[11]I am Famous part 1[11]

1.2K 68 4
                                    

Tartarus Prison Arc 7: I am Famous part 1

•Engine/Jackal•

Mag-profile picture na lantad ang malalaking boobs. Mag-propose sa harapan ng maraming tao tapos NO ang sagot ng babae. Sumayaw ng Budots after kang tanungin na 'Taga saan ka?' tapos video then post sa FB o YouTube. Ilan lang 'yan sa mga bagay na pwede mong gawin para maging famous. Dapat mo lang kunin ang atensyon ng mga audience at sikaping wag iwaksi sa isipan nila ang palabas mo.

Conquering the Black Palace is our main goal. Nasa harapan na kami ng Black Forest at sa kaloob-looban nito ay matatagpuan ang Black Palace. I know na gasgas na ang mga pangalan na yan kaso wala akong paki, problema na yun sa mga may problema sa pangalan ng lugar.

I formed a strong team, the soon to be the strongest team. Me the Emperor Pig owner, Lokal as of now my strongest tentacle(in my own opinion) and of course the owner of Emperor Cheetah, Sky the greatest spy, the three members of ManYuckKiss and two members of Skyheaven named as Reya and the monkey one, Phoenix.

"Lets do this," wika ni PoohKey sabay tulak sa isang malaking pintuan sa harapan namin. Gaya ng nauna naming punta rito ni Lokal, madilim-sobrang dilim ng paligid. Yung iba nga naming kakampi ay panay tanong kung nasaan na kami, tanging ako, si Lokal at si Split na siyang kapatid ko lang ang may nakikita ng kaunti. Kaming tatlo lang kasi ang may class na assassin na biniyayaan ng skill na night vision. Mabuti na lang at walang umatake sa aming mobs or wala talagang mobs sa lugar na 'to.

Bumungad sa amin ang sobrang dilim na kapaligiran. Kung tama ang hinala ko ay isang maliit na kwarto ito at meroong kakaiba rin dito. Wala akong nakikitang ibang nilalang rito o sadyang di ko lang talaga makita sila sa sobrang kadiliman kaso nararamdaman ko ang presensiya nila, marami silang nakatingin sa amin. Parang mga agila na hinihintay na makapasok sa loob ang mga sisiw upang makain.

"Nararamdaman niyo ba sila?" Lokal asked seriously at agad na nilabas niya ang kanyang katana.

"Yeah, we're surrounded." Split answered.

"Sinong sila?" Takang tanong ni PoohKey at mukhang wala ring alam si Reya. Sabagay, mahina ang pandama ng mga mages.

"Reya and PoohKey, may buffs ba kayo na kayang palinawin ang mga mata natin? To see clearer in this dark place?" Agad na tanong ni Sky. Muntikan ko ng makalimutang kailangan nga pala namin ng buffs.


"Yan lang pala eh," pagmamayabang ni Reya tsaka niya itinaas ang kanyang wand. Parang wand lang ng mga wizards sa Harry Potter na movie. "God's Eyes!"

Nagulat ako-kami sa mga sumunod na nangyari. Parang biglaang may lumabas na liwanag at nakita namin ng mabuti ang paligid. Dahil sa buff na yun ay parang biglaang lumiwanag sa paligid. Nakakamangha.

"Two hours lang ang itatagal ng buff na yan kaya dapat nating magmadali." Reya said.

Dahil sa sinabi niyang yun ay agad kaming pumasok sa loob at gaya ng isang gasgas na plot ay agad na sumarado ang pinto. Tsaka may lumitaw sa mga VS namin.

Dark Palace(Ground Floor 0/10)
Objectives: Defeat all the Wing Man and answer their logic.

Logic? Huh, this place is interesting.

"Wing Man? Wala naman atang ganun?" Naguguluhang tanong ni PoohKey. Agad niyang inangat ang ulo niya at naghanap ng mga lumilipad na nilalang sa kisame kaso wala siyang nakita, wala kaming nakita. Nagulat kami sa sumunod na nangyari. Gumalaw ang mga kisama, literal na gumalaw. Parang may mga buhay ito at kasunod nito ay biglaang natanggal ang mga ito at lumipad? Teka, di mga pader ang gumalaw kundi ang mga nilalang na nakadikit sa pader. Kanina lang pala sila naka-camouflage doon at hinantay oang kaming makapasok. Gaya ng inaasaha ay napakarami nila.

World of Gods OnlineWhere stories live. Discover now