Chapter Six

13.8K 297 26
                                    

SINILIP ni Mirinda ang kuya ni Beka sa gate. Gatuldok na lang ito sa kanyang paningin.

Ang bilis maglakad, sa isip-isip niya. Sabagay, kung ganoon kahaba at kamaskulado ang mga hita at mga binti niya, siguro, mabilis din siyang maglakad.

Pumasok siya sa bahay, dumiretso sa silid ni Beka at sumigaw nang malakas. "Hoy, magsigising kayo! May sunog!"

Sabay-sabay na bumalikwas ang tatlo.

"Mga buwisit kayo, tinulugan n'yo ako! Pinabayaan n'yo ako sa kalaban!" talak niya, nakapamaywang.

"Kanina pa kami gising, hindi lang kami lumabas," ani Lala.

Sumang-ayon si Faye. "Dinig namin na nag-away kayo ng kuya ni Beka."

"Kaya hindi kami lumabas. Kayang-kaya mo naman," sabi ni Beka.

"Mga buwisit! Narinig n'yo ba ang sinabi sa akin? Huwag na raw akong magpapakita sa kanya!" Sinalo niya ang baba. "Itong ganda ng pagmumukha kong ito, ayaw na niyang makita?"

Humagikgik ang tatlo.

"Nasaan na si Kuya? Umalis na?" tanong ni Beka.

"Oo, at pinalalayas na rin kami."

Tumawa uli ito. "May narinig pa nga akong kuwago. Sinabihan mong kuwago si Kuya?"

"Talaga namang kuwago siya. May kasabihan nga: 'Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago?'"

"Isanla sa bangko!" dugtong ni Faye at bumaba mula sa kama. "Nagugutom na ako."

"At 'yan pa!" pakli agad ni Mirinda. "Ni hindi ba naman ako inalok na magkape o mag-almusal? Ang bangiiiisss!"

"Ano'ng ginawa mo?" Si Lala.

"Di nagkusa. Magalit siya hanggang gusto niya. Basta ako, kakain kapag gutom."

"Tiyak, sesermunan na naman ako n'on mamaya," sabi ni Beka at nagyayang lumabas. Sumunod silang tatlo. "Hoy, kanya-kanya tayong timpla ng kape at kayo na ang maghain. Kanya-kanya ring hugas, walang maid dito, señorita lang."

"'Kainis ka namang bisitahin, hindi ka man lang magsilbi," ani Faye.

"Cowboy naman kayo, ah! Si Mirinda nga, solved na."

"May dessert pang sermon."

Nagsikuha ng kanya-kanyang plato ang tatlo. Kanya-kanyang timpla rin sila ng kape o gatas. Mirinda joined them at the table.

"Naloka ako sa kuya mo, Beka," sabi niya. "I mean, marami na rin naman akong nakaengkuwentro na antipatiko, pero walang kapantay ang kuya mo. As in mas taklesa pa siya kaysa kay Kris. Brutal ang bibig. Hindi siya gentleman. 'Kainis siya! Sayang ang kaguwapuhan niya."

"Oo nga." Si Faye. "Pero ang guwapo niya talaga, Beka. Ba't sabi mo, mukhang nerd at pastor?"

"Eh, sa 'yon ang tingin ko sa kanya, eh," pangangatwiran naman nito.

"Bakit ikaw, hindi kagandahan, ang kuya mo, sobra sa kaguwapuhan?" biro naman ni Lala.

"Excuse me!" sigaw ni Beka. "Nagsalita ang ubod ng ganda, wala namang balakang!"

"Ilang taon na ang kuya mo, ate?" tanong ni Faye.

"Thirty-four, magte-thirty-five na."

"Ayaw pa niyang mag-asawa? May jowa?"

Iling lang ang tugon ni Beka dahil puno ng tocino ang bibig.

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Where stories live. Discover now