Matter

41 3 0
                                    

Nag-ayos ng sarili si Lars matapos ang pagpupulong.  Makikipagkita siya ngayon sa Ametista. Ngunit, bago iyan, kailangan niyang masigurong walang makakahuli sa kaniya.

"Patay ka, boy. Ragutak ka talaga." Bulalas ni Kurt nang sinabi ni Lars ang kaniyang plano.

"Pinapahamak mo lang kami, Lars." Reklamo ni Jonas.

Nasa loob sila ng kanilang silid. Ang buong akala nila'y silang lima lamang ang nasa loob. Little did they know, may nagmamasid sa kanila.

Tamad na hinarap ni Lars ang kaniyang maliit na hukbo.

"Puwede ba? 'Wag kayong maingay. Kinakabahan na nga ako, dinadagdagan niyo pa."

"Oh edi 'wag mo ng ituloy." Pamimilosopo ni TJ at sinamaan kaagad siya ng tingin.

"Duwag ka lang kaya ka nagkakaganyan."

"Labas na kami riyan, ha?" Paninigurado ni Kurt na ngayo'y kinakabahan ng husto.

"Oo." Inis na sagot ng pinuno. "Kapag 'di ako makabalik ng ilang oras, dalawa lang ang ibig sabihin noon. Either natatagalan ako o patay na ako."

"'Wag ka ngang magbiro. Gago 'to ah." Jonas whined, rolling his eyes.

"Seryoso ako." Si Lars. "Basta, kapag 'di ako makabalik kaagad, alam niyo na ang mangyayari."

Pagkatapos ng huli niyang salita ay bigla siyang naglaho. Iniwan niya ang kaniyang kagrupo na tulala at walang magawa.

Meanwhile, Cyan's breathing hobbled. Tama nga ang hinala niya. Tama ang kaniyang pinuno na traydor si Lars. May binabalak siya laban sa hukbo. Ano naman ito? Paano kung hindi na nga siya makakabalik? Kailangang mapigilan siya ni Cyan. Pero paano? Natatakot din ang dalaga na buhay niya ang magiging kabayaran kung sakaling kakampi siya kay Lars.

Pero sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, susuportahan mo. Ano kaya ang gagawin niyang hakbang upang hindi mapahamak si Lars sa kaniyang binabalak? Magtatagumpay kaya siya o malalaman ni Marianne ang lahat?

"Okay ka lang?" Tanong ni Russel kay Jhenrish.

"Oo. Medyo masakit lang 'yong ulo ko." Sagot nito sabay hawak sa kaniyang noo.

"'Lika." Ang binata saka pinaupo ang dalaga sa isang bakanteng upuan saka pumuwesto ito sa likod nito.

"Anong gagawin mo?" Takhang tanong ni Jhenrish. Wala siyang alam sa binabalak ni Russel.

"Basta. Mamasahiin ko ulo mo."

"Ha?" Napaikot ng katawan ang dalaga upang maharap ang kausap. "'Wag na." Natatawa nitong sabi. "Baka may magselos pa."

"Selos?" Natawa siya sa sarili niyang salita. "Sino naman?"

"Basta." Si Jhen sabay talikod sa kausap. Bumagsak ang kaniyang mata at napailing nalang sa kaniyang isip.

"Sige," si Russel. "Kung ayaw mo, heto oh," may kinuha si Russel sa kaniyang bulsa. Napaikot naman ng katawan si Jhen. Gustuhin man niyang tumayo, hindi niya magawa dahil masakit ang kaniyang ulo.

"'Wag na nga, Russel." Pamimilit ni Jhen. "Ayos lang ako."

"Kailangan mo ng gamot, Jhen. Paano kung magkakasakit ka, 'di ba?"

"Sakit agad?" Humalakhak ang dalaga.

"'Wag ka ng umangal pa. Ito oh," inabot niya ang gamot na kulay kahel na oblong ang hugis at kulay blue ang balot nito. "Saka tubig." Pahabol niya sabay abot din ng bote ng tubig.

"Sige na nga." Ngumiwi si Jhen saka tinanggap ang alok ng binata. Wala naman siyang magagawa. Gustuhin man niyang tumanggi, alam niyang mapilit si Russel. "Salamat ha." Ngumiti siya.

"Walang anuman. Saka... matulog ka muna kung gusto mo. May unan ako sa bag."

"Sige." She smiled with a nod, so Russel did.

Pinahiram ni Russel ng unan ang kaniyang kaklase. At habang ganoon ang eksena, 'di nila alam na pinapanood pala sila ni Quennie na ngayo'y nag-iwas at nagbaba ng tingin. Para bang may tumusok sa kaniyang puso. Hindi dapat siya makaramdam ng kung ano dahil kaibigan niya ang dalawa.

Sa kabilang dako, hinihintay ng grupo ni Jezelle ang pagdating ni Lars. May balak pa ba iyong susulpot sa harap nila? Paano kung mahuli siya? Tiyak silang katapusan na ni Lars.

"I'm afraid Lars won't show up here." Jezelle commented, sounded impatient.

"Relax," pampalubag loob ni Janrez. "Kailangan nating magtiwala sa kaniya."

"Trust? Big word." Agap nito.

"Is that you, Sarah?" Pang-aasar ni Trixie sabay halakhak. Inirapan naman siya ng kaniyang kaklase.

"Relax ka lang kasi." Si Luise kaya tinignan siya ng masama ng kausap. "Alam naman nating 'di madali ang ginagawa ni Lars."

"Tingin niyo talaga mapagkakatiwalaan 'yon?" Kumunot ang kaniyang noo.

Si Lars talaga? Mapagkakatiwalaan? Ilang beses na ba silang binigo nito? Saka... paano nakasisiguro ang Ametista na mapagkakatiwalaan si Lars gayong nasa panig siya ni Marianne?

"Bakit naman hindi?" Tanong pabalik ni Daniel.

"Anong 'bakit naman hindi'? Si Lars 'yon!"

"Grabe siya." Bulalas ni Dudes.

"Grabe grabe grabe." Sabay sabay na kanta ng mga kagrupo sabay tawa. Jezelle, in the other hand, mocked at them and rolled her eyes in disgust.

Habang nag-iingat si Lars sa pag-alis niya sa kampo, nakabantay naman si Cyan. Pero dahil alam niya na kailangan niya ring mag-ingat, hindi siya nagpapakita sa binata.

Sinundan ng dalaga ang tinatahak na daan ng binata. Isa lang ang pumapasok sa kaniyang isipan. Ang puntahan ni Lars ang Ametista upang makipagpulong para sa gagawing plano.

Paano na iyan? Alam ni Lars ang plano ni Marianne. Ibig sabihin, ibubunyag nito ang plano ng pinuno? Kung ganoon, masisira ito at maaaring matatalo ang kanilang hukbo. Maraming mapapaslang at nakasisigurong dadanak ang dugo!

"Lars!" Sabay sabay na gulat na bulalas ng ilang Ametista nang biglang sumulpot ang binata sa kanilang harapan. Samantala, ang grupo ni Jezelle ay nawindang. Napatayo ang iba, bukod kay Jezelle na walang emosyon ang makikita sa mukha.

"Shsh." Saway nito kaagad saka pumwesto sa gitna ng lahat. "Hindi ako magtatagal. May kailangan lang akong sabihin."

"Ano?" Kuryosong tanong ni Kyla na ngayo'y nakakunot ang noo.

"Listen, guys." Panimula nito. Ang iba ay lumapit pa para makinig, bukod kay Jezelle na nanatili sa kaniyang inuupuan habang mataman na nakikinig. "May bagong plano si Marianne."

Cyan's breathing hobbled and twitched at the same time. Hindi nga siya nagkamali. Isa ngang traydor si Lars. Ngunit, paano na iyan? Mapipilitang isiwalat ni Cyan ang katotohanan sa kaniyang pinuno. Paano na rin ang taong minamahal niya ng lubos?

"Ano 'yon?" Usisa ni Quennie na ngayo'y katabi ni Kyla, kasama ang kaniyang grupo.

"Gusto tayong patumbahin ni Marianne. Kani-kanila lang ay nagkaroon kami ng pagpupulong ukol sa plano laban sa atin."

Nanlumo ng husto si Cyan sa kaniyang narinig samantalang nawindang ang Ametista. Halo halong emosyon ang nagtatalo sa kanilang sistema. 'Di sila makapaniwala sa isinawalat ng binata.

"Sabihin mo sa 'min ang plano." Utos ni Janrez.

Inisa-isa ni Lars ng tingin ang kaniyang mga kaklase. Russel looked away as soon as their eyes met. May mali. Iyon ang nasa utak ni Russel. May mali sa gagawin ni Lars.

Huminga ng malalim ang binata. He can't help but feel guilty and bold at the same time. Guilty dahil alam niyang nagtataksil siya sa pinuno, bold dahil alam niyang matapang siya. Hindi siya natatakot sa posibleng mangyari kung sakaling titiwalag siya sa grupo. Kahit pa sabihing buhay niya ang magiging kapalit ng kaniyang gagawin. For atleast, kahit iyon lang ay makakabawi man lang siya sa kaniyang ginawa... may maiaambag sa Ametista.

Pero paano na si Cyan na ngayo'y kabadong kabado sa nangyayari? Tatalikuran niya kaya ang kaniyang nararamdaman sa dalaga para sa kapakanan ng nakararami? Will it be worth it after all?

Or maybe Cyan doesn't really matter to him?

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon