[4] The Hades Were Tricked[4]

1.3K 89 5
                                    

•Third Person•

Isang nakakamanghang balita ang lumitaw sa notification ng bawat player. Ang tawag sa notification na ito ay World Notification kung saan lahat ng manlalaro ay makakatanggap ng notification.

World Notification:

The last emperor and the greatest tanker Emperor Pig  was killed by solo. The five Emperors successfully found their masters.

Sa paglitaw ng world notification na 'yon ay natapos ang event na Finding Emperors at ang huling emperador na natagpuan ay si Emperor Pig. Ito daw ang pinakamakunat sa lahat kaya nakakagulat na isang nilalang lang ang tumapos at nagpasuko nito. Ngunit, isang nilalang nga lang ba ang tumapos sa Emperador? Paano kung nandaya ang tumapos sa napakakunat na Emperador?

- Flashback 30 minutes before the World Notification appeared -

"Dito ko narinig ang mga pagsabog," wika ng isang player na may class na swordman habang kausap ang isang magandang binibini na may class na mage. "Ayon sa spy na nakausap ko ay may malaking tsansa na sa gubat na ito nilagay ng mga creators ang huling natitirang emperador, si Emperor Pig."

"I see," mahinang bulong ng babae at bahagyang napaisip. "Calling the attentions of all units magsihanda kayo at baka makita nat–"

Hindi natuloy ng babaeng mage ang kanyang nais sabihin dahil sa isang malakas na pagsabog. Agad namang naalerto ang 100 players. Agad pumunta sa harapan ang isang maangas na swordman, ang pangalawa sa ranking na best swordman na si Yurneyro. Kulay itim ang magulo nitong buhok at may balbas ito sa mukha. Isa rin siyang kilalang player dahil kabilang siya sa pinakamalakas na guild sa World Of Gods, ang Hades. At ang 100 player na kasama nila ay myembro rin ng guild na 'to.

 At ang 100 player na kasama nila ay myembro rin ng guild na 'to

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

"Ito na siya, ang Emperor Pig." Nakangiting wika ni Yurneyro. Nanginginig ang katawan niya sa excitement. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang mahaba niyang espada.

"Wag muna kayong umatake Yurneyro," seryosong utos ng babaeng mage na si Rivana. Si Rivana ang pangalawa sa pinakamalakas na mage ayon sa ranking. Isa rin siyang membro ng Hades. Kulay itim naman ang mahaba nitong buhok at sobrang puti ng mga balat. Palagi itong seryoso at kinababaliwan ng mga kalalakihan ang malusog nitong hinaharap.

 Palagi itong seryoso at kinababaliwan ng mga kalalakihan ang malusog nitong hinaharap

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.
World of Gods OnlineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ