, cellphone on hand, ang isang kamay nito ay nasa likod.

Lalong tumili sina Faye at Lala.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" aniya sa telepono ngunit kay Mack nakatingin. Kaya pala may echo, nasa malapit lang ang hudyo!

Ibinulsa ni Mack ang cellphone, kasunod ay inilabas nito ang isang kamay. May tangan iyong isang bungkos na white roses kaya alam niyang hindi iyon ang galing sa kanya. He went to where she was seated.

"Lahat ng ginagawa ko sa buhay ko, nakaprograma," sabi nito. "Hindi ako gumagawa ng dalawang bagay sa isang pagkakataon. Nasisira ang focus ko. Kailangan ko munang tapusin lahat ng trabaho ko para sa buwang ito bago ko maasikaso ang tungkol sa ating dalawa.

"Masyado kang mainipin, sinisira mo ang programa ko." He handed her the roses. "For you."

"Bakit?" tanong niya.

"Gaga!" Si Faye. "Bakit ka pa riyan!"

"Hindi ka naman santa para alayan ng bulaklak. Ibig sabihin, loves ka rin niya. Huwag ka nang magpakipot, hindi bagay," sabi naman ni Lala.

Nginisihan ni Mack ang mga ito. "Very perceptive individuals. 'Would make good bridesmaids, I believe."

Napailing ang dalawa. "'Laki ng topak nito," sabi ng mga ito kay Mack dahil sa paraan nito ng pagsasalita na hindi nila malaman kung sinasadya o ganoon talaga ito. Pagkatapos ay nagkatinginan ang dalawa, at sabay na tumingin sa kanya. "Bridesmaids!" tili ng mga ito.

"Sino'ng ikakasal?" tanong ni Mirinda. Maybe she knew the answer and she was just afraid to acknowledge it. It was too overwhelming. Or maybe she was just plain stupid.

"I believe, us," sabi ni Mack.

"Tayo? Kanino?" There, stupid indeed.

Tinuktukan siya ni Lala sa bumbunan. "Pakipot ka pa. I do, I do na agad. Baka masilat pa!" sabi nito.

A COUPLE of months later, nakasuot na si Mirinda ng wedding dress, napapaligiran ng bridesmaids at flower girls, may dalang bouquet at nakabelo, naglalakad sa saliw ng "Wedding March." Hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal siya kay Efimaco.

Until she said, "I do."

Wakas

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Where stories live. Discover now