No Choice

41 5 1
                                    

"Earl." Sambit ng babae sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Malalim ang kaniyang iniisip at tila may binabalak na plano.

"What do you need from me?" Malamig nitong tanong, gritting his teeth in anger.

Nakatukod ang kaniyang mga siko sa mesa. Magkasalikop naman ang mga kamay.

"Marianne's in danger." Anito.

Huminga ng malalim ang binata. Nag-aalab ang kaniyang sistema. Hearing Marianne's name once again triggers him to explode.

Naaalala niya ang mga panahong maayos pa ang lahat. Iyong normal lamang sila na mga nilalang sa kanilang mundo. Kahit sabihin pang may dugong bughaw, malaya silang mamuhay bilang ordinaryong mamamayan.

Si Pearl ay kapatid ni Earl. Matalik silang magkaibigan ni Marianne. Lahat ng sikreto nila'y sinasabi sa isa't isa. Maging ang pagkakaroon ng pagtingin ni Marianne sa kaniyang kapatid ay alam niya. Ayos lang sa kaniya iyon. Alam niyang mabuting nilalang ang kaniyang kaibigan at hinding hindi niya ito sasaktan.

Hanggang sa isang araw, nang naghihingalo ang reyna, kailangan niyang magkaroon ng tagapagmana ng trono. Dahil mahina si Marianne at may angking galing si Pearl sa pamamalakad ng palasyo, naisipan ng reyna na si Pearl na lamang ang kaniyang tagapagmana kahit na hindi niya ito anak. Alinsunod sa propesiya ng banal na aklat, ang tagapagmana ng trono ay ang anak lamang ng kasalukuyang reyna. Ngunit batid ng reyna na walang kakayang maging reyna ang kaniyang anak sapagkat may dugong dayuhan ito. At ayon pa sa banal na aklat, hindi maaaring maging tagapagmana ang isang anak kapag may dugong dayuhan ito. Kaya naman napagdesisyunan ng reyna na si Pearl ang susunod na reyna ng mundo ng mahika.

Nang nalaman ito ni Marianne, nagbago ang kaniyang ugali. Kinamumuhian niya ng husto si Pearl. Anito'y mang-aagaw siya. Kaya naman ay nagdesisyon siyang paslangin na lamang ang kaibigan upang sa huli, siya pa rin ang magiging reyna.

"Wala akong pakialam. At kung bibigyan ako ng pagkakataon, ako mismo ang papatay sa kaniya." Matalim na sabi ng binata. Hindi maikubli ang galit sa bawat salitang binibigkas. Gusto niyang maghiganti dahil sa ginawa nito. Gusto niyang magbayad si Marianne sa kaniyang ginawa. Buhay ang kaniyang kinuha, buhay niya rin ang magiging kabayaran.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ha, Earl?!" Nagsisimula ng mag-alab ang dugo ni Kreg sa kaniyang narinig.

Earl turned to her with his fiery eyes. Literal na nag-aalab ang kaniyang mga mata.

Umismid siya. "She killed my sister, Kreg. I will kill her too!"

Isang matunog na hangin ang kaniyang pinakawalan.

"Anong pinagkaiba mo sa kaniya, kung ganoon? You will kill her just because she killed Pearl?"

"Why?" Napatayo sa galit ang binata. "Do you think palalampasin ko ang ginawa niya?"

"Earl,"

"You don't understand, Kreg! Hindi mo maiintindihan dahil hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko!"

"Makinig ka muna-" singit nito.

"Para saan pa? Ha? Do you think listening to you can bring my sister back? Hindi, Kreg! At hindi naman ikaw ang nawalan."

"Nawalan din ako!" Singhal ng dalaga. "Pearl is one of my bestfriends! I suffered too! Nawalan din ako!"

Nanghihina na si Kreg. Gusto niyang ipaintindi kay Earl na hindi solusyon ang pagpatay kay Marianne. At isa pa, ilang taon na ang lumipas mula nang nabalitaang patay na si Pearl. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang kaniyang pagkamatay.

"But you keep silent." Walang emosyon nitong pahayag. "You tolerate her which I won't do for fuck's sake."

"Wala ka ring mapapala kung papaslangin mo si Marianne, Earl. Hindi mo na mababalik pa ang buhay ng 'yong kapatid."

Nagtatangis ang bagang ni Earl. Kahit ano pang sasabihin ni Kreg, hindi na nito mababago pa ang kaniyang desisyon.

"Kakaibiganin kong muli si Marianne. I'll make sure she'll fall in love with me harder and deeper. At pagkatapos noon-"

"Pagkatapos ay siyang pagpaslang mo sa kaniya?" Dugtong ng dalaga.

"Yes." Matapang nitong sagot. "Gagawin ko ang lahat para mapagbayaran niya ang lahat ng kaniyang mga nagawang kasalan. Uunti-untiin ko siya hanggang sa hindi na niya kaya at bibigay ang kaniyang katawan."

"Nahihibang ka na ba talaga?!" Galit na sigaw ni Kreg.

Earl turned to her with his blazing eyes. "I know what I am doing, Kreg. At kapag malaman kong sasabihin mo ang plano ko sa kaniya, ikaw ang isusunod ko."

Napalunok ang dalaga. Kinakabahan siya sa banta ng binata. Alam niyang seryoso ito. At kapag susuwayin niya ang gusto ng lalaki, maaaring katapusan na niya.

Bakit, Kreg? Makapangyarihan ka naman, 'di ba?

"Hindi mo alam kung anong pinapasok mong gulo, Earl. Makapangyarihan si Marianne. Mautak siya at kaya niyang pagbaliktarin ang mundo." Giit ng dalaga.

Umismid muli ang binata. "Kahinaan niya ako, Kreg. Baka nakakalimutan mo."

Umiling ang dalaga at napasapo sa noo. Hindi niya maintindihan ang nangyayari kay Earl. Ito ba ang epekto ng pag-ibig?

"At upang tigilan na ni Marianne si Kyla. I can't stand watching Marianne torturing her. Ikamamatay ko yata." Ibinulong ni Earl ang huli niyang linya.

"Pinapahamak mo lang ang sarili mo, Earl. Nababaliw ka na talaga."

"Ano bang problema mo? 'Di ba ito naman ang gusto niyong lahat?"

Umawang ang labi ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kausap. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi niya makuha-kuha.

"Para tigilan na rin ni Marianne si Kyla, I will surrender myself to her. Ako lang naman ang kailangan niya."

Napasapo muli sa noo ang dalaga. Nalilito na siya sa pinagsasabi ni Earl. Kanina lang, plano niyang paslangin ang kaniyang kaibigan at ngayon, ipapain niya ang kaniyang sarili.

"So plano mong maging pain para tigilan na ni Marianne si Kyla?" Konklusyon niya.

Huminga ng malalim si Earl. "I don't have any choice." Nanghihina niyang sabi.

"Wow!" Sarkastikong bulalas ng babae. "Do you think ganoon kababaw si Marianne? Wake up, Earl! Hindi siya basta basta nadadala sa isang favor!" Untag nito.

"Then tell me what to do!" Desperada nitong sabi.

"I can't." Halos pabulong na sagot ni Kreg. Nanghihina siya sa nangyayari. "If I'm going to help you, it means betrayal."

"Ano bang mas mahalaga sa'yo? Pagkakaibigan niyo o kapakanan ng lahat?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga sabay lunok ng sariling laway. She's torn in between. Mahalaga sa kaniya si Marianne. Pero alam din niyang kapag tutulungan niya si Earl, mababawasan ang bilang ng taong masasawi dahil sa kaniyang kaibigan.

"Then you gave me no choice, Kreg. I have to do my plan." Deklara niya. Umikot siya't umalis sa harap ng kausap. Iniwan niya si Kreg na ngayo'y halos hindi humihinga.

The Chronicles of Ametista (Part 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें