Siguro kung sa kanilang magkakapatid nangyari iyon ay tiyak na tuluyan nang napariwara ang bunso nilang si Miguel.

Pero si Mack, imbes na ma-depress, naging matatag. Inako nito ang responsibilidad kay Beka and he did a great job.

May narinig siyang umubo sa may pinto. Si Mack.

"It's late. Matulog ka na," sabi nito.

"O-oo. Na-curious lang ako rito sa mga pictures," aniya.

He nodded.

Lalabas na sana siya nang maisipan niyang sabihin muna kay Mack ang nasa isip.

"Saan man naroroon ngayon ang parents n'yo ni Beka, I'm sure masayang-masaya sila dahil maayos ang buhay n'yo ngayon. Proud siguro sila sa iyo."

Hindi agad ito nakaimik. Ramdam niyang na-touch ito.

"Thanks," he murmured.

"Goodnight."

"Goodnight." And he smiled at her—the very first smile from him.

Pakiramdam niya ay bigla siyang lumutang sa alapaap.

Papasok na siya sa silid ni Beka nang eksakto namang palabas ito ng banyo. But she ignored her friend. Dumiretso siya sa loob, naupo sa kama at tumingala.

"Hoy!" Winisikan siya ni Beka ng tubig galing sa buhok nito.

"Ang tagal mo namang maligo," aniya.

"Nagkausap naman kayo ni Kuya. Ayaw mo n'on?" Naupo ito sa harap ng tokador at sinimulan ang beauty ritual.

"Seryoso ka ba, Beka?" tanong niya.

"Saan?"

"Na akitin ko ang kuya mo."

"Oo naman. Aabot ba tayo sa ganito kung hindi?"

"You mean to say, payag kang maging hipag mo ako kung saka-sakali?"

Natawa ito. "Why not?"

"Hindi ako mabait, Beka. I mean, I'm not that bad. Kaya lang, minsan, tinotopak ako. Tatanggapin mo pa rin ba ako?"

Pumihit ito sa upuan. "Tama ba ang naririnig ko, Mirinda?"

"What?"

"Ikaw. Ang mga sinasabi mo. Are you falling for my brother?"

Hindi siya makaimik.

"Ano?" anito.

Kinagat ni Mirinda ang ibabang labi. She would do that when she was tense. "N-naisip ko lang kung gaano kagaling ang kuya mo. I mean, parang naiintindihan ko na kung bakit mahigpit siya sa 'yo. Ayaw lang siguro niyang masayang ang mga pinaghirapan niya dahil talagang naghirap siya para marating ang ganito.

"Hindi naman biro ang tumayong magulang mo, 'di ba? 'Tapos, nakapagtapos siya ng pag-aaral, pati ikaw, pinagtapos niya. Hindi ka niya ginutom. Hindi kayo nagmukhang kawawa kahit ulila na kayo. 'Tapos, disiplinado siyang tao, walang bisyo. Hindi siya mayabang. Akala ko lang dati ay mayabang siya dahil sinungitan ako."

"So, crush mo na si Kuya?" nakangising tanong nito.

"Hanga lang ako sa kanya."

"'Yon na rin 'yon, gaga. Huwag kang mag-alala, tatanggapin kitang hipag kahit marami kang topak. Ilalakad pa kita."

"Ano ba ang type niya sa isang babae?" tanong niya na nagpangisi na naman kay Beka.

"Hindi ko alam. Sa kanya mo itanong," sagot nito. "Wala naman akong alam na naging girlfriend niya. Pero hindi ibig sabihin n'on ay wala. Hindi lang siguro niya ipinakilala sa akin dahil hindi pa seryoso ang relasyon."

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Where stories live. Discover now