Chapter Twelve

12.2K 299 3
                                    

"SI MARYBETH nga pala," pakilala ni Beka sa kasama. "Marybeth, si Lala, si Faye at si Mirinda. Siya 'yong ikinukuwento ko sa 'yo na nakabasag ng Buddha ni Kuya," dagdag nito na si Mirinda ang tinutukoy.

"Kumusta ka, Marybeth?" bati ni Mirinda sa babae.

Short and fat ang babae pero cute ang mukha at tipong kagaya rin nila ang disposisyon.

Nasa Glorietta sila. Doon nila kinatagpo si Beka nang tumawag ito sa kanya. Tinawagan niya sina Lala at Faye na pumayag namang mag-detour, from going home to going to Glorietta.

"Isinama ko si Marybeth para hindi makahalata si Kuya. Don't worry, guys, cowboy rin ito," sabi pa ni Beka. "Nakausap mo ba si Kuya?" tanong nito sa kanya.

Sa loob ng limang minuto, ikinuwento ni Mirinda sa lahat ang nangyari. Walang nag-interrupt. Nagtawanan lang ang mga ito pagkatapos niyang magkuwento.

"Lagot ka lalo, pero okay 'yon na ipinagkalat mo na girlfriend ka niya," ani Beka.

"Paano naging okay? At saka, bruhilda ka, bakit parang hindi alam ng kuya mo na ako ang nakabasag ng Buddha? Gulat na gulat siya nang sabihin ko iyon."

"Sorry," paumanhin ni Beka.

"Bakit?" sabay na tanong nina Lala at Faye.

"Kasi, sa kagustuhan kong mabawasan na ang galit sa inyo ni Kuya, inako ko ang kasalanan mo, Mirinda. Sinabi kong ako ang nakabasag kay Buddha no'ng mapansin niya iyon."

"Walanghiya ka!" sigaw niya. "Pinag-sorry mo pa ako, gumastos pa ako para sa bulaklak at ensaymada, 'yon pala, hindi naman kailangan!"

"Kaya nga, sorry, eh."

"Eh, bakit mo pa ako pinapunta ro'n?"

"Alam n'yo kasi..." Dinukot ni Beka ang wallet sa bag at iniladlad iyon. May picture doon ng isang guwapong nilalang.

"Ang baduy mo, Beka," komento ni Faye. "Naglalagay ka ng picture ng artista sa wallet mo?"

"Yucks!" Si Lala.

"Excuse me, hindi siya artista. Siya si Matthew," ani Beka.

"Brother ko," proud namang sabi ni Marybeth.

Inagaw ni Faye ang wallet ni Beka. "Kapatid mo? Kamukha ni Jericho Rosales?" Pinakatitigan nito nang husto ang picture. Nakititig naman si Mirinda roon. Kamukha nga ng actor ang lalaki sa picture. "Akin na lang. Hipag na kita, Marybeth."

"Hoy, finders keepers!" Si Beka, inagaw uli ang sariling wallet. "Matthew is mine. Itanong n'yo pa kay Marybeth." Humilig ito sa balikat ng babae. "Kami ang magiging maghipag-to-be."

"Ows?" Si Lala. "Jowa mo na ba?"

"Oo naman!" pagmamalaki pa ni Beka.

"Ha?" tanging nasabi ni Mirinda.

"What?" Sina Lala at Faye.

"Kailan pa?" Si Faye.

"Fifty-two hours ago."

"Ang bilis naman! Niligawan ka ba o ikaw ang nanligaw?" tanong ni Mirinda.

"Hindi na kailangan ng ligawan. The feeling is mutual. Sa una pa lang naming pagkikita, naramdaman na namin na love namin ang isa't isa."

"Luka-luka!" Inambaan niya ito ng tinidor, pagkatapos ay binalingan niya si Marybeth. "Huwag namang ikasasama ng loob mo, pero seryoso ba ang kapatid mo rito sa babaeng ito?" Dinuro uli niya ng tinidor si Beka.

"As far as I'm concerned, oo. Kasi, dalawa lang kami ni Matthew. Twins kami actually at sinasabi niya sa akin lahat-lahat. At nararamdaman ko na mahal nga niya si Beka."

"Gano'n?" ani Lala.

"Teka muna!" awat ni Mirinda. "Nagkakalimutan tayo. Oo na. Granting na nagmamahalan kayo ng Matthew na 'yan, ano naman ang kinalaman niyan sa pagsisinungaling mo sa akin, bruhilda?" aniya kay Beka.

Nagngising-aso ito. "Hindi kasi ako puwedeng mag-boyfriend hangga't hindi pa nag-aasawa si Kuya."

"So?" Pinandilatan niya ito.

"Baka 'kako..." Humigop ito ng milk shake. "Kung magkakaharap uli kayo ni Kuya at magkakasundo, eh, maging kayo. Nang sa gano'n, maamin na namin ni Matt kay Kuya ang relasyon namin. Hindi na kami magtatago at tatakas."

"What did you say?" tanong niya. "Ako, iduduldol mo sa kuya mo? Ako, inaasam mong maging asawa niya para maging malaya ang relasyon n'yo ni Matthew na 'yan? At my expense?"

"Big catch naman si Kuya, ah."

"So what? He's a beast!"

"Beauty ka naman. Kung ako sa 'yo, akitin mo na lang si Kuya. Hindi ka lugi ro'n. Maraming pera 'yon. At saka bukod sa guwapo, well-endowed din. Gusto mong i-drawing ko ang actual shape and size?"

"Sige!" Si Faye.

Tinuktukan ito ni Mirinda. "Tanga!"

"Akitin mo na nga, Mirinda. Para masaya!" Si Lala.

Inismiran niya ang mga kaibigan.

Ngunit hindi siya tinantanan ng mga ito sa pamimilit. Panay ang tawanan ng mga ito habang nagsa-suggest ng kung anu-anong paraan para maakit si Mack. Hanggang nang bandang huli ay nakitawa na rin siya at nakisakay. She realized it wasn't a bad idea after all.

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora