Chapter Sixteen

14.2K 321 6
                                    

"BEKA! Ano ba? Bilisan mo!" Sapo-sapo ni Mirinda ang puson dahil ihing-ihi na siya. Ang walang konsiderasyon niyang kaibigan, inunahan pa siya sa banyo gayong ito naman ang may-ari ng bahay. Ang masaklap pa, nagbanyo ito hindi para umihi lang. Maliligo ang malandi!

"Dapat ako ang pinauna mo, eh! Papasok na 'ko, pleeease!" Kinalampag niya ang pinto ng banyo.

"Mirinda!"

Napalingon siya sa boses ni Mack.

"You can use the bathroom in my room," sabi nito.

Oo nga pala! Hindi agad niya naalala na may banyo sa silid ni Mack. At gets na niya kung bakit inunahan siya ni Beka. Isa na naman iyon sa mga ploys para magkalapit sila ni Mack.

At gusto na niyang mangamba. Sobra-sobra naman yata ang desire ni Beka na mahulog ang kapatid nito sa bitag. Ganoon na ba ito kaseryoso sa Matthew na iyon?

Baka nagbabalak nang pakasal ang kaibigan niya.

Baka may nangyari na sa dalawa at buntis na si Rebecca.

Ohmigosh!

"Okay lang?" aniya kay Mack. Nakapagpalit na ito ng damit—shorts at T-shirt na may logo ng BedMates.

He nodded.

"Salamat. Tuloy na ako." Kumaripas si Mirinda ng takbo papasok sa silid nito, diretso sa banyo.

Nang matapos ang sadya roon ay saka niya napag-ukulan ng pansin ang paligid—blue tiles; white sink; pati ang inuupuan niyang trono, puti at malinis na malinis, parang bago. Hinawi niya ang kurtina sa shower area, puti rin ang bathtub doon—dry and clean and shiny.

Mahihirapan ang mapapangasawa ng hudyo, sa loob-loob niya. Walang maid sina Beka. Ibig sabihin, si Mack ang naglilinis ng lahat dahil señorita ang drama ng kapatid nito.

Nanay ko!

Average lang ang house maintenance ability niya dahil may mama naman siya na nangangasiwa ng mga ganoong bagay sa kanila. Kaya hindi niya masyadong na-master iyon.

Samantalang si Mack, scholar.

Tumayo siya at inayos ang sarili. Lumabas agad siya ng banyo, pero hindi ng silid. Iginala niya ang paningin sa kabuuan niyon. Malinis din iyon. The mattress on the floor was made and neat, nag-aanyaya sa pagod na katawan. The lighting was soft, mamula-mula, giving the room a cozy feel.

Sa isang panig ng dingding ay may mga nakasabit na black and white photographs sa wooden frames. They were arranged artistically. It was hard not to be drawn to them kaya nilapitan niya ang mga iyon.

Sa pinakagitna ng arrangements ay may isang malaking frame. Larawan iyon ng isang lalaki at isang babae, medium close-up. Sa istilo ng mga buhok ng mga ito ay masasabi niyang kuha pa iyon noong seventies. They were probably their parents.

Ang lalaki ay kahawig ni Beka. Sa nanay pala nakuha ni Mack ang good looks. Mukhang beauty queen ang nanay ng magkapatid.

Ang mga nakapalibot namang larawan doon ay mga family pictures, Beka and Mack when they were kids. Kahit noong bata pa lang si Mack ay mukha na palang istrikto. But they seemed a happy bunch, the Estornino family.

Ang lungkot nga siguro nang maulila ang dalawa. Gumapang ang kilabot sa mga braso ni Mirinda. Hindi niya ma-imagine ang mangyayari sa kanya kung sa pamilya niya iyon nangyari—ang mawalan ng mga magulang.

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя