Chapter Fifteen

13.5K 300 4
                                    

TAHIMIK lang si Mack na nakaupo sa isang sulok ng set na actually ay storeroom. Inilabas muna niya ang mga nakalagay roon at ginayakan iyon ng set designer na parang bedroom.

He couldn't take his eyes off the model. Masunurin ito sa photographer, walang reklamo, parang professional.

And she was beautiful.

Nakapagpalit na naman ito ng costume. This time, a white nightdress. Medyo manipis iyon para ipakita na sexy ang "maybahay" pero hindi naman aninag ang katawan. Mayroon ding lace sa neckline niyon na hugis-V, pati sa manggas.

She was reclining on the bed, touching the fabric of the bedsheet, looking so contented and comfortable.

Pagkatapos itong kuhanan nang ilang beses, tinawag na ang papapel na husband—si Henry, ang assistant manager na noong kabataan ay nakasali sa That's Entertainment. Ngayon, pamilyado na ang lalaki at hindi na kailangang umarte para magmukhang family man. Still, he retained his good looks. Lalo pang gumuwapo ito nang mag-mature.

Naka-pajamas ang lalaki. Inutusan ito ng photographer na sumampa sa kama at sumandal sa mga unan sa headboard. Pinatabi si Mirinda rito. Inakbayan naman ito ng lalaki, pagkatapos ay pinahilig ng litratista ang ulo nito kay Henry. Ipinahawak din dito ang remote control ng TV at ini-adjust nito ang lighting.

Mukhang happily married ang dalawa.

For some reason, Mack became uncomfortable. It looked so real. Like his two models were really married. At kung siya ang titingin sa larawang resulta niyon, hindi malayong ma-imagine pa niya kung gaano kasaya ang sex life ng "mag-asawa."

Something gnawed at his heart at the thought. It was akin to feeling hungry and wanting so much to fill himself up, but there was nothing to feast on. Gutom na walang makain.

The feeling of emptiness was so strong that he had to get out of the room.

"MAGPAPALIT lang ako," paalam ni Mirinda kay Beka nang matapos ang bed scene niya at mag-break ang shoot for a quick dinner.

Nagpa-cater si Mack para sa kanilang lahat. Nagsimula ang shoot nang alas-sais, pasado alas-otso pa lang. It went remarkably fast, ayon kay Beka, dahil daw mahusay siya.

"Huwag na. Ganyan ka na lang," bulong nito sa kanya. "Para makita ni Kuya kung gaano ka ka-sexy."

She was still wearing the white nightdress na hindi man kagaya ng isinusuot ng mga sexy star ay nakaka-sexy pa rin, hindi lang ng hitsura kundi pati pakiramdam. Because it felt so comfortable, she seemed contented.

And she realized, kapag ganoon pala kakontento ang pakiramdam, one felt so beautiful. At kung talagang may asawa na siya at ganoon ang mararamdaman niya araw-araw, hindi na siya mahihiya na yakapin at paliguan ng halik ang kanyang asawa. Pagkatapos, ang kama pa nila ay masarap higaan. Sa tingin pa lang sa bedsheets ay parang nag-aanyaya na dahil masarap sa mata ang kulay niyon.

"Okay lang sana kung kuya mo lang ang makakakita, kaso, hindi lang naman siya ang lalaki rito," angal ni Mirinda.

"Dito ka na lang, dadalhan kita ng food, 'tapos ay yayayain ko si Kuya rito. Galingan mo ang pag-project. Kunwari, may camera pa rin. Titig na titig nga sa iyo si Kuya kanina."

"Alam ko," aniya na may kasamang kilig. Hindi naman siya sa camera nagpo-project kanina, kay Mack mismo, dahil alam niyang nakatingin ito sa kanya at hindi kumukurap.

Ang sarap isipin na naaakit na sa kanya ang lalaki.

Iniwan siya ni Beka. Pagbalik nito, kasama na nga ang kapatid. Sa coffee table set sa isang sulok ng set siya nakapuwesto. Dalawa lang naman ang silya at si Mack ang pinaupo ni Beka sa bakante. Nagdahilan kasi si Beka na kukuha ng soft drinks.

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Where stories live. Discover now