[5] Tartarus Prison Arc 1.5[5]

1.2K 78 7
                                    

***

Tartarus Prison Arc 1.5: My First Tentacle(part 2)

•JACKAL•


   Tensyon. 'Yan ang namayani sa aming dalawa ni Lokal ngayon. Dalawang minuto na ang lumipas ng magsimula ang duel namin pero wala paring umaatake. Nagpapakiramdaman kami. Nag-iisip rin ako kung paano manalo. I can't afford to lose. Ayaw kong isuko sa kanya si Emperor Pig.

  Agad na naglaho si Lokal, mukhang balak na niyang simulan ang laro. Gaya ng kanina ay di ko siya nakikita pero I managed to fell her kahit kaunting presensiya lang niya. Pabago-bago ang location niya, para siyang nagte-teleport sa boung parte ng isang transparent barrier na nakapalibot sa amin. A safety barrier for our duel.

   Hinugot ko ang dagger ko na para sa mga baguhan lamang. Ito'yong ginamit ko para patayin si Emperor Pig so parang may lucky charm ito.

  Lumitaw sa harapan ko si Lokal dala ang isang napakagandang katana. Agad niyang winasiwas ito sa direksyon ko. Agad akong napangiti, nang tumama sa dibdib ko ang sandata niya ay nagulat siya sa mga sumunod na nangyari. Nawasak ang sandata niya, she managed to cut tiny part of my robe pero di kinaya ng sandata niya ang Emperor's Armor na sout ko.

"Imposible," agad siyang naglaho sa harapan ko at lumitaw malayong-malayo sa akin. "Nawasak ang sandata ko ng tumama ito sa armor mo?"

"Normal attacks won't hurt me, sout ko kasi ang pinakamatigas na armor, the Emperor's Armor." Kita sa bandang dibdib ng butas ang maikling parte na kulay pula ng aking kalasag. Agad akong nag-blink strike patungo sa likod niya at pumunta sa bandang ulo niya.
"I'm a half tanker and at the same time an assassin."

Hiniwa ko ang parte ng kanyang leeg. Pero ilang inches na lang siguro ang layo nito ay nawala siya agad. She just disappeared, gaya ng nanyari kanina sa laban nila ng mga mahihina na players. Tanging hangin ang natamaan ng dagger ko.

"Ang bilis mong maka-blink ah," manghang sabi ko. Napakalakas niya, walang duda sa bagay na 'yon. Lumitaw siya medyo may kalayuan mula sa akin, dala niya parin ang naputol niyang katana.

"I didn't blink, tumakbo lang ako. Di lang naman kasi ikaw ang may hawak na emperador." Agad niyang hinubad ang kanyang sout na robe. Napakagandang babae ang nagtatago sa likod ng itim na telang iyon. A goddess, ganyan ko siya mailalarawan. May mahaba at nakatali itong buhok na sing itim ng dilim. Kulay asul ang mga mata nito na mapaya. Walang ekspresyon ang mga mukha nito, blanko lang. Sout nito ang isang asul na magandang armor na fit sa kanyang katawan. At isa lang ang napapansin ko, ang nakaukit na letter 'E' sa kanyang leeg, katulad ng letter E sa palad ko.

"I had the fastest emperor among all emperors, Emperor Cheetah, also known as the flash." The flash? Kasali ba siya sa DC comics? Kamembro ni Batman? Nagulat rin ako ng muling tumubo ang naputol niyang sandata na parang bago uli. "Nasa akin rin ang isa sa pinakamalakas na sandata, ang Sword of Infinity."

"May dalawang bagay ang kailangan mo upang maging diyos sa larong ito. First, ay ang sandata mo na dapat ay may taglay na unique abilities. Just like the sword of Yurneyro and Bloody, one of the strongest member of Hades. And the second one is the so called special AIs. 'Yong makakapagdagdag ng lakas mo at tutulong sayo sa laban. They are your virtual comrades, your special buff." Agad siyang nawala muli. Damn, how can I hit her if she was so fast? Kung kaya ko lang talaga siyang patigilin—teka, I can make her stop.

"Summoning Technique: I summon you, Emperor Pig." Sabi ko habang hinihintay kung lumabas si Emperor Pig at ilang minuto lang ay may bumulwak na usok sa gilid ko tsaka lumitaw ang emperador. "If you had the flash, nasa akin naman ang man of steel."

World of Gods OnlineWhere stories live. Discover now