[2]New School New Game[2]

2K 89 4
                                    

REYA

"Eya, sabay na tayong maglakad," sabi ni Brynx habang tumatakbo palapit sa akin. He's my best fried since we were just kids until now na siyang ikinainis ko. Gusto ko kasi siya hindi bilang kaibigan but further more than that. Kaso ayaw ko namang mag-confess ng feelings ko para sa kanya, baka kasi masira ang pagkakaibigan namin.

"Musta tulog ng BF ko?" Tanong ko sa kanya. BF stands for Best Friend but iba ang gusto kong maging meaning nun. BF as in BoyFriend sana. Marami ang nag-aakala na in a relationship na kami kaso maling akala ang mga 'yon. Maling akala na araw-araw ay hinihiling ko na sana'y maging katutuhanan na.

"Ok lang naman BF ko. Eh yung sayo?"

"Ok na okay," nakangiti kong sabi sa kanya. Paanong hindi magiging okay eh ikaw yung panaginip ko?

"Nakakalungkot naman at second place lang tayo sa nangyaring Guild War," agad na nag-open up siya sa topic about sa larong kinababaliwan namin, ang World Of Gods Online.

"Okay lang 'yon, may marami pa namang darating na opportunities sa guild natin. Malay mo may sumali sa ating malakas na miyembro." Agad akong napa-isip sa guild namin na Sky Heaven. Nakatapat namin ang Hades na di maitatangging sobrang lakas at sobrang galing.

"So kita na lang tayo sa cafeteria mamaya BF ko," pamamaalam niya sa akin ng marating namin ang seksyon na kinabibilangan ko, ang 9-A. Si Brynx naman ay nasa 9-B.

"Kita lang, walang tayo," mahina kong bulong.

"What? Did you say something?"

"Ahm.. Nothing.. wala naman akong sinabi. Baka guni-guni mo lang yon." Kahit na di ko makita ang aking mga pisngi ay paniguradong pulang-pula na ito ngayon. Eh ikaw ba naman ang muntikan ng mabisto ng crush mo.

"Baka nga guni-guni ko lang 'yon." Nakangiting sabi niya. "Ahm Sige tuloy na ako," tumalikod na ito at naglakad palayo. Ilang hakbang lang ang ginawa niya ng muli itong humarap sa akin.

"If you need something, just call my name and I'll be there. Remember that." Isang kindat ang iginawad niya, kindat na nagpabilis nang tibok ng puso ko. "Nasa kabilang seksyon lang ako."

Naglaho si Brynx habang ako ay tulala parin. Di ko maintindihan ang puso ko. Bakit ang bilis nitong tumibok? Patay na patay talaga ako sa kanya eh.

"Aray," naputol ang pagpapantasya ko ng may bumangga sa akin. Nag-init agad ang ulo ko. "BULAG KA BA AT HINDI MO NAKITA NA MAY TAO SA HARAPAN MO?"

"It was your fault Missy. You're spacing out infront of a door na dapat daanan ng mga tao. Next time kasi kung type mong matulala, sa banyo o sa kwarto mo gawin ng walang istorbo. And in case di mo alam na pandak ka na siyang dahilan at hindi kita nakita kaagad. Buy some vitamins na pampatangkad and in case di mo 'yon ma-afford, pumunta ka sa bahay and I will give you some. May kasama pa 'yong special ingredient..." Lumapit ito sa tenga ko at bumulong. "....my body."

Di ko napigilan ang palad ko at dumapo iyon sa mukha niya. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong mga taong walang respeto sa mga babae. Mga taong kagaya ni Dad.

"BASTOS," ubod na lakas na sigaw ko. Nakuha ko ang atensyon ng mga kaklase ko. Tumingin rin ako sa mukha ni Boy Manyak na namumula, bago lang ata ito sa school namin or taga kabilang section ito.

"Your voice was too loud Miss, I want to hear it again while we are making love." He smiled mockingly na lalong nagpakulo ng dugo ko. Saang lupalop ng mundo galing ang Manyak na 'to?

Naglakad ito palayo sa akin at umupo sa pinakadulo ng ikatlong pangkat. Tumingin ito sa akin na sinuklian ko rin ng masamang tingin. Agad itong napangiti at kumindat. Kindat na nakasira ng umaga ko. Makakaganti rin ako sayo Boy Manyak, humanda ka sa akin.

World of Gods OnlineWhere stories live. Discover now